HUWAG MO NANG PANGHAWAKAN MGA PANGAKONG UMPISA PA LAMANG SINIRA NA NIYA NUNG ARAW NA BINITAWAN KA NA NIYA

seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from China
seen from Germany
seen from Canada

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Switzerland
seen from China
seen from United States
seen from China

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from China
HUWAG MO NANG PANGHAWAKAN MGA PANGAKONG UMPISA PA LAMANG SINIRA NA NIYA NUNG ARAW NA BINITAWAN KA NA NIYA

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
PARANG BIGONG PANGAKO
Para kang bigong pangako.
Nangliligalig ng isip
kung saan ba
nagkamali—nanunuri
kung wala bang nagawang mabuti.
Para kang bigong pangako.
Binibigkas palagi
na parang panata
ng nanay ko
sa tuwing makikitang
wala akong ginagawa.
Para kang bigong pangako
na lumalantad
kung kailan
nagdaan na ang lahat.
Parang nanunuot
na luha sa unan.
Nireserbang kutsilyo
para may maikatwiran.
Natuyong pawis
sa likuran—masakit sa dibdib.
Para kang bigong pangako.
Nalilimot kung kailan
lubhang kailangan,
Inaalala kung
may di sadyang nalimutan.
Para kang bigong pangako.
Ibinibigay nang tapos
pero hindi naidaraos,
babawiing lihim kapag
hindi na nakatingin,
lalo kung
hindi na naaalala.
Para kang bigong pangako,
nagbibigay liwanag
sa hindi
at sa karapat-dapat.
Para kang bigong pangako.
Nagbabarak na tinta
sa mga dahon
ng kwaderno.
Nangungunyapit na dahon
pagkatapos mahulog
nang hindi kumapit
nang maigi sa puno.
Para kang bigong pangako.
Lumuluha na lang
sa dismaya
imbis na kumikilos
o di man kaya ay tumatayo.
.
.
.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
Hindi kita bibitawan
Hindi pagsasawaan
Ika'y aking aalagaan
Iyan ang iyong asahan
Pinabayaan ka na ba ng panahon
Kinalimutan ka na ba ng kahapon
Tinalikuran ka na ba, marami mang pinagdaraanan
Hinding hindi kita pababayaan
Pangako
Pangako
Nagsimula tayo sa mga pangako Na habang tumatagal unti-unting naglaho Mga pangakong sing tamis nung unang binitawan At sing sakit rin nung biglang inayawan
Nangako ka sa 'kin na hanggang sa dulo tayo'y magkasama Pero bakit ngayon sa tabi ko'y wala ka na? Pinagpilitan lang ba ang sarili para tayo'y tumagal Kahit unti-unti nang nalulunod sa higpit ng sakal
Nangako ka sa 'kin na sa piling mo ako'y liligaya Pero bakit ngayon sakit ang aking nadarama? Sakit na nagiwan ng malaking sugat sa 'king puso Sakit na umiikot sa buong katauhan ko
Nangako ka sa 'kin na di ka tulad ng iba Pero habang tumatagal napapatunayan kong mali ka Sabi mo di ka tulad nila na ako'y sasaktan Pero bakit ngayon kailangan ko ng gamot sa sakit ng iyong pagliban?
Nangako ka sa 'kin na ako'y iyong mahal talaga Pero bakit ngayon bumitaw ka nalang basta-basta? Tunay nga ba ang pagmamahal mo sa 'kin? Kung oo, bakit kailangan ganito ang sapitin
Nangako ka sa 'kin na pipigilan mo ang mga tutulong luha Pero bakit ikaw ang naging sanhi nang sinabi mong ayaw mo na? Masakit tanggapin, di pa rin mawala sa isip Hinihiling na sana'y ito'y masamang panaginip
Mga pangakong parang papel na basta lang nilukot at tinapon Parang maliliit na basurang tinangay ng malaking alon Parang bulaklak na nalanta't hinayaan basta-basta Mga pangakong binalewala na di na maibabalik pa
Nadurog ang puso pati na rin ang tiwala Sa 'yong mga pangakong tuluyan pa naman ding umasa Gaano katagal kaya maghihilom ang mga sugat ko? Sugat na naging reulta ng mga pangako mo

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Pangako Ng Lumipas. (Her)
Nandito pa rin ako… Nandito pa rin ako kung saan huli kitang nasilayan Habang ibinubulong ang mga pangakong iyong binitiwan, Nandito pa rin ako, sa parehas na pwesto kung saan huli kong natikman ang iyong mga labi Kasabay ng aking paghikbi. Sa pagtilaok ng manok o sa paglubog man ng araw Nandito pa rin ako, nakatanaw Ako, na naghihintay sa pagbabalik mo Ako, na umaasang isang araw babalik ka sa piling ko Babalik tayo sa piling ng isat isa. Nandito pa rin ako, nakatayo, Habang inaalala ang ating nakaraan Nakaraan, na sanay hindi mo nalimutan Nakaraan, na para sa akin, aking kayamanan. Oo, inaamin ko, minsan, gusto ko ng sumuko Tinatanong ko sarili ko kung may hinihintay pa ba ko? Kung tama pa rin ba na panghawakan ko ang iyong mga pangako? O kung tama pa rin bang maghintay sa pagbabalik mo? Oo, inaamin ko, minsan, gusto ko ng bumitaw Pero sa twing naaalala ko ang ating pinagsamahan, Pagmamahalan na ating pinaglaban Pag-iibigan na walang makakatibag kahit sino man, Nabibibigyan ako ng pag asa Pag asa, na kahit lumipas na ang ilang taon Ika'y magbabalik pa Pag asa, na kahit maghintay ako ng matagal Sa akin ay magbabalik ka pa, Pag asa, na kahit ano man ang mangyari Sa piling ko, magbabalik ka Umaasa ako na magbabalik ka pa, Na sa aking piling ika'y magbabalik pa… O kung hindi man, Asahan mo na maghihintay pa rin ako, Maghihintay ako sayong pagbabalik Maghihintay sayo, kahit gaano kasakit Maghihintay sayo, kahit gaano kapait Maghihintay ako, kahit lumipas man ang maraming taon. Maghihintay ako, para ipaalala sayo ang pangakong binitiwan mo, Ang pangakong, ako ang magtutupad para sayo Ang pangakong, ako ang magtutupad para sa ‘ting dalawa. Para sa pagmamahalan natin. Para ipaalala sayo na ang mga pangako, hindi laging napapako. Dahil ako ang tutupad noon para sa 'ting dalawa. Kahit na, Ako na lang mag-isa. Tutuparin ko. Pangako.
@tinta-ng-pluma
- ty. jey//Pangako ng Lumipas. (Her)
Bakit? Pero Salamat.
Bakit may mga taong hindi seryoso? Yun bang nananahimik ang mundo mo, tapos biglang manggugulo. Yun bang masaya ka na sa sistema mong mag-isa, pero ipaparamdam sayo na mas masaya pag may kasama? Papakiligin ka, papa-ibigin ka. Tapos ikaw naman tong si tanga, magpapadala. Paaasahin ka salitang "kayong dalawa" pero sa huli, makikita mo nalang yung "ikaw nalang palang mag-isa". Dahil sa bandang huli, iiwan ka rin nyang nakakapit. Nakabitin sa mga salitang sinambit lamang ng bibig. Nakabitin sa mga pangakong na-pako na tila ayaw mo pang sumuko. Nakabitin sa mga ala-ala, sa mga bawat sandali na kayo ay magkasama. Nakabitin sa sinabing "mahal kita", yun pala ang kasunod ay, "paalam na". Bakit may mga taong hindi seryoso? Bakit may mga taong nanloloko? Bakit may mga taong paasa? Pa-fall? Pero alam mo, salamat sa iyo. Salamat sa pagpaparamdam sakin na masaya ang may kasama. Na mas masaya pag "may-ka-tayong dalawa". Na mas masaya pag may mga pangako at ala-ala kang panghahawalan. Salamat sa iyo. Salamat rin sa sakit. Alam mo kung bakit? Dahil dito sa pinaramdam mo, dito sa ginawa mo, tinuruan mo akong magtiwala pa sa sarili ko. #ThoughtsAt12:59am. 02/21/2017
Pangako
Hinding hindi na muling mauulit
Hinding hindi na mananakit
Kokontrolin na ang galit
Hinding hindi na talaga mauulit