Itatago na bawat patak ng ulan Mga sigaw na kailanman Hindi bubulong sa itong mga taenga
Ikukubli ng bawat binuong butil ng tubig Mga salitang ninais sabihin Ngunit nahuli na sa mga nangyari
At hindi mo man Lang malalaman Na ang tulang Ito ay Ikaw pa rin ang nilalaman
Sa bawat taon na lumipas Pinaniwala ang puso Na natapos na ang Lahat
Ngunit eto at bumabalik pa rin Sa isang punting nakakandado Sinusubkang magbalik sa tinalikurang nakaraan
At isisigaw ng pusong Ito Ang Lahat ng lungkot at sakit Habang bumubuhos ang ulan
Walang makaririnig Walang makaririnig Walang makaririnig
Bingi ang mundo sa bawat tinig Na gagawin ng akin bibig Makakalimutan, huhugasan ng ulan
Aawitin ang bawat salita Sasabay sa paghalik ng ulan sa lupa Nakatago sa ulap, araw Lang ang makakikita
At sa wakas nasabi rin Lilinisin ang pool Kung saan ka naroon At susubukan muling umawit ng bagong awitin
Sa pagsilip ng araw Tatahimik mga salitang Ito Matutuyo at wala na rin.