PANGALAWANG PAGKAKATAON (SECOND CHANCES)
Makikisali sa iba, usapang pag-ibig. Madaming nagtataka, maraming napapaisip. May pangalawang pagkakataon nga ba talaga? Oo naman. Kung iisipin, mahirap ibigay lalo na sa mga taong ‘di mo alam kung karapat-dapat nga ba talaga o hindi. Sa usaping ito, ‘di mahirap magbigay ng pagkakataon kasi nasa taong bibigyan mo nito ang problema. Kung sa palagay mo na masakit ang ginawa niya na hindi mo gusto o ayaw mo na, wag mo itulak ang sarili mo sa isang walang silbing tao. Tandaan mo naman, MADAMI PANG MABIBIGYAN MO NG PAGMAMAHAL. Wag mo kasi iikutin ang mundo mo sa isang bagay lang. Mahirap talaga. Wag mo hayaan ang sarili mo na masasaktan, lalo na sa isang tao lamang kahit alam mong ‘di mo ma-iisip kung anong mangyayari. Maraming tanong, kung papaano ba kung ganyan o ganito, kung anong mangyayari, kung anong magaganap kung naibigay mo ito. Hindi kasi naiisip ng taong humihingi nito, yan ang mahirap. Sa pag-ibig, talagang may nasasaktan. Isipin mo muna sarili mo, iikot pa ang mundo hanggang sa mawawala ka dito. Pasalamatan mo sarili mo na umabot ka sa puntong ito, nagbabasa nito.
ORAYT ORAYT ORAYT














