SAKALING DI NA MAG-USAP MULI
Sobrang sinaktan mo ako today.Ā
Sa mga oras na iyon, tinititigan niyo lang ako. Nakaupo lang. Nanginginig at nakayuko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko; kung aalis ba ako o makikipaglokohan sa inyo at sa sarili ko. Pinili kong saktan ang sarili ko.Ā
Umalis kayo.
Sa gabing iyon, inantay ko yung paliwanag mo. Ngunit wala. Pinadalhan niya ako ng mensahe.
"I think i should say sorry idk."
Sa isip ko, bakit ka magsasabi ng ganoon kung hindi mo naman pala alam ang dahilan. Tanga? Bobo? Hindi ko alam. Baka pangit? Hindi ko rin alam. Ngunit wala naman akong pakialam sa sasabihin niya. Sa'yo ako may pakialam.Ā
Ā Hindi naman siguro ako magagalit. Malulungkot, oo. Kasi nga baka mahal na kita. Hindi ko rin alam. Tanga? Bobo? Oo, pagdating sa'yo.Ā
Ā Maisingit lang. Huwag iinom nang mag-isa lalo na kung sawi dahil ang Emperador Lights kapag hinalo sa Red Horse, naglalasang Mountain Dew. Baka ako lang iyon? Basta huwag.Ā
Ā Inantay pa rin kita. Kahit na lahat ng detalye at ebidensya ng paglalandian niyong dalawa nasa harap ko na, pinili ko pa ring antayin ka. Umaasang sasabihin mong,Ā
Ā "Mali ka."Ā
Ā Dahil kung ganoon, unang pagkakataon na matutuwa akong nagkamali ako. Pero hindi. Iba ang natanggap kong mensahe.Ā
Ā "Sorry š"Ā
Para saan?Ā
Ā "Hindi ko alam pero sorry."Ā
Bakit naman ganoon? Tanga? Bobo? Bakit ka hihingi ng sorry kung hindi mo naman alam kung para saan? Naguguluhan ako.
Pero mas malala pala. Kasi natuldukan na lahat ng hinala ko. Kaya pala ayokong tanggapin lahat ng nalaman ko. "Sorry" niyo nalang pala ang kulang.
Alam mo? Ang sakit mo sa atay.Ā
Ā "T**ngina mo š¦š¾"Ā
Unang lagok ng Emperador, iyan ang nasabi ko. Ang sama ko namang tao. Ang sama ko pa sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit Emperador at Red Horse ang pinanghugas ko ng sugat na binigay mo. Sana pala Holy Water nalang nilaklak ko para nahugasan din pati mga kasalanan ko.Ā
Ā Ito pa. Alam mo ba? Ang sakit mo sa ulo. Iniisip kita. Alam mo ba iyon? Sa bawat I miss you mo, kinikilig ako. Iniisip ko kung anong isasagot ko para di naman ako magtunog desperado. Sa bawat dinner tayo mo, pinipilit kong mapuntahan ka at samahan ka. Baka naman kasi wala kang makausap. Sinasamahan kitang maglakad sa Acad Oval kahit na sobrang tamad kong tao. Tinatawanan kita kapag lumilihis ka ng daan kasi may nakita kang aso. Ang duwag mo.Ā
Pero napagtanto kong mas duwag pala ako. Ang tagal kong binalewala yung nararamdaman ko sa'yo dahil takot akong baka mawala yung kung ano mang meron tayo*.
Ang sakit mo sa puso.
Sinaktan mo ako, sobra. Pero may kasalanan ka ba? Wala. Hindi kita sinisisi. Hindi ko rin siya masisi.Ā
Sinaktan mo ako, sobra. Pero hindi ko magawang magalit. Gustong gusto na kitang kausapin pero ayoko nang masaktan. Nakakapagod na.
Sinaktan mo ako, sobra. Dito. Dito. At dito.
Ang sakit pala. Kasi sa huli, wala palang tayo. May ikaw at ako. Pero nasa magkabilang pahina pala ng libro. Marahil sa ilang punto ng kuwento nating dalawa nasa iisang pahina lang tayo, hindi lang natin masabi sa isa't isa.
Walang natira, puro pagsisisi at luha. Basag na baso at bote ng inumin. Sirang atay at sugatang puso.
Kung sakaling di na mag-usap muli, gusto kong malaman mong napasaya mo ako. Isa ka sa mga alaalang babalikan ko bago ko lisanin ang mundo. Gusto kong malaman mo na mahal pala kita, noon pa.
Ayokong bitawan ka pero sino ako para itali ka? Ayokong mapunta ka sa iba pero sino ako para pagbawalan ka?
Kaibigan?
Dati, oo. Baka ngayon hindi na.













