Paglalakbay ni Kio
ni: Roberto L. Herradura Jr.
“Anak ‘wag ka magulo ha, pupunta tayo ngayon sa lola ‘t lola mo” sabi ni Mommy.
“Yes, Mommy”
Oo nga pala, ako si Kio, 15 taon gulang, makulit, madaldal, palakaibigan, mahilig sa video games at mahilig magbasa ng mga libro. Nagiisang anak lang ako kaya nasusunod mga luho ko.
Nasa sasakyan kami ngayon papunta kila lola para bumisita at maki fiesta na rin. Sobrang tagal ng byahe kaya kung ano-ano ginagawa ko. Sobrang excited akong umuwi kasi makikita ko na naman ang mga pinsan ko, sabay-sabay na naman kami maliligo sa ilog tapos magkakantahan sa videoke, pagkatapos magkkwentuhan ng mga katatakutan.
Ang sarap ng buhay sa probinsya, ibang-iba sa buhay namin sa Maynila. Doon makikita mo puro matataas na gusali, mausok, sobrang init, magulo, traffic, di ko alam pero parang puro problema. Dito naman sa probinsya, simple ang buhay pero masaya. Sariwang hangin, ilog na ang sarap liguan, mga palayan na napakalawak at napakaganda na tambayan. Tiyaka isa pa andami kong kaibigan dito, andami ko kasing mga pinsan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Anlaki na nung batang inampon ni Mary noon no. “
“Paano hindi magkaanak-anak si Mon at Mary kaya nag-ampon na lang, Alam ko lagi pa silang nagpupunta sa Olonggapo para lang manalangin na mabigyan ng anak”
“Alam na kaya ng bata na ampon lang siya.”
“Mukha namang maayos ang naampon nila.”
Dali-dali akong tumakbo, ang sakit. Hindi ko alam pero ang bigat ng naramdaman ko. Bumuhos ang aking mga luha. Hindi naman sa sinasabi kong ako yung tinutukoy nila pero gusto kong lumayo, gusto kong mawala. Takbo ako ng takbo hindi ko namalayan nasa gubat na pala ako.
Hindi ko na alam saan ito, ngayon ko lang narrating ang lugar na ‘to. Nakaramdam na ako ng takot kaya nagsimula na akong bumalik kaya hindi ko na alam.
“Bata, Bata” may naririnig ako na boses sa likuran ko na para bang ako ang tinutukoy
Laking gulat ko ng marinig ko ang isang nagsasalitang puno.
Napatulala na lang ako! Piniliit kong ipikit ang mga mata ko nagdadasal na sana maglaho na lang ako bigla.
“Huwag kang matakot, gusto mo maglaro muna tayo?” Nakarinig na naman ako ng boses ng isang bata.
“Tara na sumama ka samin at maglaro muna tayo, meow”
Pagkadilat ko ng aking mata isang batang may kaibigang nagsasalitang pusa ang aking nakita. Mas lalo na naman kumabog ng sobrang bilis ang aking dibdib. Sobrang bilis parang mahihimatay ako.
“Kuya tara na sumama ka na kung hindi makikita mo ang mga bangkay na tumatyo sa libingan, ‘di mo ba alam na dito tinatapon ang mgapatay dati. Wala naman silang pambili ng kabaong at pang upa sa sementeryo. Bahala ka pag sumapit na ang gabi babangon na sila.
Wala akong nagawa kung hindi sumama na lang.
Pumasok kami sa isang butas sa pagitan ng mga punong nagsasalita. Hindi ko alam ang gagawin ko, paano na ito. Paano na ako makakabalik sa amin? Sana pala hindi na lang ako tumakbo noong narinig ko yun.
Napatakip ako ng mata dahil sa sobrang liwanag na nakita ko.
“Andito na tayo sa lugar namin, sobrang saya dito, mageenjoy ka. “
“Namangha na lang ako dahil nakakita ako ng mga lumulutang na isla sa buhangin. “
“Nakita ko ang iba’t ibang uri ng nilalang, mga hayop na nagsasalita, mga punong tila ba taong mga nagtsitsismisan. Napakarami ding mga batang naghahabulan, laro dito laro doon.
“Woooooah” napasigaw ako ng bahagya.
Gumagalaw ang islang mga lumulutang, kinabahan ako dito.
“Masaya dito pero dapat magingat ka din kasi bawat isla na nakikita mo gumagalaw ‘yan, pwede mong gawin lahat ng gusto mo pero huwag ka lang papahulog, baka hindi ka na makabalik pa” sabi ng bata na para bang nananakot.
Lalo akong kinabahan.
“Pwede bang umuwi na lang ako samin? Alam mo ba daan papunta sa bayan?” Wika ko
” Ikaw lang ang tanging may kakayanan na makalabas dito” wika niya sabay halakhak ng malakas.
Hindi ko siya naintindihan pero makakaisip din ako pano ko makakawala.
Naglibot llibot kami, napakasaya mabuhay dito, andaming pagkain na masasarap, nakakalat lang kung saan-saan. May mga ilog din na tila ulap sa pagkasul nito. Sobrang ganda.
Di ko na namalayan ang oras, kanina pa ko naglilibot at napansin ko na tila hindi gumagabi. Tama na, busog na ko sa dami kong kinain. Napagod na din ako makipaglaro sa batang ‘to. Ang dami ko an rin nagawa, sumakay sa likod ng kabayo habang naglilibot. Sayang hindi ko dala cellphone ko apra makuhanan ko ito at mapakita sa mga pinsan ko tsaka kila mommy.
“Salamat pala sa pagimbita, babalik na lang ulit ako dito sa sususnod pero kailangan ko na umuwi nagaalala na si Mommy ko sa akin. Isasama ko din mga oinsan ko dito.” Wika ko sa bata at tsaka ko nagsimula maglakad pabalik.
Nakakapagtaka wala man lang siyang winika.
Habang naglalakad pabalik nagulat ako sa isang dragon na lumabas, takot na takot ako dahil ito ay nagbubuga ng mga apoy. Napansin ko na nakatitig ito sa akin, kaya ang ginawa ko ay tumakbo ako. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin, mas binilisan ko ang aking takbo.
“TULOOOOOOONG” patay nahulog ako sa mga isla.
“AAAAAAAAAAAAAAAAH” at napapikit na lang ako.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH” sigaw ko.
“Anak gumising ka, ANAK!” sigaw ni Mommy
“Gising anak, nanaginip ka” patuloy na pag-alog ni Daddy
“Anak andito na tayo sa lola mo, gumising ka na” dagdag ni Mommy.
Ilang sandali lang nagising ako pawis na pawis, akala ko totoo ang mga pangyayaring iyon panaginip lang pala. Grabe isa ‘yong pambihirang paglalakbay. Bunga na rin siguro ito ng panonood ko ng kung ano-ano at pagbasa ng mga libro na puro piksyon. Hindi ko alam pero parang gusto ko tanungin sila mommy tungkol sa nalama ko sa panaginip pero ‘wag na lang. Kung totoo man ‘yon hintayin ko na lang sila magsabi tiyaka naging suwerte din naman ako sa kanila eh. Sobrang naging maganda ang aking buhay. Ikukuwento ko na lang mamaya sa mga pinsan ko yung anging lakbay ko sa panaginip.














