Realizations on stolen flights, lost tumblers, and a 300-peso buffet (at kung anu-ano pang napupulot sa kanto, telebisyon at katabi mo)
#5 Life is not a race, mamasyal ka muna.
TIME. Something almost everyone is eager to get ahead of. There is this very subtle yet implied social expectation to start studying young so that one can also finish a degree younger than the rest. Kawawang mga bata, tatlong taong gulang pa lamang ay minamadali na ng kanilang mga magulang na ipasok sa nursery, na dapat ay naglalaro pa sa ganyang edad! Anak ng tokwa, minsan lang ang mga yan maging bata! Hayaan niyo na.
Right after college, trabaho naman ang pinag-uunahan. Okay lang kung ikaw talaga mismo ang sobrang excited na magtrabaho pero kung sa pakiramdam mo ay nagahasa ka noong kolehiyo sa sobrang pagod, I think you deserve a break. Kahit isang buwan lang. Iba-iba naman kasi ang charging time natin. Mahirap ma-lowbatt. Pero sa sitwasyon ngayon, lalo na sa mga nars, duda ako kung kakailanganin mo pa magpasadya ng charging time sa sobrang hirap humanap ng trabaho. Baka nga mabwisit ka pa at mapa-isip, isang buwan lang naman ng pahinga ang hinihingi ko, hindi isang taon! At lalong hindi ko rin naman pinangarap na tumambay nalang mag-hapon sa tindahan ni Mang Timo at antaying dumaan yung naglalako ng fried isaw, ang sarap! Tapos uuwi nalang kapag madilim na para masubaybayan ang lahat ng drama sa primetime. Gusto ko lang namang mamasukan bilang nars o volunteer sa inyong ospital at hindi ko alam kung aanhin niyo ang recommendation ng parish priest kung may certificate of good morale naman ako mula sa unibersidad and the last time I checked, hindi po kasali sa job description ng isang nars ang maglinis ng kubeta o ang ma-assign sa laundry area. Abuso naman po yun. Hindi ako sure. Pero teka lang mas marami na yata akong side comment kesa sa dapat ko talagang sabihin. Nasobrahan na naman ata ako ng tsokolate.
Ano nga ba ang gusto kong sabihin?
Balikan mo yung mga bagay na una at dati mong kinagiliwan. Noong hindi ka pa nababalisa kung saan makakahagilap ng $kuwarta - kaching kaching! Noong hindi ka pa nagbabalak kung paano aabsent sa isang klase kasi binabasa lang naman ng iyong propesor ang kaniyang tinuturo punto por punto kaya mas gusto mo na lang kumain kila Mang Tuts o Aling Keps.
Balikan mo yung mga bagay na tuwang-tuwa kang gawin noong musmos ka pa. At mula doon, isipin kung gusto mo ba talaga ito o isa na lamang childhood dream na matagal nang nakasanayan kaya nahihirapan kang bitawan. Kung marami kang gusto, gawin mo lahat ito pero isa-isa lang. Para hindi magulo. Para nabibigay mo yung buong oras at lakas mo. Nang sa gayon ay malaman mo ang sagot na napakailap. Na kadalasan dumarating when you're one step away in making that BIG decision. Na babago sayo at sa bukas mo.
Sabi nila, wala ka raw mapapala kung gagawin mo ang isang bagay na hindi mo masyadong gusto o hindi ka masyadong sigurado. Isang MALAKING wateber. Because in doing the things we're not so fond or sure of, we become sure. Because in the process we find out what we don't like and when that happens, we're one step closer in finding out the things that we do like.
Yes. The whole process will take time but it will be worth it. Kasi kung patuloy mong gagawin ang isang bagay dahil sayang naman ang kursong natapos mo, dahil mas madali ang pera rito, dahil andito mga kaibigan mo, dahil andyan ka na, mapapagod ka rin. At kapag pagod ka na, unti-unti you won't find joy with what you do anymore kahit ano pang mantra ang gawin mo. I love my work. I love my pay. I love my work. Repeat 3x. Then you start to wonder, mga tanong na anytime kayang mag-fusion technique para patumbahin ka. Taking you back to the start.
Nakakatakot pero minsan nangyayari pa ang lahat ng ito kung kelan okay na. Kung kelan abot-kamay na lahat. Kung kelan wala ng ibang problema sa mga requirements kundi ikaw nalang mismo. Dahil kaya pala nahihirapan kang umoo sa isang oportunidad kasi ang totoo, may iba kang gustong gawin. May iba kang pangarap - yung hindi sabi ng magulang mo, yung hindi napaglumaan ng panahon.
Okay lang matakot, pero huwag kang papatalo. Huwag kang magpapadala sa takot na maiba ng landas sa nakararami, sa takot na malayo sa pamilya at barkada. Minsan kailangan sayo mismo manggaling ang desisyon. Minsan kailangan sayo lang. Minsan kailangan ikaw lang. Dahil minsan kailangan din natin mahirapan para matuto. Kung lagi nalang tayong magtatago sa kumportableng buhay na handang ibigay ng pamilya natin at sa masayang samahan na dulot ng mga kaibigan, tatanda lang tayo kasabay ng panahon pero yung ikaw bilang tao, ganun pa rin, nakakulong kasi natatakot sa kung anong puwedeng mangyari kapag may magbago. May gustong puntahan pero di alam kung saan.
So take your time. Pursue your passion. Sa simpleng kadahilanan na buhay mo naman yan. Huwag mong iasa at lalong huwag mong isisi sa iba ang mga nangyayaring hindi mo gusto sa buhay mo. Kalimutan mong makipagpaligsahan sa mga magulang mo. Aray ko! O sa mga kaklase mong nasa Isteyts na at pakiramdam mo tuloy napag-iwanan ka na. Huwag mong gagayahin ang success story ng magulang, kaklase o kapit-bahay niyo. Gumawa ka ng sarili mong kuwento! Yung ikaw naman ang bida! Kung mapagod ka, magpahinga. Taympers, ika nga. Puwede kang huminto pero huwag na huwag kang susuko.
Ang buhay ay isang malaking nagmumurang surpresa. :)