Gulong ng Buhay
ni: Roberto L. Herradura Jr.
“Ay puta!” Sigaw ni Jason ng siya ay nagulat sa tumalon na itim na pusa. Siya ngayon ay papasok na sa kanyang eskwelahan. “Tangina, umagang-umaga minamalas ako, gusto ko na lang umuwi.” Wika niya.
“Oh pare, bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa yang mukha mo? Ganda-ganda ng umaga eh” sabi ko naman
“Puta ang malas kase pre, tignan mo ang dumi na ng damit ko pano yung mga gagong batang hamog don sa kanto namin naghahabulan, nadali pa ko.” Inis na sinambit ni Jason.
“Hayaan mo na di ka na nasanay HAHAHAHAHA” Pangaasar ko. “Ano may assignment ka na ba kay Ms.Dimaano, yung family picture ba yon?” At inalisan na lang ako ng gago.
Uwian na at gabi na rin. Alas-nwebe na rin at kailangan ko pa pumunta sa bahay ni Jason, paano gusto na siya idrop ng titser namin, di na naman kasi pumasok.
Tangina, mukhanng alam ko na kung bakit di pumasok yon. Kasalanan ko ata. Sige na nga ikkwento ko sayo makinig ka.
Ganto kasi ‘yon. Tuwing usapang pamilya, nawawala sa mood si Jason. Alam n’yo ba na siya ay bunga ng isang pagkakamali? Kinwento niya sakin ‘to dahil sabi niya mapagkakatiwalaan niya ako, magkaibigan na kasi mga bata pa lang. Sinabi niya sa akin na nabuo daw siya dahil nirape ang kanyang nanay. Isang magandang babae ang kanyang nanay, isa daw sa mga pinipilahan ng mga kalalakihan ngunit isang gabi habang naglalakad sa daan, isang lalaki daw ang nakasakay sa kotse ang nagpumilit na isakay siya at saka ginawa ang panggagahasa. Natagpuan na lamang siya ng mga tao sa tambak ng mabahong basurahan nagiiyak at humihingi ng tulong. Yung tatay niya daw di na nahuli ng mga pulis, magaling siguro magtago, di rin kasi makapagbigay ng maayos na detalye ang kanyang nanay, gawa na siguro ng trauma. Kuwento din ng nanay ko sa akin na gusto na siya ipalaglag araw-araw ng kanyang nanay dahil naaalala niya ang masakit na pangyayari dito kaso pinipigilan ng lola niya. Ngayon, ang kasama niya na lang ang lola niya dahil pagkapanganak pa lang daw sa kanya pinaubaya na siya dito at umalis ang ang nanay niya papuntang ibang bansa. Hanggang ngayon di pa rin sila nagkikita, kahit nagkakausap man lang. Sabi sabi ng mga tsismosang kapitbahay dancer daw nanay nya sa patay-sinding ilaw, sa madaling sabi GRO. Nakakaawa siya dahil wala man lang nag-aalaga sa kanya simula bata, paano ang lola niya ay sugarol. Pinangsusugal lang pinapadala ng nanay niya sa kanya. Sinubukan niya na din kontakin nanay niya pero sabi niya di pa rin makalimutan ng nanay niya yung mga nangyari kaya nahihirapan pa din siya kausapin kahit 18 taon na nakalipas. Naaalala ko din kapag nabisita ako sa kanila nahuhuli ko siyang naiyak sa harap ng kanyang salamin na akala mo hindi lalaki.
“Tuloooong, tulungan niyo kami” sigaw ng isang babae.
Puta, nung papalapit ako nakita ko pa lang yung cellphone na basag ang screen at yung uniporme, napaharurot na ako ng takbo.
“JASON! ANONG NANGYARI? BAKIT GAGO KA ANONG GINAGAWA MO?” SIGAW KO. Kabang-kaba ako dahil naliligo siya sa sarili niyang dugo.
“Kuya, tulong! Tulungan mo kami, nasaksak siya dalhin natin siya sa ospital.” Ika ng babae.
“Bakit ano bang nangyare?” Paano?”
“Kanina kasi, ano kasi, kuya” at humagulgol na siya ng tuluyan
“May dalawang lasing na nakasalubong ko kanina at bigla na lang ako pinilit na sumama sa kanila. Hindi ko na alam gagawin ko hanggang sa dumating siya. Dali-dali niyang pinagsusuntok yung dalawa. Nanghingi na din ako ng tulong sa iba kaso nakita ko may dalang mga kutsilyo yung mga lalaki at pinagsasaksak siya. Sorry kuya, kasalanan ko pa ‘to. Yung mga lalaki nagtakbuhan, wala na kong nagawa.” Sambit ng babae habang umiiyak.
Dumating na nga rin ang ambulansya, naisakay ng maayos ngunit pagdating namin ng hospital sinabi ng doctor na dead on arrival na siya. Tangina naiyak na lang din ako. Tangina kasalanan ko ata ‘to. Kung hindi na lang ako nagtanong sa kanya baka pumasok pa siya.
Dali-dali akong lumabas at pumunta sa bahay nila Jason para sabihin sa lola niya ngunit isang babae na hindi ganoon katanda ang aking nadatnan.
“Asan po si Lola Ariane?” Tanong ko
“Anak anong nangyare?” Niyakap ako ng isang babae na ngayon ko lang nakita.
“Anong anak, asan po si Lola Ariane kailangan ko siya makita ngayon na” wika ko.
“Anak ako ‘to nanay mo, ang laki mo na. Andito na ko oh, alam mo ba nababasa ko lahat ng mga chat mo sakin, eto oh may dala akong snow globe galing Japan, diba sabi mo gusto mo din makaranas ng snow, hayaan mo anak pagiipunan ko ‘yan para sa susunod totoong snow na maranasan mo. Marami din akong dalang mga damit, sapatos at mga tsokolate. Anak patawarin mo ko kung matagal bago ko napagtanto na dapat hindi ako nagalit sayo. Anak patawarin mo ko.” Paiyak na sabi ng nanay ni Jason.
“Tangina, wala kang kwentang nanay. WALANG-WALA. Tara sundan mo ko” Masama na kung masama pero yan na lumabas sa bibig ko.
Nakarating na kami ng ospital kinukulit pa din ako ng mga tanong ng nanay ni Jason pero tahimik lang ako. Dumiretso ako sa morgue at doon nakita ko na nakatulala na ang kanyang nanay. Nakita ko ang pangalang Jason Contes sa ibabaw ng isang puting kumot. Wala akong nagawa kung hindi umiyak na lang ng umiyak. Ilang sandali lang nakita ko ang isang malakas na sigaw mula sa babae.
“JASON, ANAK KO. PATAWARIN MO KO. ANAK PATAWARIN MO KO. ANAK GUMISING KA ANDITO NA KO DIBA ITO NAMAN ANG GUSTO MO? ANAK NAMAN NGAYON PA LANG AKO BABAWI. ANAK KO PATAWAD. ANAK PATAWARIN MO KO. ANAK GUMISING KA NA.” malakas na sigaw ng kanyang nanay.
Umalis na rin ako, naisip ko ganito siguro ang gulong ng buhay kung kelan matutupad na ang matagal na pangarap ni Jason tiyaka pa siya nawala. Ang sakit. Hindi ko alam kung ano na ang mga susunod na pangyayari, pero ano pa nga bang magagawa ko? Hay buhay.





















