Lahat naman tayo napanghihinaan sino bang hindi?! yung iba dyan patawa tawa lang at hindi lang pinapahalata pero gusto ng sumabog nyan, Yung iba umiiyak na lang kapag wala ng nakakakita, yung iba tahimik lang akala mo walang pakialam pero sobrang apektado din yan. Dito makikita kung paano mo i-ha-handle yung mabigat na sitwasyon na meroon ka. Hindi ka po nag-iisa marami tayo na apektado ng mga pangyayari na hindi natin inaasahan, nasasaktan tayo kasi hindi natin matanggap yung mga bagay na sitwasyun na nagpapahirap sa atin kaya tuloy humahantong tayo sa mga desisyun na hindi nagiging tama dahil bakit?! napapangunahan tayo ng matinding emosyun. Isa sa mga bagay na natutunan ko huwag tayo masyado dumepende sa tao, lugar, or pangyayari. Dahil wala naman permanente dito sa mundo lahat nagbabago, lahat mawawala.Na-realize ko lang din na DAPAT mas maging matapang pa sa takbo ng mundong to lalo na sa galaw ng kaaway si "satan" kasi ang purpose nya dito sa atin ay mang-gulo, manira, manloko. Dyan sya magaling pero may hangganan yung galing nya kasi may mas HIGIT sa kanya walang iba kundi si JESUS CHRIST.Para tumagal ka sa laban ITUON MO isip mo at puso mo sa lumikha sayo! May dahilan ang lahat ng bagay dito sa mundo maging sa buhay mo kung bakit nandyan ka sa sitwasyun na yan, maaring may pina-realize sayo ang Lord, maaring may paulit-ulit kang kasalanan kaya hindi ka gumagaling sa isang bagay at hindi ka makaalis-alis dyan. Nakakasawa di ba?! pero kung hindi ka kakapit sa Manlilikha at sa may kakayanan ng lahat ng bagay hindi mo talaga kakayanin kasi tao ka lang, pero kung mamumuhay ka na may Panginoon hindi ka kaya wasakin nino man maging si satan dahil kasama mo ang Diyos.Life is beautiful! Laban lang! hindi ka nilikha lang, likha ka ng Mapagtagumpay na Diyos kaya mapapagtagumpayan mo din ang lahat ng kahirapan dyan sa buhay mo. Exercise your FAITH, FOCUS ON GOD! REPENT TO GOD!