Ilang taon na akong nabubuhay sa mundo, totoo nga ang sinasabi ng mga matatanda..
Habang buhay kang matututo.
Pero ang totoo niyan, hindi sapat ang aral na binibigay ng Paaralan. Maaring sa iba sapat na.. pero ang katototohanan, ay hindi. Kulang.
Naaalala ko tuloy, sa buong buhay ko.. Kapag may taong nagtatanong sakin kung anong paborito kong banda, wala akong maisagot na eksaktong sagot. Ang parati kong sagot, depende.. depende sa sitwasyon.. depende sa nararamdam ko.
Pero ngayon (Quarantine days) anrami kong oras para matuto, may matutunan pa sa sarili ko.. Inaamin kong ilang araw akong nakahilata sa kama, nakikinig sa musika.. Kulong sa kwarto, Kabisado na ang oras ng nagliliyab na init pagdating ng hapon. Pero nakatulong to, para mas makilala ko ang sarili ko.
Natutunan kong ang paborito ko palang banda ay Cueshe.
Sobrang bigat lang ng mga kanta nila.. Pag pinakikinggan ko ung kanta nilangย
Canโt let you go, nailalagay ko agad yung sarili ko sa kanta. Yung tipong para akong nasa official music video, pero eto mas masakit.. Kasi ramdam ko yung sakit na pinapahayag ng kanta nila. Talent ko na siguro ang masaktan sa mga bagay na hindi naman totoo.ย
Ang sakit magmahal, un ang pinapahayag ng kantangย โto.
Si Lara pinilit na pinagpipilitan ang sarili nya kay Kristian dahil sobrang mahal niya. Kahit andaming lalakeng nagkakandarapa sakanya, lalaking mahal niya lang ang nakikita nya.
ย Kaya kahit ayaw na ni Kristian, pinipilit pa din ni Lara. Sa totoo lang sya nalang naman yung parating lumalaban sa relasyon nilang dalawa.. Sobrang sakit na ng nararamdaman nya, Pero naniniwala siyang may pagasa pa. Nanghihinayang kasi sya sa pinagsamahan nilang dalawa, sa mga sakripisyo nya para sa relasyon nila. Ang tanga diba. At higit sa lahat, naniniwala kasi sya na, ang lalaking minsan sa maikling panahong nagparamdaman sakanya na mahal sya, ay pang habang buhay na.
Minsan madaling ilagay ang sarili sa sitwasyon ng kantangย โto, pero ang hirap kapag totoong buhay na. Dahil kapag katulad tayo ni Lara, na nabulag na ng pagibig, tayo ay nag-papakababa, nalilimot na din natin yung halaga natin sa kahahabol ng taong hindi naman tayo kayang pahalagahan. Pipiliin nalang nating parating pumikit.. sa lahat ng sakit na dinulot niya.ย
Retrieved from my old account