Luha
Ang buhay ay sadyang napakatalinhaga. Hindi mo masasabi kung ano ang mangyayare sa inyong hinaharap, kahit pa ito ay iyo nang plinano at pinaghandaan. Sa paglipas ng panahon may darating na pagsubok at ikaw ay hahamunin sa iyong kakayahan at susubukin ang iyong pagtimpi at pagiging mahinahon. At sa panahong ika'y malingat, mga pangarap mo'y magbabago at saglit lang magiiba na ang takbo.
Kadalasan magtatanong tayo " bakit nagkaganito ang takbo ng buhay ko? ". Ngunit sating sarili sana ipagtanto, saan tayo nag kulang? Saan tayo nagkamali?. Sapat ba ang aral at payong na sa atin ay gabay sa ating paglaki? O sadyang tayo ay naging suwail at di nakinig nang mabuti? At sa mga panahong tayo ay nagkakamali naisip ba natin na tayo ang may gawa at walang ibang masisisi?
Sa bandang huli darating sa atin ang pagsisisi. Ngunit hindi na maibabalik ang dating plinano mo ng mabuti. Saka mo maiisip, sana pala nakinig kang mabuti sa mga payo at paalala na akala mo lang ay panira sa diskarte. Sa bandang huli saka ka magsisisi, sapat na sana ang dati kung hindi ka lang natuksong sumabay sa daloy ng pagsubok na minsan dumadaan para subukin ang iyong pagtitimpi.
Kaya naman habang maaga pa'y iyong pansinin, kung ang iyong ginagawa'y tama o pagsisisihan mo't magdudulot ng hindi magandang alala sa atin. Habang maaga pa itigil mo na, at bumalik sa dating mga plano at pangarap na hinangad at pinaghandaan para sa magandang bukas at tamang landas na hangad ng lahat sa atin..
















