ON BEST FRIENDS TURNED TO LOVERS TURNED TO STRANGERS
DISCLAIMER: This note and all the notes I will be posting in the future are all based on fiction and imagination. Any resemblance to real persons or things is purely coincidental. Enjoy!
āWe started calling each other best friends.ā ā Letters to my Dream ni Addie Paraso
Marahil ay nauuso na ngayon ang mga ganitong kuwento. Yung mga tipong matalik na magkaibigan na nagiging magka-ibigan ngunit hiwalayan din ang hinahantungan. Tulad ng kuwento naming dalawa na tumakbo sa loob ng dalawang taon at sa iyakan lang din humantong. Kami na tila hindi na mapaghiwalay ay nagkakasalubong na lang sa daan na wala man lang ni isang āHiā.
Wala na yung pulang sasakyang nag-aabang sa labas ng bahay kapag papasok na ako sa klase. Wala na rin yung taong tinuturuan ko ng Math ng madaling araw. Wala na rin yung taong nakakatulog (at minsan ay tumutulo na yung laway) sa loob ng kotse kakahintay at kaka-adjust sa magulo at hectic kong schedule.
Dahil nga sa mga ganitong klaseng katapusan, marami sa atin ang takot nang magmahal ā lalo na sa isang kaibigan. Bakit? Natatakot tayong sumugal. Natatakot tayo na baka mawala yung taong iyon sa buhay natin.
Sa akdang Crossing Boundaries ni Reini Azriel Evangelista, nakasaad na hindi nagtatapos ang pagkakaibigan sa pagsisimula ng pag-iibigan. Naniniwala si Evangelista na ang pag-ibig ang nagpapatibay ng pag-iibigan. Ngunit sa mga sumunod na talata ay binigyang-linaw kung bakit tayo takot na isugal ang pagkakaibigan para sa pagmamahal. Hindi tayo sigurado sa mga mangyayari kapag tayo ay sumugal. Maaaring kapag matalo yung sugal at hindi natin makamit yung pagmamahal ay mahulog pabalik sa pagiging isang kaibigan. Swerte na nga kung may babalikan pa tayong pagkakaibigan.
Paano kung wala?
Malaki ang posibilidad na kapag natalo tayo sa sugal, maaaring hindi lang ang posibilidad ng pagkakaroon ng romantikong ugnayan ang mawala, pati na rin ang pagkakaibigan.
Kapag naman ay naging matagumpay tayo sa sugal. Maaaring maging maganda yung magiging takbo ng relasyon dahil kilala niyo na ang isaāt isa.
Ngunit sa isang relasyon, hindi naiiwasan ang mga pagsubok na siyang nagiging sanhi ng pagkuwestiyon ninyo sa isaāt isa at sa kung anong mayroon sa inyong dalawa.
āBut like most relationships, roadblocks happen. [ā¦] It was a sort of make it or break it situation. You either get through that roadblock together (maybe stonger, maybe weaker than before) or on your own (sometimes weaker, but more often stronger than you were before).ā ā Everything At Its End ni Karla Maolen Visbal
Sa unang bahagi ng akda ni Visbal na Everything At Its End, makikita na natural lamang sa isang relasyon ang mga pagsubok na tinawag niyang āroadblocksā at kung paano ito nakakaapekto sa isang relasyon at sa bawat isa.
Masaya kung nalampasan niyo nang kayong dalawa. Ngunit paano kung paglampas ay ikaw nalang mag-isa? Mahirap siguruhing may babalikan ka pang pagkakaibigan.
Dahil madalas, wala na.
Sinabi din ni Sartre na ang lahat ng romantikong ugnayan ay nakatadhanang magtapos. Kaya nga ay sa mga kasalan may linyang ā[un]til death do as partā. Kaya kahit humantong sa altar ang pagmamahalan, nakatadhana pa rin itong magtapos, hindi man sa hiwalayan ngunit maaaring sa kamatayan.
Maaari din na i-ugnay ang sitwasyong ito sa konsepto ng Loversā Perpetual Dissatisfaction. Madalas, kung hindi man palagi, nag-uugat ang mga roadblocks na ito sa mga failed expectations. Mahirap talagang makamit ang mga ekspektasyon at dalhin ito sa realidad dahil limitado lamang ang kakayanan ng isang tao.













