Bilang ako ay isang cell group/care group leader, pasimula kong sinabi sa mga hawak ko na okay din kung tawagin din naming ang care group na “friendship group.” Kung saan hindi nila ako ituturing na leader, bagkus isang facilitator na tiga handa ng topic at tiga-bato ng tanong. Ang grupong ito ay magiging instrumento ng pagbubuo ng pagkakaibigan kung saan ang tunay na magkakaibigan ay masayang tunay, marunong makinig at higit sa lahat, nagbabahaginan ng mga problema at isyu na kung minsan ay hindi natin nasasabi sa ating mga magulang.
1. Marerealize mo na di ka nag-iisa. Sa buhay, hindi pwedeng hindi tayo makaranas ng mga problema. Sa pagsali ko sa caregroup, doon ko napagtanto na sa laban sa buhay, sa mga struggles, hindi ako nag-iisa. Proverbs 27:17 As iron sharpens iron, so one person sharpens another. Sa care group mo mararamdaman na pag mababa ka, may kasama kang magtatayo sayo, magmo-motivate, mageencourage para maging matalim ka ulit. Magiging kalakasan ninyo ang bawat isa. 2. Malalabanan ang kalungkutan Noong ako ay di pa parte ng isang cell group, madalas nasa bahay lang ako. Palaging nahihiya at kamuntik pang madepress. Wag mong hayaang lagi kang mag-isa. Sabi nga “The more the merrier.” Mas maganda kung madami kang kaibigan na maganda ang pananaw sa buhay, makakatulong sayo yun. 3. Magkaroon ng matibay na relasyon Anong sense ng matibay na relasyon kung wala ang Diyos na Siyang foundation nito. Hindi lang ang lovelife ang may love triangle, ang friendship din. Habang mas kinikilala natin ang Diyos, mas makikilala natin ang mga kaibigan natin. Subok ko na to. Sinubukan kong mag cell group sa mga kaibigan ko sa school. Noong una, akala ko mag-iiba ang tingin nila sakin dahil tungkol sa Bibliya at katotohanan sa buhay ang dala ko sa kanila, ngunit kabaligtaran ito. Sila pa mismo ang nag-aaya para mag-care group na ako. Marami ng tao ang napahamak at nagkamali ng desisyon sa buhay dahil kakaunti ang kaibigang handang magtuwid sa kanila. Mahalagang ilagay sa tama ang pakikipagkapwa at pakikipagkaibigan. Know more about friendship (Questions with helpful answers) Q1: Bakit kailangan makipagkaibigan? Simula pa lang, alam natin na kaya binigay si Eba kay Adan ay para may maging kaagapay at maging masaya ito sa buhay. Sinasabi pang “No man is an island.” Tanging si Tom Hunks lang ng movie na Castaway ang nakatagal ng apat na taon sa isla. Maraming kabataan ngayon na gusto na daw bumukod, magsarili sa aparment, ngunit kalaunan ay babalik din. Psychologically speaking, kailangan natin ng someone to give our needs. Basic needs, needs for security, esteem and love (Maslow). Kailangan natin ng tao na dadamay satin, hindi lang sa victories mo, kagalakan kundi pati sa oras ng kagipitan literally or emotionally. Q2: Paano ka makipagkaibigan? Minsan, ang pakikipagkaibigan ay dipende sa personalidad. Personalidad ng makikipagkaibigan at ng kakaibiganin. Meron FC (feeling close) agad. Merong dinadaan sa paunti-unti. Iba-iba man ang istilo, isa at di nag-iiba ang main ingredients ng successful friendship. 1. Magbigay ng Oras Maraming gustong magkaroon ng kaibigan, ngunit hindi naman handang maglaan ng oras para sa kanya. Ang gusto panay problema niya ang paglaanan ng oras. Kung minsan, kahit di tayo magpayo sa kaibigan nating tila baga pasan ang daigdig, the mere presence mo lang para makinig ay sapat na para sabihing unconsciously “I’m here for you.” Tulad ng halaman, kailangan nito ng oras at panahon para madiligan at alagaan. Sa gayon, mamumulaklak at magbubunga ito ng maganda. Lukas 6:38 “Magbigay ka at bibigyan ka.(…) Ang takalang ginamit mo sa iba, ang siyang takalang gagamitin sa iyo. Oras, pera, o tulong pa man ang ibinigay, siguradong babalik sa atin ito ng siksik, liglig at umaapaw. Ngunit kung tira-tira, ‘wag magtaka kung ira din ang babalik sayo Q3: Sino ang kaibigan mo at idescribe ito. Pamilyar tayo sa kasabihang "Tell me who your friends are and I tell you who you are." na di rin nalalayo ang kahulugan sa "You are the company you keep." Kung ang kaibigan mo kikay, gala, loud, malamang lamang ganun ka din. Mahihirapang tumagal ang isang tao sa kaibigang hindi niya kaparehas ang karamihan ng hilig sa buhay. Kaya mo nagiging kaibigan ang isang tao ay dahil marami kayong napagkakasunduan at similarities. Kaya sa pagoobserba pa lang sa mga kaibigan mo, malaking porsyento na ng behavior at ugali ang maaring maitala. Q4: Anong klaseng kaibigan ka? Naitanong mo na ba ito sa sarili mo? Baka mamaya parasite-type ka na. Yun bang lagi lang naka-ungot sa kaibigan. Palibre here, palibre there. Panay hingi lang ang alam. O baka naman "mushroom" ka. Susulpot lang kapag may kailangan? Maganda kung kang bro/sis type. Asaran, kulitan, tulungan at tunay na magkapatid ang turingan. Q4: Paano maiimprove at mapapagtibay ang friendship? Our friends are our accountability and responsibility. Hindi ba't pag nawawala ang ating kaibigan, sa atin sila unang hahanapin ng magulang? Kasi nga responsibilidad ng magkakaibigan ang bawat isa. We always communicate with them which is also the key para mapagtibay ang relasyon. Ang tunay na magkakaibigan, hindi nawawalan ng komunikasyon kahit pa hiwahiwalay at grumaduate na. Hindi sila nakakatiis na hindi banggitin sa isa't isa ang mga pangyayari sa buhay nila. May mga oras na may magkakamali o madadapa sa grupo niyo. Dito magkakaalaman kung sino ang mananatiling tunay at tapat hanggang wakas. Di ka iiwan ano pa man ang di katanggap-tanggap na pangyayari sa iyong buhay. Proverbs 17:17 A friend loves at all times. Ang tunay na kaibigan loves at ALL times. Hindi weather weather lang at kung kailan ka lang niya guto ituring na kaibigan. Isang napakagandang halimbawa sa Bible ay ang pag-ibig ni Jonathan sa kaibigan nitong si David. Si Saul na tatay ni Jonathan ang kasulukyang hari noon. Sa kabilang banda si David ang nararapat nang pumalit bilang hari sapagkat taglay nito ang katangian ninanais ng Diyos. Hindi ito matanggap ni Saul, at kung sakali mang mawala siya sa troni, gusto niyang si Jonathan ang pumalit sa kanya. Nag-utos si Haring Saul na ipapatay si David na siya namang napag-alaman ni Jonathan. Bagamat bilang anak ng hari, gusto din ni Jonathan na magkamit ng korona, ngunit ang maganda dito, nanaig kay Jonathan ang pagmamahal niya kay David biang kaibigan at sinabihan itong lumayo at tumakas mula sa kanyang ama. Higit sa lahat ng ito, ang pinakamabisang paraan upang magkamit ng matagumpay na relasyon ay ang kaibiganin muna natin si Jesus. Palalimin muna higit sa lahat ang relasyon sa Kanya. Sabi nga "There is no greater love than this, that a man will give His life for a friend." Wala sinuman sa mga kaibigan mo ang kakayaning mamatay para sa iyo kundi ang Diyos lang. He gives willingly. Jesus is the best example of friendship. Kung Siya ang gagawin nating role model, nakakasiguro akong magiging matagumpay ang relasyon at pakikipag-ugnayan natin sa iba. Ugaliing manalangin at magbasa ng Bibliya sapagkat ito ang paraan upang Siya ay makakausap at makikilala ng husto at maging matalik na kaibigan.