Ang daming issues ngayon. Pakiramadam ko nga nangunguna na ang bansa nating Pilipinas. Kita nyo naman diba, sa tv, facebook, twitter at iba pang means para makita o mabasa ng sangkatauhan. Sino nga ba o ano ang trending ngayon? Si Janine ba? O lumipas na rin ba iyon. Pero ayon sa newsfeed ko ngayon trending si Janine. Sinong Janine? Kilala mo na 'yon malamang trending din sya sa newsfeed mo.
Kita mo nga naman ang mga Pilipino, ang hilig pumapel. Ang hilig mag-comment. Ang hilig makisabwat. Mabuti sana kung nakakatulong. Hindi naman. Isang magandang halimbawa ay ang ginagawa kong ito. Di nyo alam sa panahong sinusulat ko ito ay natatawa ako sa sarili ko. Bakit ko ba ito ginagawa? Sabi ko na lang, "It runs in the blood. Pinoy eh, nosy."
Well, ang blog na ito ay hindi para sumuporta kay Janine o sa mga haters nya. Gusto ko lang gawin iyong isang example tungkol sa isang katangian ng mga Pilipino na di ko alam kung pano idedescribe. Yung ugaling kampi-kampi. Yung tipong kung sino yung nagmumukhang kawawa yun ang kinakampihan. Tapos kung yung kabila na naman yung nagmumukahang kawawa, yun na naman ang kakampihan. Balimbing ba ang tawag dun? Para saakin, tawagain na lang natin itong APInoy mentality. Kasi kung sino ang na-aapi, yung ang kakampi.
Yan, dahil sa ginawa ni Janine -- kung anuman iyon, hindi ko alam exactly kung ano -- syempre naglabasan na ang kanyang mga haters. Kesyo naaapi 'yong kabilang panig na itago na lang natin sa pangalang "Ex". Nagsilabasan na ang mga bagong salita katulad ng Najanine, Jajaninine, Jinanine and many more na para ba talagang bagong words sa dictionary. Aba! May example pa 'yon kung papaano gagamitin sa pangungusap ha. Astig. Pilipino nga naman, ang bibilis mag-isip ng mga may sense na bagay. At hindi ito irony ah, may sense naman talaga kasi naintindihan ng marami kaya ang daming likes and shares. Naku, kawawa naman ang mga Janine na walang kamuwang-muwang. One way or another, magkaroon ng conotation ang mga tao tungkol sa kung anong klase sila pagdating sa relationship. Or otherwise, magiging isang joke ang pangalan nila para sa mga bullies.
At nandito nga nga tayo ngayon sa maraming nang-aaway kay Janine lalo na sa internet. Dito naman susulpot 'yong Apinoy mentality na sinasabi ko. Oh, yan na diba, ang dami nya nyang haters, tapos, sa dami ng mga haters na 'iyan lalabas na ang mga comentary sa youtube, pangsa-cyberbully sa facebook, tweets sa twitter hanggang sa ma-overwhelm na si Janine at ang kanyang family at lalabas sa TV at magpapahayag ng kanilang side. Oh, tapos ano ang mangyayari? I'm not sure. Pero let me lay it this way. Sa nakikita ko, kapag humantong sa sa point na ito, jan na lalabas ang mga posts sa mga social networks na magtatanggol kay Janine. Syempre, sya na naman ang na-aapi. Uulitin ko, wala akong sinusuportahan. Gusto ko lang ilahad ang Apinoy mentality.
Isa pang example ay si Amalayer. Diba? Ganito ang nangyari sa kanya? Lumabas ang video nya sa youtube at naging viral sa buong pilipinas. At sino ang nagmukhang kawawa, diba 'yong lady guard. Kaya naman, upang ipagatanggol ang na-aapi, they mocked amalayer girl at ginawang katatawanan ang videong ito para lang ipagtanggol ang kawawang lady guard. Oh, tapos ano, 'yan na, ang dami nang news. Iyan na nga, na cyber bully na si Amalayer, nagkasakit na ang ibang family member nya, dineactivate nya na ang mga account nya sa social netwoks, nagpahayag na sya ng side sa media. In short, nangawawa na siya. Tapos ano, dahil kawawa na sya, jan na lumabas ang mga mapagtanggol na Pilipino. Kesyo kasalanan naman daw ng guard, wala daw kasalanan si amalayer, misunderstanding lang daw. Wow! Ano ba talaga? Kailangan pa bang gawing malaking issue ang mga yan?
Hello Filipinos, Hwag nyong gawing korte suprema ang internet. Let them settle their own problem without involving the whole country. Pili-pili rin ng palalakihing issue, aba.
Apinoy mentality, kampihan system, pa-epal. Sana naman ang pairalin natin ay ang pagmamabutihan. Kung may mag-aaway man, huwag na nating palalain pa. Sana kung may gagawin tayo ay yung mga makakatulong lang para magka-ayos ang dalawang panig. Hindi man magkakabalikan, o mababago ang nakaraan, at least yung magkaka-intindihan at hindi lalong lalala ang sitwasyon, walang samaan ng loob. Hindi yung lalaki ang aissue at magkakatapakan pa ng dangal. Wala namang perpekto diba?
Kung gusto nating umunlad ang bansa, magtulungan tayong lahat. Kung hindi man natin kayang tumulong, h'wag na nating palalain ang sitwasyon. Manahimik na lang.