Heneral Luna
Sa loob ng mahabang panahon, ako ay nagbulag-bulagan sa historya ng ating bansa. Mga kilalang bayani, makabuluhang pangyayari at sakripisyong hindi mo mawari ay pinaniwalaan ko simula ng ako’y nasa elementarya. Ngunit matapos kong masaksihan ang isang pelikulang pinamagatang ‘Heneral Luna’ umigting ang aking pagkamangha sa isang bayaning hindi ko lubos kilala. Si Heneral Luna ay tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo, siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano. Matikas, mahigpit at mayabang man kung sabihin, siya ay tunay na dakila sa aking paningin. Siya ay hindi makasarili sapagkat nagawa niyang isakripisyo ang sariling buhay upang ipaglaban ang bansang kanyang kinalakihan. Si Antonio Luna ang isa sa mga bayaning karapat-dapat nating kilalanin, tayo’y naniniwala sa mga salin salin tungkol historya, mga bayaning umuusbong dahil sa ranggo nila sa gobyerno, mga taong kilala dahil sa konting ginawa. Kilala man syang hambog at tahasan kung magsalita ngunit hindi nadadalisan ng sariling kaugalian ang kanyang hangarin sa pagkamit ng kapayapaan. Pakikipagdigma man ang kanyang sandata ngunit ni minsan hindi niya tinalikuran ang sarili niyang bayan dahil sya’y may paninindigan sa bansang Pilipinas na hangga’t sya’y nabubuhay, pipilitin niyang kapayapaan at demokrasya ay maialay. Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo, ilan sa mga bayaning napatunayan kong hindi karapat-dapat bigyan ng parangal. Oo, mayroon silang utak na panlaban, ngunit walang silbi ang utak kung negosyo at pansarili lamang ang hinahangad. ‘Di bale nang maging Heneral Luna kaysa maging Emilio Aguinaldo na minsa’y nagtaksil ngunit ngayo’y pinupuri parin. Ang pelikulang ‘Heneral Luna’ ang nagbukas sa aking mga mata, tungkol sa hiwaga ng totoong historya. Pasalin-dila at mga kasulatan man ang naging katibayan, hindi ito sapat upang pagkatiwalaan. Kailangan pa ng masusing pagsisiyasat sa nakaraan, kagaya ni Heneral Luna isang totoong bayaning hindi nagantimpalaan dahil sa pagbabago ng historya. Ayon nga sa isang linya sa pelikula, ‘Para kayong mga birheng naniniwala sa pag-ibig ng isang puta!’ hindi ko sinasabing wag tayong maniwala sa historya, ang sa akin lang sana’y naging akma ang historya sa totoong nangyari sa nakaraan upang hindi na tayo mag bulag-bulagan at malaman natin na si Antonio Luna ang totoong bayani simula pa noong una.
Akoa sad day
Reblog back. :)) tnx
















