Kasiyahan. Ito ba yung makikita mo lang sa mga pagngiti at lakas ng paghalakhak ng isang tao? Minsan natanong mo ba sa iyong isipan na masaya ba talaga ang taong ito? O sa kailaliman pa niya ay may lungkot na nararamdaman. Minsan yung taong akala natin sobrang saya dahil konting biro mo lang ay natatawa na agad siya ay may tinatago pa lang lungkot sa puso niya, marahil ay nagpapanggap siyang masaya at tinatago ang lungkot na kanyang nadarama sa kanyang pagtawa, maraming rason kung bakit siya nagpapanggap na masaya, nagpapanggap siya dahil ayaw niyang makita ng ibang tao na siya ay mahina, minsan natanong na ba natin sa taong nakakasama natin kung masaya ba talaga siya o umiiyak na ba ang puso niya sa dami ng problema at sakit ang kanyang nadarama dahil kadalasan ang taong malakas tumawa o madalas nakangiti ay yaong taong kadalasa'y nababalot ng lungkot kapag sila'y nag iisa. Sana'y buksan natin ang ating puso at tenga na pakinggan at tanungin sila kung ano ang tunay nilang nararamdaman dahil minsan ang lungkot ay nauuwi sa depresyon.

















