ilang beses mo mang sinabi
sa sariling "hindi ko na kaya"
ngunit ilang beses mo ring
hindi sinukuan ang sarili
upang ika'y unti-unting makalaya
sa dalamhati,
sa unos ng buhay,
sa galit at lumbay
at pasasalamatan ang sarili
na buti na lang, "ikaw" pa rin
ang iyong inibig at pinili
04.29.2022

















