Ang Panibagong Lenggwahe
Sa paglipas ng panahon maraming tao ang nagbago, maraming bagay ang napalitan, at maraming salita ang nakakalimutan. Sa pag usbong nang makabagong panahon ay marami ang nangyari, dahan-dahang nakakalimutan ng mga tao ang ating kultura at pinandidirihan na ang ating sariling lahi. Nang dahil sa teknolohiya nagkaroon ng panibagong lengwahe, nagkaroon ng mga bagong depenisyon ang mga lumang salita na tila laro-laro lang para sa mga bata. Ang wika ay ang isa sa mga bagay na naapektuhan dahil sa pag usbong ng makabagong panahon, maraming salita ang nagkakaroon ng mga makabagong kahulugan dahil lamang sa mga bagay na napag titripan. Pero tama bang baguhin natin ang nakasaad sa nakaraan? Tama bang baguhin natin ang mga makalumang kahulugan? Hindi ko rin alam, marahil ay Diyos lang ang nakaka-alam. Siguro nga ay hindi kayang baguhin ng nakaraan ang desisyon ng mga tao sa kasalukuyan, at hindi malalaman ng kasalukuyan ang mga possibleng maging kinahinatnan ng mga tao sa hinaharap. Pero kahit ganoon pa man ay wala parin tayo sa posisyon upang baguhin ang pinagmulan ng ating tradisyon. Sana ay hindi tuluyang makalimutan ng mga Pilipino ang tunay na diwa nang pagiging maka Pilipino, at sanay hindi makalimutan ng mga tao ang mga naging hirap at sakrpisyo ng ating mga ninuno, kasi sa huli tayo-tayo lang rin ang magtutulungan wag nating hayaan na magbago ang lahat ng dahil lang sa isang bagay na walang katuturan. Bigyang aral natin ang mga sarili natin para narin sa ating kinabukasan.










