"KAIBIGAN"
Yung tao na palaging nandyan kahit na bumagyo paman o umulan, yung tao na pwede mong pagsabihan ng lahat nang iyong nararamdaman at kahit na hindi ka man nila maintindihan ay gagawin nila ang lahat para ikaw ay mapasaya 😄 at sa mga panahon na walang wala ka ay maaasahan mong may masasandalan ka. Pero hindi lahat ng kaibigan ay totoo mayroong iba na sa tuwing nakatalikod ka ay gagawin kang gago, sa oras na yon ay malaman mo ay masasaktan ka, kasi yung taong iyong pinagkatiwalaan ay siya rin palang sisira sa inyong pinagsamahan, pero alam nyo kung ano ang dapat gawin diyan? HAYAAN NIYO LANG MAKAKARMA DIN YAN! May pagkakataon din naman na nangyayari ang ibang klaseng pagkakaibigan, ito yung sa sobrang lapit nyo ay tila mas malapit pa kayo kaysa sa mga kapayid niyo, yung laging nandyan upang intindihin ka kahit na wala nang umiintindi sayo, at tila ba komportableng-komportable ka pag magkasama kayo, pero sa tuwing nakikita mo siya na masaya sa piling ng iba ay nasasaktan ka pero pilit mo itong tinatago sa kanya. Gusto mo lang ba siyang maging kaibigan? O baka mas gusto mong kayo ay magka-ibigan? Kahit ano paman ang kwento o klase nang pagkakaibigan niyo dapat ay bigyang halaga mo ito, dahil lumipas man ang mga taon ang pagkakaibigan nyo ay hinding hindi kukupas na parang dahon 😉










