Tapos na recollection namin. Masaya naman siya. Di lang masyado nakapag-bonding. Bawi-bawi din ako ng tulog eh. Antok na antok ako kanina. 12nn kami pinauwe, alam pa nga nila mama 4pm pa. Yun kasi yung sabi ko, kala ko kasi may praktis kami. Sarap lang ng tulog ko kanina, feel na feel ko. Bawi-bawi din kasi. Tapos yung katuloy nun, mamaya. Di ko lang alam, baka mag-puyat ako. Madami kasing gagawin na project. Tsaka may mga bagay-bagay pa ko na gagawin. Di na lang ako papagising bukas, alam naman nilang pagod ako eh. Wala din naman kami pasok bukas, pahinga kami. Pero mga bandang hapon ata may praktis kami. Di lang ako sure. Ang puyat ko lang kagabi or should I say, kaninang madaling araw? Una kasi, may sarili talaga kaming kwarto. Kaming girls ng section namin. Yung kami-kami lang, kaso ingay ata kasi namin, nagpunta sa room namin yung principal namin. Nalimutan ko na kung ilang beses nagpunta eh. Nag-haharutan kasi kami. Tili dito, tili dun. Saya kaya. Lels. Kaso, nun tahimik na kami. Di na kami nag-iingay, bigla ba naman pumunta sa room namin, tapos sabi.. "Girls, get your beddings.". Edi siyempre alam na yun, papalipatin kami dun sa prayer room. At dun kami papatulugin. Kaya ayun na nga dun kami pinatulog. Kanya-kanyang ayos ng higaan. Napunta nga kami dun sa may pinaka dulo na pwesto eh, kasi sa isang sapin, apat na kami dun. Sama-sama kami sa dulo. Sabi ng principal eh, nakita kasi kami. Pinagsisiksikan kasi namin yung sapin namin dun sa kabilang dulo na katabi nung mga tropa namin. Napahiwalay tuloy kami. Hirap na hirap talaga ko makatulog nung mga oras na yun. Tapos hindi naman kasi agad tumahimik eh. Kasi pati yung boys namin at yung isa pang section na kasama namin, dun din natulog. Pahirapan yung mga adviser namin, magpatulog eh. Ako nga, bangon ng bangon. Hindi kasi ako makatulog talaga tapos sinsipon pa ko. Yung katabi ko nga, kinukulit ko eh. Para hindi makatulog. Tawa pa kami ng tawa. Mga kalokohan kasing pinagsasabi ko eh. Pag dadaan yung adviser namin, pipiket. HAHA. Ang hirap kasi talaga makatulog. Ang lamig pa. Nung pinatay na yung ilaw, tumahimik na. tumigil na din ako sa pangungulit. Tinry ko na matulog, ayoko naman kasing hindi matulog. Mahirap yun. Nakatulog ako, pero parang feeling ko hindi. Kasi parang pumikit lang ako, tapos may mga naririneg pa din ako. Tapos ang aga pa kong ginising nung katabi ko. Yun yung parang feeling ko, makakatulog na talaga ko ng totoo eh. Tapos ginsing na ko, tsaka nagigising-gising din kasi ako. Ang ingay na kasi, may mga lakad na ng lakad. CR ng CR. Salita na ng salita. Kaya ayun, nagising pa din ako. Sabi nga nun adviser namin, samin. Ang aga daw namin magsi-gising. 4am pa lang kasi nun. Eh hindi naman na kami makatulog ulit. Ako, dapat tutulog ako ulit. Kaso yung bespren ko, ayaw na kong patulugin. Baliw yun eh. Nag-kwentuhan na lang kami, kasama yung iba naming kaklase na boys. Tapos hanggnag abutin na ng, sikat ng araw. Likpitan na ng mga higaan at balik sa room. Tapos ayusan na ng sarili, then kaen na. After kumaen, nag-talk na. Grabe lang, antok na antok ako nun. Pinipilet ko dumilat. Bagsak na bagsak na yung mga mata ko, tapos naduduling na ko. Lumalabo na yung paningin ko, pinipilit ko pa din. Tapos pinagmamasadan ko yung iba, inaantok din yung itsura nila. Pare-parehsa kaming hindi nakatulog ng ayos. Pagkatapos mag-talk, kumaen kami ulit. Yung pangalawang kaen na yun, nagising na ko. Naghaharutan na kasi eh. Tapos balik prayer room, mag-talk daw ulit tapos may activity na gagawin. Natapos ang lahat ng maayos naman. Wala namang panget na nangyare. Rekta uwe kami paglabas, kasi wala na daw kaming praktis. Inaantok kasi lahat tapos pagod, lalo na yung adviser namin. May mga gagawin daw kasi siya, tapos may pasok din siya bukas kaya mahirap sa kanya. Marami din kasi kaming mga dala, kaya uwe agad. Memorable Day din 'tong recollection sakin.