Kailan ba ako lalaya?
Mahigpit ang kapit sa posas ng kulungan
Kalayaan ay hindi ko makamtan
Nasasakal sa higpit ng taling hinihila ako pabalik sa aking pinanggalingan
Tama na
Pwede ba?
Gusto ko lang naman lumaya
Lumipad sa himpapawid ng masaya
At walang iniisip na problema.









