Nastress ba kayo sa pag gawa?
Sa totoo lang, oo.
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
will byers stan first human second
NASA
styofa doing anything
cherry valley forever

titsay
Misplaced Lens Cap

祝日 / Permanent Vacation
Cosmic Funnies

Kiana Khansmith
almost home
I'd rather be in outer space 🛸
🪼

⁂
Cosimo Galluzzi

Product Placement

❣ Chile in a Photography ❣
Claire Keane
occasionally subtle

izzy's playlists!
seen from Germany
seen from Italy

seen from Türkiye

seen from Spain

seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Saudi Arabia
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States

seen from United States
@11-stem26-blog
Nastress ba kayo sa pag gawa?
Sa totoo lang, oo.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
LAKBAY TAYO
Naghahanap ba kayo ng MM? Masarap pero Mura na siguradong swak na swak sa budget? Pwes hindi problema ‘yan! Ang kanto ng P. Noval na matatagpuan malapit sa Unibersidad ng Santo Tomas ang makakatulong sainyong mabusog na hindi nabubutas ang bulsa. BUSOG KA NA, MAYAMAN KA PA.
Narito ang iilan sa mga kainang siguradong mapapa “Hmmm… sarap” ka nalang. Handa ka na ba? Tara, lakad tayo!
Sisig Express –
O mas kilala sa tawag na “SEX”. Hindi ito ang tipikal na iniisip ng karamihan. Isa itong kainan na patok na patok di lamang sa mga Tomasino, kundi pati na rin sa mga nakatira malapit dito. Sa SEX hindi mo na kailangang gumastos ng lagpas sa isang daan dahil sa halagang P55 may sisig ka na, may kanin ka pa!
Mang Tootz –
Isang karinderya na pasok sa bulsa. Kung ang hanap ninyo’y mga paboritong luto ni nanay, pwes huwag ng lumayo pa! Mayroon silang iba’t ibang luto ng karne at baka kagaya ng sisig at liempo. Mayroon din namang isda, mapapritong isda man yan o kahit sinabawan pa. At siyempre hindi mawawala ang kebab na gawa sa manok sa paraang "turo-turo". Paalala lang, huwag kang aalis nang hindi mo natitikman ang ipinagmamalaking nilang masarap, matamis at malinamnam na turon. Kay Mang Tootz, paniguradong hindi mo na mamimiss ang mga lutong bahay!
Chiquitos –
Mga pagkaing swak sa mata’t panlasa, mga pangalan ng putaheng talaga namang pupukaw ng atensyon ninyo! Ilan na rito ay ang "In-chick", "Hot-chick", "Chick magnet" at "Chick-nxt-door". Nakakatuwa hindi ba? Lahat iyan ay luto galing sa manok na may iba’t ibang paraan. Pang mayaman mang pakinggan ngunit sa halagang P55 ay mabibili mo na iyan. Talagang sulit ang bawat kagat kaya kapag dumaan si ate o kuya, aba't umorder ka na ng extra rice o kung gusto mo, dalawahin mo na!
Lopez Canteen –
Mahigit limampu't limang taon na mula nang simulan ng Lopez Canteen ang kanilang kabuhayan na pagkakarinderya at patuloy naman ang pagtangkilik ng mga tao rito. Mula sa kanilang sikat na dinuguan hanggang sa pansit palabok na binabalik balikan, sinisigurado ni Mommy Lopez na ang pagkaing kanilang ihahain ay maitatawid kayo sa gutom. Hindi lang sila kilala sa masasarap na pagkain kundi kinikilala rin sila sa kanilang mga mababait at maasikasong mga trabahador na tumutulong upang magpatuloy ang negosyong tinangkilik na ng tao sa mahigit limang dekada.
University Scoop –
Pagod? Malungkot? Sagot ng university scoop ang iyong pagkakabagot! Ang ice cream parlor na ito ang paboritong kainan at tambayan ng mga Tomasino. Nagbebenta sila ng iba’t ibang klase ng mga “sundaes at parfaits”. Kung gusto ninyo naman ng medyo pampabigat sa tiyan ay naghahain rin sila ng mga “burgers, pastas at mga sandwiches” sa abot-kayang halaga. Ano pang hinihintay ninyo? Halina’t subukan ang iba pang mga “desserts” na maaaring mong ma-enjoy!
Amo Yamie Crib –
Siguradong ito ang kahihiligang puntahan ng mga mahihilig sa matatamis dahil sa inaalok nilang tsaa, kape, “pastries at desserts” na talagang magpapataas ng “sugar level” ninyo! Ika nga nila, "Instagram-worthy" ang lugar na ito dahil sa pagiging “artsy” ng paraan ng paghahain nila ng mga pagkain at inuming hindi ninyo makikita sa iba. Kung paano nila ito dinedesenyohan ay panalong panalo na! Tamang tama rin itong lugar na ito kung naghahanap kayo ng matatambayan. Pang tropa, pang pamilya o kahit pang “boyfriend o girlfriend” pa yan, sa isang “private travel bunk o crib” ay maaari na kayong mag selfie, maglaro ng “board games” at iba pa. Siguradong sulit ang inyong pagtambay rito dahil bukod sa mga mga pagkain, ay mayroon na rin silang “movie house”.
Sisig Express, Mang Tootz, Chiquitos, Lopez Canteen, University Scoop at Amo Yamie Crib — iilan lamang iyan sa mga kainang kilala dito sa UST. Sa mga kainang ito hindi lamang pagkaing pang-katawan ang nakukuha natin dito kundi "pagkaing pang-kaisipan" din kung saan pinupunan ng mga ito ang "gutom" na hinahanap ng diwa natin. Kadalasan ito ang hinahanap natin na mga "aral" at mga sandali na laging hahanap-hanapin kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Sa mga sandaling ito na gusto mong kasama ang iyong mga mahal sa buhay ay lagi mo silang gusto na makapiling sa isang kainan sapagkat likas na sa ating mga Pinoy ang kumain. Kaya kung naghahanap ka ng mga pagkain na ito ay subukan mo na ang mga nasabing kainan upang mapunan ang iyong gutom. Kaya ano pang hinihintay ninyo tara, lakad tayo.
— Christian Agustin // 1
ANG PAGKAIN NG KANIN BILANG KULTURANG PINOY
Paggising sa umaga ay hinahanda ko na ang aking sarili sa pagpasok sa paaralan. Minsan ay hindi na ako nakakain ng agahan dahil kailangan ko ng magmadali sa pagpasok. Kaya pagdating ko sa paaralan ay dadating ako walang laman ang aking tiyan.
Dati pagbreak time ay marami akong nasisilayang mga kapwa magaaral na sabay sabay kumakain ng kani kanilang baon. Madalas na dalang baon ay pera sapagkat wala ng oras magluto ang kanilang magulang o ang mga estudayante maghanda at nakakadagdag sa dadalhin. Kaya masisilayan sila bumibili ng pagkain sa labas kung saan maraming makakainan ang pwedeng pagpipilian kagaya ng Mcdonalds, Jollibee, kundi man ay ang mga karinderia na malapit sa paaralan ang kanilang pinupuntahan para sa ibang naghahanap ng mura ngunit masarap. Ngunit may ibang mas pinipiling magbaon ng kanilang pagkain upang makatipid, madalas na kanilang binabaon ay kanin at ulam.
Naalala ko noon ay pinapabaon ako ng aking ina ng baon para sa agahan at pang hapunan. Kanin at ulam kagaya ng adobo, menudo, mechado at hilabos na hipon ang ilan sa mga inihanda niyang ulam. May pagkakataon na hindi ko nauubos ang dalang baon dahil sa naparami ang lagay sa baunan o kaya naman naabutan na ng susunod ng subject. Kaya pagdating sa bahay ay ang natirang pagkain ay panis na. Kaya naman pinagsabihan ako ng aking magulang na dapat ko raw ubusin ang pagkain nakahain sapagkat hindi lahat ng bata ay mapalad na nakakain tatlong beses sa isang araw, at hindi biro ang pinaggalingan ng bigas sapagkat pinaghirapan ito ng mga magsasaka.
Naalala ko yung tanong ng aking dayuhang kaklase na aking nakasabay sa pagkain kung paano raw namin nakakayanan kumain ng kanin tatlong beses sa isang araw? Sa Pilipinas ang bigas ay isa sa sinasaka ng mga magsasaka, isa sa pinakukuhanan ng lakas ng mga Pilipino araw araw. Dahil sa lokasyon at klima ng ating bansa kaya sagana tayo sa palay at noon paman ay pagsasaka ang pinagkakaabalahan ng mga Pilipino.
Kung gaano natin pinapahalagahan ang bigas, ganun din natin ito kadali iwaldas.
Pinaghihirapan ng mga magsasaka ang pagtanim ng mga palay upang may pangtustos at mapakain ang kanikanilang pamilya. Samantala tayo may pambili ng pagkain ay hindi natin napapahalagahan ang nakahain sa hapag kainan, madalas may naiiwan na mumu sa la mesa kundi man sa sahig. O kaya naman kapag hindi nabantayan ang sinaing ay nasusunog ang pinakailalim ng sinaing, nagiging tutong na hindi na kinakain dahil sa sunog at matigas kaya madalas tinatapon na lang ito.
Natatandaan ko pa sabi ng guro ko sa History na dati tayo ang nagtuturo magsaka ng palay sa mga kalapit nating bansa, ngunit ngayon ay tayo na ang nangungutang ng bigas sa mga bansa na tinulungan natin dati. At napansin ko din na ang mga kapatagan ay unti unti na nagiging mga gusali.
Marami naring mga Pilipino hinahangad na magtrabaho sa siyudad kaysa sa probinsya dahil sa sahod at modernisation. Isang halimbawa ang unting unti pagkasira ng hagdang palayan ng Banauwe Rice Terraces. Dahil sa karamihan sa kabataan ng Ifugao ay hindi interesadong ipagpatuloy ang pagsasaka, kaya napapabayaan na palayan.
Ang dami dami natin nagbubulagbulagan sa katotohan, kundi dahil sa mga matiyatiyagang mga magsasaka na mababa ang sweldo at hindi gaano bininbigyang importansya wala tayo makakain na kanin, ano pa ang silbi ng may pera kung wala ka ng makain? higit sa lahat bakit natin binabalewala ang identidad na meron tayo? Wala naman masama sa pagiging magsasaka, hindi dapat ito ikahiya at hindi rin dapat binabalewala ang paghihirap ng mga magsasaka.
— Jensine Alba // 2
[to be edited]
— Henry Albos // 3
Pinagkaiba: Lutong-Bahay sa Bahay at Lutong-Bahay sa Restawran
Dati-rati, bago pa kami'y lumipat at nung ako'y nasa Junior High School pa, sa aming bahay sa probinsya madalas ang pagluluto ng ulam kagaya na lamang ng kare-kare, sinigang, pakbet at kung ano-ano pang lutong-bahay. Dahil nga’y laki sa probinsya sanay ka na karamihan ng mga sangkap na kinakailangan ay iyong makukuha sa iyong bakod, maski harap ng bahay, likod ng bahay, sa gilid ng bahay o kahit pa man sa harap ng bahay ng iyong kapitbahay, kaya't ikaw ay mapapamura at makakapagtipid sa pag badyet ng pang araw-araw na gastos. At dahil nga’y makakapagtipid ka pagdating sa pagluto ng lutong-bahay, limit lamang ang paglalagay ng processed food sa hapag-kainan. Hindi lamang ito magastos kundi ito rin ay makakasama sa kalusugan ng isang tao.
Ngayo'y nasa Maynila na ako, malimit na at hindi na madalas ang pagluto ng lutong-bahay dahil sa maramimg bagay at dahilan. Isa na doon ang pagkalimit ng mga sangkap dahil dumoble o trumiple ang presyo o kaya pagkakulang ng mga sangkap dahil walang bakod dito at hindi madalas ang pagkaroon ng lupa na pwedeng pagtaniman ng mga gulay. Ang mga lutong-bahay ay matitikman na lamang sa mga restawran.
Napagtanto ko na karamihan ng mga restawran dito sa Maynila ay may iisang market strategy na kung saan sinasama nila sa kanilang menu na sa tingin ko ay "overused" at "trying hard" dahil alam nila na sa siyudad na ito na kung saan maraming oportunidad at ibig sabihin noon ay marami ding mga tao na nangangarap ng magandang kinabukasan at isa ako dun. Ang mga taong ito ay mapapalayo sa kanilang mga pamilya at makakamiss ng maraming bagay at isa dun ay ang lutong-bahay at sila'y bibili kahit man ang iba ay malayo sa lasa ng lutong-bahay sa bahay. Magkaiba sila pagdating sa lasa dahil ito'y kulang sa sangkap na nakakadagdag lasa sa orihinal na luto o ito'y dinagdinagan ng bagong sangkap na sa tingin ng may-ari ay "unique" sa ibang lutuin at wala sa kaalaman nila na ito'y nagpapasama lamang ng lasa.
At dahil doon sa mga araw na ako'y nasa probinsya, ako ay nagpapaluto ng mga ulam na sa probinsya ko lamang matitikman na kung saan tama ang lasa. Wala ng makakatumbas sa lutong-bahay sa probinsya.
— Audrey Alcantara // 4

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Pasalubong: Isang Pilipinong Tradisyon
Pasalubong. Maaaring marami at iba-iba ang mabibigay nating kahulugan o depinisyon sa salitang iyon. Kung titignan natin ang depinisyon nito sa kaniyang pinagmulan, kung saan ay Tagalog, nangangahulugan ito na “something for when you welcome me,” ito rin ay Pilipinong tradisyon ng mga manlalakbay na magdala ng mga regalo mula sa kanilang mga destinasyon para sa mga taong mahal nila sa buhay. Ang pasalubong ay maaaring maging anumang regalo o souvenir na dinala para sa mga kapamilya o mga kaibigan pagkatapos ng pagiging malayo sa kanila sa matagal na panahon. Maaari rin itong maging anumang regalo na ibinigay ng isang tao na nagmula sa isang malayong lugar.
Ang pasalubong din ay may kaugnayan sa mga balikbayan, Overseas na Pilipino na bumabalik sa Pilipinas, at maaaring tumutukoy sa mga bagay na dinandala pauwi ng mga migrant workers sa kanilang mga pamilya, mga kaibigan, kamag-anak o kahit di-kamag-anak na sa tingin nila ay malapit sa kanila.
Ang tradisyon ng pagbibigay ng isang pasalubong ay mayroong malaking kahalagahan na kultural para sa mga Pilipino dahil ito nagpapalakas ng relasyon ng mga pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan. Sa bihirang pagkakataon, maaari itong gamitin upang lumikha ng mas malakas na relasyon sa isang taong hindi mo kilala ng gaano, tulad narin sa isang tao na makikilala mo pa lamang sa unang pagkakataon.
Ang kilos ng pamimigay ng pasalubong ay binibigyang-diin ang kagalakan sa pagkakasama muli sa isang tao na mahal sa buhay at ang lunas sa pagbalik nila sa bahay ng ligtas. Isa rin itong tanda ng pagiging maalalahanin. Habang ang pasalubong ay hindi sapilitan o inaasahan, ang hindi pagtupad nito ay maaring maging negatibo ang maramdaman nila kapag hindi nakatanggap nito. Partikular na kahalagahan ay ibinibigay sa mga regalo para sa mga bata, at ang pag-asa ng pagkuha ng pasalubong mula sa isang magulang pagdating sa bahay ay madalas na isang itinatangi na mga ala-ala ng pagkabata para sa karamihan ng mga Pilipino.
Bilang isang bata noon natatandaan ko pa yung mga matatamis naala-ala ko kung saan ay madalas akong makatanggap ng pasalubong. Kahit sino, basta makarating sila sa bahay namin mapa-tito, tita, lolo, lola, kaibigan ng nanay ko o kahit yang kapit-bahay namin meron silang ibibigay dahil naaalala nila ako. Masarap sa pakiramdam na makatanggap ng pasalubong dahil binigyan ka nila ng oras nila kung saan ay nag-abala pa sila maghanap ng regalo para sa’yo. Dahil sa maliit o malaki man na kilos na ito ay mas mapapalapit talaga ang loob mo sa kanila, at maslumalalim at lumalakas ang aming relasyon. Paminsan napagtanto ko na ito na “siguro likas na ito sa ating mga Pilipino,” kasi hindi gaano kadalas kong marinig ito sa ibang nationalidad. Para sa akin ang tradisyong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit espesyal at natatangi ang mga Pilipino.
— Leanne Angulo // 5
BANGUS
Tuwing kakain kami sa hapagkainan, hindi maiiwasan ng aking ina na magkuwento tungkol sa kanyang nakaraan. Sa unang linya pa lamang ng kanyang kwento ay nabubuo na sa aking isipan ang imahe ng isang matangkad na batang babae na may maikli at kulot na buhok. Sa probinsya ng Pampanga nakatira ang aking ina kaya naman sa paligid ay napupuno ng mga matatayog na puno ng mangga at santol. Ang mga huni ng ibon ay bumabalot sa buong kapaligiran at ang tanging gumigising sa kanilang umaga ay ang malalakas na pagtilaok ng mga manok.
Simple lang ang kanilang buhay ngunit dahil malaki ang pamilya, kailangang mas kumayod ng aking lolo’t lola. Bata pa lamang ay namulat na ang aking ina sa kahirapan ng buhay kaya naman tumutulong siyang mapagaan ang trabaho at kahit papaano ay makadagdag sa kinikita ng aking lolo’t lola. Kasama ang isang kapatid ay mamimitas sila ng napakaraming mangga at santol para ibenta sa bayan. Nakatutuwang isipin dahil tandang tanda pa ng aking ina kung paano niya ibenta ang mga prutas sakay ng isang tribike. “Sali kayung mangga’t santol.” Iyan ang sinisigaw ng aking ina at tiya kada naglalako ng tinda na ang ibig sabihin ay “Bili kayong mangga at santol.” Singkwenta pesos ang kanilang kinikita kada araw kaya naman tuwing uuwi sila ay lubos ang pagkatuwa ng aking lola. Ang singkwenta pesos na iyon ay katumbas ng dalawang plastik ng tinapang bangus na ulam na nila para sa gabing iyon. Kung hindi tinatamad ay babalik pa sila at mamimitas pa ng maraming prutas para maibenta ulit sa bayan.
Isang gabi, nagdala ang aking Lolo ng isang malaking inihaw na bangus na kanilang paghahati-hatian para sa hapunan. Nilabas niya ito sa plastik, iniligay sa plato, at tinawag ang aking ina na bantayan ito sandali at baka dapuan ng langaw. Pagkatapos ng ilang minuto ay naisipan ng aking ina na kumuha ng mga plato at baso para ihanda na ang hapag ngunit pagbalik ay hindi inaasahang makita ang nasa itaas ng lamesa, isang pusang kumakain ng inihaw na bangus. Agad niyang tinawag ang aking Lolo at laking gulat niya nang makita na pinapipiyestahan na ng pusa ang biniling isda para sa pamilya. Hindi galit ang naramdaman ng aking lolo kundi panghihinayang sapagkat nasayang ang pagkaing ibinili niya para sa pamilya.
Ang pangyayari iyon ang nagsilbing inspirasyon sa aking ina upang magsumikap. Nakatatak sa isipan niya ang isang inihaw na bangus na kailangan pa nilang paghati-hatian upang sumakto sa kanilang lahat. Ang isang inihaw na bangus na ilang oras pinagtrabahuhan ng kanya ama para lang mabili ito at makain ng pamilya. Kaya naman heto kami ngayon, may sapat na pagkain para sa lahat at hindi na kailangan pang paghati-hatian. Hanga at patuloy na humahanga ako sa aking ina na hanggang ngayon ay inspirasyon ang mga pangyayari sa kanyang nakaraan. Hanga ako sa pag-iisip niya sa aming kapakanan na sanaý hindi namin maranasan pang magbabad sa araw makabenta lamang, na ang dahilan ng mga tumatagaktak na pawis sa noo ay hindi dahil sa pamimitas ng mga prutas kundi dahil sa paglalaro ng taya-tayaan at patintero. Hanga ako sa patuloy niyang pagsusumikap para lamang mabigyan kami ng maganda at maginhawang buhay. Hanga ako sa kung paano niya ipakita sa amin ang iba’t ibang reyalidad ng buhay, na hindi madaling kumita ng pera, na kailangan magsumikap upang makamit ang mga ninanais sa buhay. Nakamamanghang isipin dahil sa isang simpleng bangus ay dumami ang pangarap sa buhay ng aking ina na ngayon ay nasa kanyang mga palad na. Kaya naman ang mga kwentong iyon ay nakabaon hindi lamang sa aking isipan kundi pati na rin sa aking puso. Patuloy ko itong pahahalagahan at isasapuso sapagkat ang mga kwentong ito ang nagsisilbing bangus sa buhay ko. Ngayon napagtanto ko na kung bakit bangus ang paboritong pagkain ng aking ina.
— Chynna Arcigal // 6
SOFT DRINKS: Ang Pampalamig sa Mainit Mong Katawan
Masarap kumain kapag mayroong panulak. Isa sa mga masasarap inumin ay ang soft drinks katulad ng Coke, RC, Royal, Sprite at iba pa. Kung tayo ay magiging praktikal, ang madalas na pag-inom ng soft drinks ay napakasarap pagkamalamig lalu na sa panahon ng tag-init. Dahil ang bansa natin ay tropikal, kailangan natin ng malamig na maiinom. Kaya lang hindi mabuti sa katawan ang madalas na pag-inom nito. Dahil ang mga soft drinks ay mayroong asido na nakakamatay ng mga nutrients na mabuti sana para sa operasyon ng katawan.
Ayon sa mga eksperto, ang mga pinaglalagyang boteng plastik ng soft drinks, maging ng mineral na tubig ay nagtataglay ng kemikal na tinatawag na BPA o bisphenol A, na humahalo sa inumin at nakasasama sa katawan ng isang tao. Pero marami pa rin ang hindi nakaaalam na ang softdrinks ay may sangkap na caffeine - ang caffenine ay nakapagpapasigla sa puso at sa central nervous system. Bukod sa pagiging pampasigla, nakatutulong din ito para mapabilis o mapahusay ang pagproseso ng isip ng tao. Ito ay karaniwang matatagpuan sa kape, tsaa, tsokolate, softdrinks o colas, cold tablets at mga pain reliever.
Sa aking palagay, umiinom lang tayo ng soft drinks kapag may okasyon at pagdiriwang. Base sa aking karanasan, nagkakaroon ng kaalanganan ang aking katawan kapag umiinom ako ng soft drinks. Paglipas ng ilang oras, nagiging mahina ang aking katawan. Humihina din ang aking paghinga at metabolismo. Natural na sa akin ang uminom ng softdrinks sa panahon natin ngayon. Naisabuhay na rin sa akin ito sa kay tagal nang ginagawa at pag-iinom ko nito.
— Edmar Bucsit // 7
KARAMAY
‘Di natin maikakaila na parte ng buhay ang kalungkutan. May mga pagkakataong bigla mo na lamang matatagpuan ang iyong sarili sa kwarto na nakatulala at pilit na nilalabanan ang mga luhang gustong makawala sa iyong mga mata. Kung minsa’y sapat na ang mga makabagbag-dadaming salita ng iyong mga kaibigan para ito’y maibsan pero hindi sa lahat ng panahaon na ika’y malungkot ay may kasama kang kaibigan na magpapagaan ng iyong loob.
Kapag ako’y malungkot o problemado, kadalasan ay ayaw ko itong ipahalata sa iba kahit na sa mga taong pinakamalapit sa akin kaya pinipili ko na lamang mapag-isa ngunit kapag ako’y mag-isa, walang nagpapagaan sa aking nararamdaman kaya nama’y pilit akong naghahanap ng karamay. At ang aking madalas na nahahanap na karamay ay pagkain. Comfort Food ikanga ang tawag sa mga pagkaing karamay mo sa mga panahong ika’y malungkot.
Minsa’y napagalitan ako. Pagkatapos kong mag-almusal, dumating ang aking ate upang mag-almusal. Tatayo na sana ako ngunit nandiyan na si inay at ako’y agad-agad na isinumbong ni ate na hindi raw ako kumain. Sinabi kong tapos na akong kumain ngunit hindi ako pinaniwalaan ni inay at ako’y pinakain muli.
Umagang umaga pa lang ay sira na ang araw ko. Hindi man kasiya-siya sa bahay ay umaasa akong magiging masaya sa eskwelahan dahil alam kong mayroon akong kaibigan na maaari kong karamay. Pagkarating ko sa silid-aralan ay hinanap ko agad ang aking kaibigan ngunit ako’y mas lalong nalungkot dahil wala siya at wala na rin akong magiging karamay sa buong araw na iyon. Pagkaalis o pagkauwi man ng bahay ay walang pinagkaiba ang aking mukha, nakasimangot pa rin.
Bago maghapunan ay dumating ang aking tatay na may hawak na kahon. Pagkabukas ko ng kahon, hindi ko mapigilang mapangiti. Ito ay naglalaman ng isang dosenang donat. Dali-dali akong kumuha ng isa. Sa aking bawat kagat sa matamis na donat, tila nagiging matamis na rin ang aking mapait na araw.
Hindi sa lahat ng panahon ay may mahahanap kang taong karamay ngunit meron ibang pwedeng maging karamay. Hindi man tao basta nakakapagpagaan ng iyong kalooban ay sapat na.
— Mariejoy Calica // 8
PUTAHE NG PAGKABATA
Ang mga bata. Hindi ba’t minsa’y nakiingit ang mga ngiti at halakhak na nakikita natin sa mga bata. Makikita mo sila kasama ang kanilang magulang papunta sa tindahan ng mga laruan o di kaya’t sa kanilang paboritong kainan. Mga ngiting ng tila walang alam sa buhay kundi ang makukulay at masasayayang bahagi nito. Lahat tayo dumaan sa pagkabata. Lahat tayo ay naging tulad nila puno ng kaligayahan at walang iniisip kundi ang ating sariling kalibangan. Nakatatawang isipin na noong tayo’y bata ay gusto nating lumaki agad, pero kung tatanungin mo ang mga matatanda ngayon kung ano ang isang paksa sa kanilang buhay na gusto nilang balikan, yoon ay ang pagiging bata.
Nung bata pa ko lagi kong niyaya ang aking Mommy sa paborito kong kainan, Jollibee. Naaalala ko ang mukha niya na di’ mapinta pag niyaya ko siya sa Jollibee. Martes noon at kakakain lang naming sa Jollibee noong Lunes, Linggo isama mo na rin ang Sabado. Pero kahit umay na umay na ang aking Mommy sa 1 piece chicken o burger steak dadalhin at dadalhin pa rin niya ako doon hangga’t kaya ng bulsa. Lagi kong “order” noon ay yung shanghai o di kaya yung spaghetti samahan mo pa ng laruan kasi kiddie meal yung binili sa akin. Natatandaan ko pa yung sarili noon, sarap na sarap sa kinakain ko na kapag aking babalikan ngayon ay hindi naman espesyal. Isama mo na rin ang laruan na naka plastik na halata basta-basta ang pagkagagawa. Hindi ko nadala sa aking pagtanda ang hilig ko sa mga fast food chain tulad ng Jollibee. Paminsan minsan nalang ako kumakain dito pagkasama ko ang kapatid ko o di’ kaya kapag wala ng ibang mapagpipilian. Pero isa sa mga bagay na hanggang ngayon ay natutuwa pa din ako sa Jollibee ay hindi mawawala ang eksena ng isang bata masayang masaya kasama ang kanyang magulang o lola at lola na makikita mong natutuwa din sa kinakain nila. Kaya nga ngayon napapatanong ako “Anong meron sa Jollibee?”.
Napag-aralan naming sa isa sa mga kurso namin ang psychology, sinasabi dito na para sa mga bata ang mga maliliit na ligaya sa ating matatanda ay napakalaki napara sa kanila sapagkat yun lang ang alam nila at hindi pa nila nararanasan ang ibang aspeto ng buhay. Doon ko napagtanto na wala naman talagang espesyal sa mga fast food chain tulad ng Jollibee. Walang magic o secret ingredient, pawang ang pagiging simple ng bata ang siyang nagbibigay ng malaki kaligayahan sa mga munting bagay na ito.
Sa mundo nating matatanda kinakain ang ating mga oras ng trabaho, pamilya, kaibigan, buhay pag-ibig at marami pang-iba. Marahil kaya tayo naiingit sa mga bata ay sakanila naaalala natin ang masasaya at simpleng panahon ng ating buhay. Hindi man natin nais na tuluyang bumalik sa pagkabata gusto natin ulit madama ang kaligayahan na naidudulot ng mga munting bagay sa buhay. Kaya marahil marami sa atin ngayon ay nagkakaroon ng flashback habang kumakain sa mga fast food chain di’ dahil gusto natin o nasasarapan tayo dito kundi dahil nailalabas ng mga ito ang munting pagkabata na dala-dala natin sa pagtanda.
— Jason Catacutan // 9

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
KAPE’T PANDESAL
Ang mga araw ay lumilipas at di nagtatagal. Ang buhay ay hindi permanente; ito ay nagwawakas. Tuwing umaga, hinding-hindi mawawala ang kape’t pandesal. At dito nagsisimula ang aming araw. Ang aking umaga ay hindi makukumpleto kung wala ang aking ama at ang aking ina na aking laging kasama at kausap. Sila ang nagbibigay lakas sa aking buhay at sila rin ang nagpapatunay na laging mayroong naghihintay na bukas.
Lunes. Nang ang aking ina ay nagtitimpla ng kape para sa aming tatlo, ako ay dali-daling tumakbo palabas ng aming bahay upang maabutan ang naka-bisekletang tindero na nagtitinda ng pandesal. Ako ay agad na bumili ng pandesal at nagpatuloy sa aking daan patungo sa aming bahay. Ang aking ama at ang aking ina ay naghihintay na sa hapag kainan. Ihinanda ko na ang aming tinapay at inilagay ito sa aming lamesahan. Kami na ay nagdasal para sa aming kalusugan at para sa aming araw. Pagkatapos naming magdasal, kami ay nagusap-usap tungkol sa aming mga ginagawa at sa mga gustong gawin.
Martes. Ako ay nagpunta sa aming hapag kainan at natuklasan na walang tao na nakaupo sa upuan o nagtitimpla ng kape sa kusina. Ang kalangitan ay napupuno ng mga maiitim na ulap na dahilan sa hindi pagsinag ng maliwanag na araw. Muntik ko nang hindi maabutan ang tindero ng pandesal dahil ang kanyang kinaroroonan ay malayo na. Tumakbo ako papunta sa kanya at nagmadaling bumili, nagbabasakaling papatak na ang ulan. Isa. Dalawa. Tatlo. At nagsituluyan nang pumatak ang ulan ng todo. Buti na lang at malapit na ako sa aming bahay nang pumatak na ang malakas na ulan. Pagkapasok ko sa aming bahay, ang aking ina ay nagtitimpla na ng kape para sa aming tatlo, habang ang aking ama ay hawak hawak ang kanyang hindi-pa-nasisindihang sigarilyo. Kumuha ang aking ina ng plato at inabot ito sa akin at dun ko inilagay ang pandesal.
Miyerkules. Naaamoy ko na ang masarap na masarap na timpla na kape ng aking ina. Naaamoy ko rin ang usok ng sigarilyo ng aking ama. Ako’y nabahing ng hindi sadya sa amoy ng nagkakalat na usok sa ere. Napatakip na lang ako ng ilong at dumiretso sa labas upang bumili muli ng pandesal at upang hindi maamoy ang usok na nanggagaling sa sigarilyo ng aking ama. Pagdating ko sa aming bahay ay unti unting nang nawawala ang usok. Ito ay kadahilanan sa pag alis ng aking ama sa hapag kainan dahil wala raw syang ganang kumain, ayon kay ina. Nagumpisa na kaming kumain ng aking ina at parang nag-iba ang kanyang paligid. Mukhang may problema syang hindi sinasabi sakin at walang balak sabihin kailan man.
Huwebes. Takam na takam na ako sa luto ng aking ina na pandesal. Ang pandesal ay ang kanyang espesyalidad dahil simula nung bata pa raw siya ay nagluluto na sya ng pandesal. Habang lumilipas ang panahon, ang kanyang pagluluto ng pandesal ay kanyang napeperpekto. Inihain na ni ina ang kanyang tinimplang kape at inilutong pandesal. Nagsimula na kami agad ni itay bago pa man makaupo si ina. Ito ay dahil nakakaakit at nakakatakam talaga ang amoy ng pandesal na niluto ni ina. Kinausap ako habang kumakain ng aking mga magulang kung ano ang gusto ko sa aking kaarawan. Ang aking sagot ay, hangga’t tayo ay kumpleto sa ating pamilya wala na akong hihingilin pang iba.
Biyernes. Ngayon, ako ay nagtimpla at naghanda ng kaunting pagkain para sa aking kaarawan. Pagbaba ng aking mga magulang, binati nila ako ng maligayang kaarawan. Nagpatuloy si ina sa kanyang daan papunta kusina at kinuha ang mumunting keyk na regalo sa akin. Hindi ko ito inaasahan at bigla akong napaiyak. Nagpasalamat ako ng marami sa aking mga magulang dahil sa surpresang inihandog sa akin. Subalit, may nakikita akong lungkot sa kanilang mga mata. Sa aking pag-usisa, tinanong ko ang aking mga magulang kung bakit ganoon ang kanila awra. Matagal ko na rin itong napapansin sa kanilang dalawa. Ang mga mata ng aking ina ay nagsisimula nang mangulimlim sa lunkot at sinabing ang buhay ng aking ama ay hindi na magtatagal pa. Bigla na lang akong napaluhod at napaiyak. Sana hindi ko na lang tinanong. Sana hindi ko na lang nalaman. Sana.
Sabado. Sa aking pagmulat ng aking mga basang mata, tila nandito pa rin ako sa katotohanan. Nag-ayos na ako ng aking sarili at nagpatungo sa pintuan nang makita ko sa kalindaryo ang nakamarkang petsa na nakahugis puso na sumisimbolo na ngayon ang anibersaryo ng aking mga magulang. Pagbukas ko ng pinto, amoy na amoy ko na ang pinakapaborito kong kape, ang kapeng barako. Ito yung kape na hahanap-hanapin mo araw-araw; yung kape na laging ang aking ama lamang ang nagtitimpla. Gaya ng sabi niya, bawat okasyon, gaya nitong araw na ito, ay magtitimpla siya ng kanyang espesyalidad. Nakita ko ang masiglang mukha ng aking ama. Ni-isang antilo ng kalungkutan ay nawala sa kanyang mga mukha. Maliban kay ina na malapit nang mawalan ng buhay ang kanyang mukha. Ipinagdiwang namin ang kanilang anibersaryo sa mumunti at simpleng okasyon at nagkausap-usap tungkol sa aming mga pangarap at mga plano at mga gagawin sa buhay.
Linggo. Ang aking ama ay namahinga na. Mahirap man tanggapin, kailangan pa rin naming umusad. Ang pagbabago ay ang natatatanging rason kung bakit tayo ay nabubuhay. Ito ang paraan upang maintindihan ang kahulugan ng ating buhay.Sa munting pagkain at inumin, ito ay ang tanging nagkokonekta sa ating lahat. Araw-araw tayo ay nagbabahagi ng ating mga karanasan – mapasama man o hindi.
— Princess Clavo // 10
TAMIS NG ALAK
Naaalala ko nung bata pa ako na sa tuwing may salu-salo o handaan sa aming bahay, mapa engrande o munti man ito, hindi matatapos ang gabi nang walang alak. Hindi ko mawari noon kung bakit pinagtatyagaan ng aking mga magulang, tiyo't tiya, at mga nakatatandang pinsan ang napakapait na serbesang nagpapawis pa dahil sa sobrang lamig. Sadyang pinapabayaan ko na lang sila dahil ang pumapasok lang sa isipan ko, pagkatapos ng kainan ay walang hanggang pakikipaglaro sa aking mga pinsan.
Kung tatanungin kung paano ko nalamang mapait ang alak, ito ay dahil sa isa sa paborito kong tito. Gabing-gabi na noon kaya siya ay medyo lasing at tinamaan na ng alak. Noong napadaan kaming magpipinsan sa kanila, pabirong niyaya niya kaming uminom. Ang tito kong iyon at talagang pilyo kaya siguro niya kami niyaya. Nagsitawanan na lang sila at kaming magpipinsan ay napangiti na rin. Pumasok na lang kami ulit sa loob at naglaro.
Ang pabirong alok na iyon ang dahilan kung bakit ko naisipang makiusyoso sa kanila. Tandang-tanda ko pa na parang basta lang akong naglakad papalapit sa kandong ng aking ama. Tila ang mga ingay na nanggagaling sa garahe na kung saan sila nag-iinuman ay tinatawag ako papalapit. Ang lahat ay naghahalakhakan at ang saya ay umaapaw tulad ng alak na nasa kanilang mga baso. Napaisip ako kung iyon ba ang epekto ng mapait na inuming tinatawag nilang alak. Sinubukan kong tumikim dahil baka maintindihan ko rin ang pinagtatawanan nila. Ngunit iba ang kinalabasan, pagdampi pa lamang sa aking mga labi ay muntik muntikan na akong masuka. Agad akong naghanap ng matamis para maibsan ang pait. Ngunit sa kabilang banda, ang nangyari sa aking iyon ang mas nagpalakas pa ng tawanan nila. Iniwan ko na lamang sila at nagpatuloy sa pakikipaglaro sa aking mga pinsan.
Unti-unti akong tumanda at kasabay noon ay ang unti-unting pagkawala ng alak sa bawat handaan. Ang dating kainang nagtatapos sa inuman ay ngayo'y sa panghimagas na lamang nagtatyaga. Ang kasiyahang dati'y umaabot hanggang madaling araw ay ngayo'y alas-diyes na lamang kung gabihin. Ang salu-salong dati'y nagpapasikip sa bahay ay ngayo'y nabibilang na lamang ang natitira. Ang lahat na ay may sari-sariling lakad at ang iba naman ay nasa ibang bansa na. Naaalala ko pa noong nung huling inuman ng pamilya dito sa bahay, kami ay nagkasya na lamang sa mesa na nasa loob ng bahay. Tila ang pagkakataong iyon na kami ay magkakaharap, buo, at masayang nagkwekwentuhan ang isa sa pinakamasayang pagkakataon ng aking buhay. Ang dating kasiyahan na nagkakasya sa walang hanggang pakikipaglaro ay ngayo'y nakatuon na sa matatamis na ngiti sa isang mesang napapalibutan ng mga pinakamahahalagang tao sa iyong buhay.
Noong gabi ring iyon muli akong tumikim ng alak. Aminado ako, alalang-alala ko pa noong muntikan na akong masuka dahil sa alak pero ang naisip ko ay sobrang bata ko pa naman noon. Lahat sila sa mesa ay nakatingin nung uminom ako at paglunok ko, napakunot ako ng noo dahil sa lasa pero natawa ako sa reaksyon nila sa itsura ko. Nangibabaw yung tamis ng pagkakataon doon sa pait nung alak. Buong gabi kaming nagkwentuhan, nag-alaskahan, at nagkatuwaan. Habang lumalalim ang gabi ay mas umiigting ang kasiyahan. Habang sila ay nalalasing, mas nakakatuwang pakinggan ang kanilang pagkwekwento. Nakakatuwa na nasasaksihan silang pagewang-gewang na kumilos, halos papikit na ang mga mata, at may ngiti sa labi. Kitang kita ko ito dahil ako na lang ata ang hindi pa lasing nung mga oras na iyon dahil kakaunti lang talaga ang aking ininom. Sa sobrang lasing ay nakatulog na sila sa mesa. Naantok na rin ako noon pero bago ako pumikit, muli kong sinulyapan ang nakakatuwang pagkakataon. Nakatulog na rin akong may suot na ngiti sa aking mga labi.
Doon ko napagtanto na ang lasa ng alak ay base sa epekto nito sa buhay ng tao. Maaaring ito ay nagdadala ng matatamis na ngiti o pait sa buhay ng tao. Kung paano ito nagiging matamis, huwag ang lasa ang pagtuonan ng pansin kundi ang pagkakataong ipinagkaloob sa iyo na kayong pamilya ay masaya't naghahalakhakan. Hahanap-hanapin ko ang lasa ng alak hindi oara makalimot kundi para makaalala ng mga oras na puro tawa ang maririnig kahit saang sulok ng bahay ka man.
— Czar Correos // 11
BETAMAX: PIGHATI’T NGITI
Bawat oras sa mundo ay pinalilibutan ng pighati at kasiyahan. Minsan nga binabaling ko ito sa pagkain ng iba’t -ibang tusok-tusok dyan sa labas lalo na ang four-plus-one na Betamax. Naaalala ko pa nga noong tumatambay kami ng barkada ko sa kainan na may kasamang walking tindahan laging patok ang Betamax. Hinding-hindi ko makakalimutan ang bawat sandali na pinagsamahan ko kasama ang pagkaing iyon. Mga pangyayaring nakapagpahasa sa aking mapurol na utak at sa mga karanasan kong kasing hilaw ng isang musmos.
Unang araw ng pasukan noon, nakita ko na naman ang mga mukhang sabik sa panibagong taong nakalatag sa amin. Bawat isa sa kanila nakakaburyong pakinggan, ika nga ng nakararami sa umpisa lang ang lahat ng iyan kaya pagkalabas namin ng klasrum, nagyaya ako na mag-betamax. Doon nga nabuo ang aming kasabihan na “bumili ng ihaw, isawsaw upang tumakaw”. Nakakaginhawang tawanan ang aking naramdaman sabay kain uli. Talsik laway doon at dito kasabay ang mga hagikhik sa mga kwentong para bang walang katapusan. Sa sobrang sarap ito’y naulit nang naulit kaya masasabi kong hindi ko rin ramdam ang hirap sa pag-aaral dahil nakakasama ko ang mga kaibigang napapa-betamax ka sa oras ng kagipitan.
Natapos ang unang kapatan sa iskul at umuwi ako sa bahay bitbit ang isang plastik ng mga inihaw para sana sa hapunan nang madatnan ko ang aking nanay na umiiyak suot ang blusang puti na kaniyang paborito. Hindi na naman nagpadala ang tatay mo ng pang-tuition….. ang mga nakabibinging linyang pinatatahimik ng isip ko. Dinamayan ko siyang umiyak kahit ayaw ko, kahit nakakasawa na at kahit alam ko na ang sagot bakit siya umiiyak at nakakaiyak na ring isipin na wala akong magawa kundi umiyak na lamang. Ayoko mang mangsisi ng tao at manggatong pa ng kalungkutan sa dinadala ng nanay ko kaya niyaya ko na lang siyang kumain ng inihaw at ang paborito kong Betamax. Mahirap mang lumunok ng bawat butil ng kanin at ngumiti sa sarap, masasabi kong dapat lang din lunukin ang bawat lungkot at tanggapin kung ano ang nasa harap mo ngayon.
Kasing bigat ng graba ang galit ko sa dibdib na pinupuno ng mga katanungang walang konkretong sagot. Dumating sa oras na ayaw mo nang labanan ang hirap ngunit binubugbog pa rin nito ang isip mo at ang tanging pananggala mo lamang ay galit. Tila bang sinisindihan nito ang upos ng poot sa aking kaloobang matagal ko nang hinipan. Pinakamasakit nito ay ang pagpapaalam sa mga bagay na nagpapasaya sa aking sarili. Kailangang sumabay sa agos ng buhay kahit nalulunod ka na. Kailangang tahakin mo ang buhay kahit pilay ka na. Lalong mas kailangang mabuhay kahit pinapatay ka na.
Hindi ko rin natapos ang ikalawang kapatan dahil lumipat ako ng iskul. Lumabo ang paningin ko sa mga pagbabagong hindi ko nais makita. Nakakalito pero para bang nahihibang ako at tila may hinahanap ang mga mata ko: Betamax. Kahit saan mang sulok ay may nagtitinda ng inihaw at dali-dali akong bumili ng Betamax. Bumili ng inihaw, isawsaw upang tumakaw ang bulong ng aking nakaraang kasayahan. Sa pagkagat ko hindi ko mapigilang mapapikit, ang dami pala naming pinagsamahan halos lahat ay pintado sa aking blangkong memorya. Ang Betamax ay ating mga sarili na magpapadama sa atin na tayo ay nakasawsaw sa mga nakauuyam na problema at pinatatakaw nito ang ating sistema upang harapin ang buhay na puno ng pighating nakatago sa bawat ngiti.
— Franze Cruz // 12
LUTONG KOREANO
Malibot ang buong mundo ay isa lamang sa mga pinapangarap ko kahit noong bata pa ako. Mas masaya ang paglalakbay na ito kung kasama ang iyong pamilya. Mabuti na lang ay kami’y pinagpala na makabisita sa ilang bansa dito sa Asya. Tuwing wedding anniversary ng aking mga magulang, kami ay gumagala para ipagdiwang ito nang mas masaya. Nagsimula ang ganitong kaugalian noong 2014, at kami ay nagpunta nang Singapore.
Para sa ngayong taon kaming pamilya ay nagdesisyon na pumunta sa Korea. Ito ang aming napili dahil sa patuloy na pagsikat ng kultura ng Korea dito sa Pilipinas. Kinagabihan bago ang aming pag-alis, bilang ako ay isang tao na hirap gumising ng maaga, nagdesisyon ako na sa byahe na lang matulog at bantayan na lang ang mga kagamitan namin na naka-charge. Para sa akin mas madaling mag puyat hanggang umaga kaysa gumising ng maaga. Pagkatapos naming gumayak ay kami na ay umalis, gaya nga sa aking plano ay nakatulog ako halos buong biyahe papuntang NAIA.
Ang travel time papuntang South Korea ay halos apat na oras, kaya’t nakatulog ulit ako nang mahimbing. Pag-lapag namin sa Korea ay ginawa naming ang unang ginagawa ng mga turista, ang mag selfie. Hindi ko maiwasan at pagkumpara ng airport nila sa atin. Hamak ganda ng kanilang airport, makikita kung gaano kaganda ang ekonomiya ng Korea.
Pagkalabas naming ng airport ay hinanap na naming ang aming tour guide.Pagkatapos naming syang makita kami na ay dumeretso sa aming kakainan.
Ang una kong napansin sa lamesa ay bakit may kutsara? At may kutsara ngunit walang tinidor. Kutsara pala ang ginagamit nila sa pagkain ng kanin, ito ay nakakapanibago dahil noong kami ay nagpunta sa Japan ay chopsticks lang ang nasa lamesa, maglalagay lang sila ng kutsara kung mayroong sabaw ang kakainin mo, at ibang-iba ang kutsara ng Japan sa Korea. Pero chopsticks pa rin ang ginamit ko sa pagkain ng kanin.
Kami ay nag-almusal sa hotel mismo. Ibang-iba ito sa mga kainan na makikita sa labas dahil ang mga kagamitan sa pagkain ay ang normal na, kutsara, tinidor at kutsilyo. Ang mga pagkain din ay kung ano ang makikita dito, itlog, sausages, tinapay, bacon at kanin.
Dalawang oras na biyahe papunta sa aming destinasyon, kaya’t nagpahinga muli ako. Pagdating sa destinasyon ay libot-libot at kuhana ng litrato. Matapos noon ay kami muli ay kumain. Pagdating naming ay ganoon ulit ang mga kagamitan, chopsticks at nag-iisang kutsara. Ngunit mas napa-isip ako sa aming pagkain, kami ay nasa lugar na pinalilibutan ng anyong tubig, kaya’t ang aking inaasahan na kainin ay isda ngunit ang aming kakainin ay manok pala. Napansin ko din na mayroon na namang kimchi sa aming kakainin, alam ko naman na parte talaga ito ng pagkain sa Korea pero hindi ko inaasahan na lagi ko itong makikita sa kainan.
Pagkatapos ng kumain kami ay sumakay sa isang barko upang makapunta sa Nami Island, isang sikat na isla sa Korea kung saan makakakita ng madaming cherry blossoms. Sa kabila ng malamig na klima, madami pa rin ang bumibili ng ice cream, marahil ay sanay na sila sa ganoong klima kaya’t ayos lang sa kanila ang kumain neto.
Ang hapunan naman namin ay sa Barbecue house, swerte kami dahil maaga kaming nakapunta at di naming naabutan ang mahabang pila papasok. Na-isip ko na siguro mas gusto ng mga Koreano na sila ang nagluluto/nag-iinit ng sarili nilang pagkain. Dahil sa lahat ng lugar na nakainan ay may pangluto sa gitna ng lamesa. Pagdating sa bago naming hotel ay nagulat ako sa mga matataas na gusali na aking nakita, dahil ito ay isa lamang probinsya. Masasalamin kung gaano talaga ka-unlad ang ekonomiya ng Korea.
Para sa pangatlong araw namin sa Korea kami ay pumunta sa Everland, isang sikat na amusement park sa Korea. Pagkatapos naman naming sa Amusement park ay pumunta na kami sa Kimchi Museum, dito naranasan naming kung paano gumawa ng kimchi. Hindi pa rin natatangal sa isip ko kung bakit laging mayroong kimchi sa bawat kainan, kaya’t nakarating ako sa konklusyon na kaya ito ay sikat para uminit ang kanilang katawan na dala ng anghang nito.
Pagkatapos noon ay kami ay naghapunanan. Ito ang pinaka-kakaiba sa lahat ng aming kinain, ito ay isang buong manok na may kanin sa loob. Muli hindi mawawala ang kanin dahil sa tingin ko ay ganon talaga tayong mga Asyano. Natuwa ako dito dahil ito ay kanin, ulam at sabaw na pinagsama-sama sa isang mangkok.
Para sa pang-apat naming araw, dito na naming inalam ang kultura ng Korea. Nalaman ko na mayroon silang tatlong pangunahing produkto kung saan sila pinaka tanyag, ang Seaweed, Kimchi at Ginseng. Ako ay nasupresa nung nalaman ko na kasama ang ginseng. Ginagamit nila ito hindi lang para sa kanilang kalusugan kundi pati na rin sa kanilang balat. Ito pala ang kanilang sikreto sa maputing balat.
Noong oras na nang hapunan, ang aming kinain ay manok ulit. Iniisip ko kung bakit parang wala masyadong isda sa aming pagkain, baka ang mga pala-isdaan nila ay nakasalalay na lang sa paggawa ng seaweed dahil ito ay mas sikat na produkto. Pagkatapos noon ay kami ay nagpunta sa isang shopping district, nakakagulat ang dami ng tao doon. Makikita rin ang iba’t-ibang uri ng street foods.
Pagkauwi naming sa hotel ay naisipan kong bumili sa malapit na convenience store. Bumili ako ng chichirya at tsokolate na sa Korea lamang makikita. Pagtikim ko ng chichirya ay hindi ito masyadong maalat, parang ginagawa nilang mas healthy ang chichirya, hindi ko rin naman mabasa ang mga sangkap sa chichirya. Sa tsokolate naman, pagkagat ko ay kita talaga na ito ay isang malambot na kanin na may tsokolate sa labas. Masasabi ko na pag dating sa kalusugan, mapa panloob man o panglabas na kalusugan ay pinapanatili talaga nilang maganda.
Sa aming huling araw ay binisita naming ang mga lumang bahay sa Korea, at inubos na naming ang huling oras sa Korea sa last-minute shopping at pag rerelax doon.
Masasabi kong malayo talaga ang pagitan ng Pilipinas at Korea. Pinaka nagustuhan kong ginawa doon ay ang pagsubok ng iba’t-ibang putahe nila doon. Sa tingin ko mas gusto talaga ng mga Koreano ang kainan kung saan pwede kang magluto upang masigurado na tama ang timpla ng pagkain para saiyo at masigurado na mainit at bagong luto ang iyong pagkain para pampainit sa malamig nilang klima. Makikita rin kung gaano kalusog ang kanilang mga pagkain, kahit ito ay tsokolate o chichiriya man ay wala itong masyadong alat o tamis para mapanatili ang magandang kalusugan ng kumakain nito. Marahil isa lamang ito sa mga sikreto kung bakit malusog at maganda ang katawan ng mga Koreano.
Ito ay isa lamang sa aking mga kwento, sana ito ay patuloy pang madagdagan upang matupad ko ang aking pangarap simula pagkabata. At muli ako ay nagpapasalamat sa Diyos sa pagbigay sa akin ng isang masayang pamilya.
(Narito ang ilan pang larawan sa aming paglalakbay)
— Jay-Ar Cruz // 13
PAGKAIN SA PANGYAYARI, PANGYAYARI SA ALAALA, PAGKAIN SA ALAALA
Nung bata ako mahilig ako kumain, kahit ngayon nga kung tutuusin. Ang palaging sabi sa akin ng nanay ko kapag kumakain kami ng mani ay kumain raw ako ng marami dahil brain food daw ito, pampatalas raw ng isipan. Naalala ko nung unang sinabi sa akin yun nagtaka ako kung paano nangyayari yun, pero syempre dahil bata pa lang ako noon hindi ko na siya inisip ng todo at sinundan ko na lang ang sinabi ng aking nanay. Makalipas ng ilang taon nalaman ko rin ang sagot sa aking katanungan. Mayroon palang protein ang mani kaya ito’y sinasabing brain food. Nung malaman ko ang sagot na yun pumasok naman sa isipan ko kung ano ang koneksyon ng pagkain sa alaala, na ngayong pinatutunguan ng aking sulatin.
Naalala ko nung bata ako, hilig kong ilapit sa ilong ko ang pagkain at amuyin ito bago ko isubo. Nung isang araw binigyan kami ng nanay ko ng M&M. Ito naman ako sa sobrang hilig ko amuyin ang pagkain ko bago ko kainin ito, pumasok ang isang M&M sa ilong ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kaya syempre umiyak ako. Naalala ko na sinasabihan ako nung nanay ko na suminga. Singa ako ng singa hanggang lumabas yung M&M na pumasok sa ilong ko. Matapos yung mga pangyayaring iyon hindi ko na muli inaamoy yung pagkain ko na napakalapit sa ilong ko.
Maliban sa negatibong pangyayari na aking isinalaysay, meron rin namang positibong pangyayari. Naalala ko nung nasa ika-8 baitang ako kasama ako sa mayroong parangal. Dahil sa mayroon akong parangal, nilibre ako ng ate ko sa isang mamahaling kainan. Naalala ko na ang dapat kong pipiliin ay steak na ang luto’y medium rare kaya lang nangonsensya ako dahil sobrang mahal siya kaya ang pinili ko na lang kainin ay Salisbury steak. Matapos namin mag-order sinabi sa akin ng ate ko na ok lang sa kanya kung ang pinili ko ay yung steak. Nasayang ko yung pagkakataong iyon pero malamang sa malamang ang lasa naman ng steak na iyon ay hindi lalayo sa lasa ng mga steak na kinakain namin sa mga buffet na napuntahan namin.
Meron ring mga pangyayari na hindi negatibo at hindi rin positibo o kaya naman parehas. Naalala ko nung kasama ako sa mga tagagawa ng keyk sa negosyo ng ate ko, ako ang gumagawa ng fondant na pang-design sa keyk. Simple lang ang paggawa ng fondant, galing lang siya sa marshmallow na tinunaw nilagyan ng powdered sugar at minasa. Tuwing araw ng patay gumagawa kami ng mga kapatid ko ng camp fire at nagtotosta ng mga marshmallow. Palagi naming sinusubukan makuha ang perpektong tosta nito na golden brown. Nung isang beses nakuha ko yung perpektong tosta at nung pagtikim ko ay lasang fondant lang siya. Nadismaya ako dahil inaasahan kong kakaiba at napakasarap nung perpektong tosta na iyon.
Habang ginagawa ko itong sulatin na ito naisip ko na meron ngang koneksyon ang pagkain sa alaala. Ang pag-alala ko lamang sa mga pangyayari na ito ay proweba na na may koneksyon nga ang pagkain at alaala. Marami rin akong mga pangyayari na naalala dahil sa mga pagkain na kinain ko ngunit hindi ko na siya sinama dahil masyado nang mahaba ang sulatin na ito, sobra na siyang personal, at sobrang karaniwan na siya tulad na lamang ng pag-alala ko sa pelikulang napanood ko dahil sa kinain kong popcorn. Kung minsan mayroon rin akong mga naaalala na pangyayari dahil sa amoy at lasa ng pagkain tulad nung nangyari sa pelikulang “ratatouille”. Dahil alam ko na na mayroon ngang koneksyon ang pagkain at alala ang naisip kong tanong ngayon, pwede kaya ito gamitin sa pag-aaral?
Bukod dun, meron pa akong isa pang natutunan, ang kahalagahan ng pagkain. Syempre alam na naman natin na mahalaga siya sa buhay natin dahil nagbibigay siya ng enerhiya at iba’t ibang bitamina sa katawan natin, bukod dun tinatawag rin siya na biyaya ng Diyos at basic need ng tao. Ang kahalagahan na tinutukoy ko ay yung kahalagahan nito sa ating pagkatao. Kung ako tatanungin ninyo, hindi lamang tao at mga pangyayari ang bumubuo sa ating pagkatao kundi pati lahat ng mga nangyari mula sa simula upang maging kung ano ka sa kasalukuyan. Ang pagkain kung titignan ninyo ay napakaliit lamang ang kontribusyion sa ating pagkatao ngunit ang pagkain ay kung minsan napakalaki at napakaliit ng kontribusyon. Mayroong mga tao na na troma sa pagkain, mayroon naman na naging dahilan nila ang pagkain upang makarating sa kinaroroonan nila, mayroon ding mga tao na nagkakaron ng problema dahil sa pagkain tulad na lamang ng mga obis o kaya naman anoreksik. Sa aking mga kuwento mayroon din akong natutunan syempre tulad na lamang ng huwag ilapit ng sobra sa ilong ang inaamoy, magtanong bago magdesisyon, at huwag masyadong mataas ang ekspektasyon. Ano naman koneksyon nito sa alaala? Simple lang, kung iisipin mo ang dahilan kung bakit ganyan ang pagkatao mo ngayon iisipin mo na dahil ito sa isang pangyayari sa buhay mo na maaaring ang dahilan ng pangyayaring iyon ay isang simpleng pagkain, sa madaling salita, nasa alaala na mismo ang dahilan ng pagkatao mo. Kung naguguluhan pa rin kayo iiwanan ko na lamang ang tanong na ito. Ano ba ang ginagamit mo, bukod sa utak, para maalala ang isang pangyayari? Sa huli ang pagkain ay mahalaga at mayroon ngang koneksyon sa alaala. Ano pa kaya ang pwede nating matutunan sa pagkain, sa ating kinakain?
— Jake Dalay // 14

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Handaan sa ‘Pinas
Hindi ko talaga makakalimutan ang mga panahon na ako ay bago pa dito sa bansa natin. Naisip ko na kailangan kong magbago at masanay sa iba't ibang mga pagkaing Pilipino, ngunit hindi ko naman pala ito ganoon kailangan. Madalas ay kailangan mo lamang lumiko sa isang kanto sa lansangan at tiyak na ang maraming matatagpuang fast food at kainan. May mga naghahain rin ng mga putaheng banyaga tulad ng American, Korean, Japanese, at marami pang uri ng pagkain. Kay laking gulat ko nang malamang imbis sa pagtaguyod ng kanilang sariling pagkain o pagkaing Pinoy, ay mas tinatangkilik pa nila ang luto ng ibang bansa. Makalipas ang ilang taon, napansin ko na ang mga pagbabago sa lutong Pilipino ay dulot lamang ng mga impluwensiya mula sa ibang mga bansa, at mga dayuhang bumibisita sa Pilipinas.
Sa panahon ngayon, madami nang pagkain na galing sa iba’t ibang bansa na matatagpuan sa Pilipinas. Mula sa tabing-kalsada hanggang sa mga fast food at high class na kainan, maari na nating matikman ang mga pagkain na gaya ng pizza, hamburger, ramen, at iba pa. Habang tumatagal, ay mas lalong nagiging abala ang mga Pilipino sa kanilang pag-aaral at pagtatrabaho. Dahil dito, nagiging patok sa atin ang mga pagkaing madaling lutuin at ihanda. Nagiging karaniwan na ang mga pagkain na galing sa ibang bansa. Kung minsan ay napagkakamalan na nga ang mga ito na sariling atin, gaya ng pancit, lumpia, spaghetti at tapa. Maliban dito, dinadagdagan natin ang mga ito ng panlasang Pinoy; halimbawa nalang sa spaghetti, na ginawan natin ng sarili nating Filipino style sauce.
Para sa akin, patunay ang mga ito na ang mga pagkaing banyaga ay madali nang nagiging bahagi ng kulturang Pinoy. Sana lang ay patuloy pa ding tangkilikin at panatilihin ng mga Pilipino ang mga pagkain na sariling atin, nang sa gayon ay pati ang mga susunod na henerasyon ay maging pamilyar at makilala pa rin nila kung ano nga ba ang tatak Pinoy.
— Mark Damo // 15
PALATANDAAN
Nanginginig ang katawan, mabilis ang tibok ng puso, at masiglang masigla. Ilan lamang yan sa naramdaman ko nang malamang maglalakbay kami patungo sa bansang Singapore kasama ang aking pamilya. Ang paglalakbay kasi, maliban sa pagkain, ang siyang nagsisilbing gasolina upang paandarin ang aking katawan ng may sabik at kasiyahan. Kaya't kakaibang galak na lamang ang aking naipakita sa paghihintay sa araw ng aming pag-alis.
Paglapag pa lamang ng eroplano sa paliparan, iisang bagay na agad ang dumapo sa isipan ng bawat isa sa amin. Iyon ay ang maghanap ng lugar na maaari naming kainan. Ilang mga minuto lamang ng paglalakad, sinalubong kami ng iba't-ibang uri ng kainan na sadyang nagpahirap sa amin na pumili. Mayroong mga japanese, korean, at chinese food na kanya-kanyang nagpakulay ng lugar. Hindi ko malilimutan ang itsura ng mga kainan habang naghihintay ako ng aking pagkain. Pinuno ng maingay na usapan ng mga tao ang lugar at naglalaban ang mga amoy ng pagkain na para bang nag aagawan sa mga bisitang naroon. Ilang minuto lamang ay inilapag na ang isang malaking mangkok sa aking harapan. Napagtanto ko na ito ay Ramen, dahil alam ko ang itsura nito sa aking mga napapanood sa telebisyon. Humalimuyak ang Ramen na sadyang nagpasabik sa akin na kumain. May tamang alat ang mabigat na sabaw at tamang tama para sa akin ang lambot ng udon noodles. Nakatulong din ang itlog sa paglaban sa alat ng sabaw kaya't lubos kong na-enjoy ang Ramen. Ihinuli ko ang mga hiniwang baboy na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam ng pagkabusog. Sobra akong nasarapan sa Ramen na iyon bagamat unang beses ko pa lamang iyon natikman.
Naisip ko na kung sino man ang nakapag-isip ng konsepto ng ramen ay tunay na kahanga-hanga. Nakapag-imbento siya ng pagkain kung saan ang mga sangkap ay tunay na kumikilos ng sabay sabay upang bumuo ng isang putahe na napakasarap. Ano kaya ang inspirasyon nila? Naitanong ko iyan sa aking sarili dahil nais kong malaman kung paano sila nakagawa ng pagkain na nakapagpabuhay at nakapagpasigla ng aking katawan at kaluluwa.
Masigla kaming nakapaggala dahil sa enerhiyang ibinigay sa amin ng pagkain. Ilang araw kaming naglibot at sumubok ng mga pagkaing hindi pangkaraniwan para sa amin. Para sa mga iilang araw na iyon, itinigil muna namin ang pag-iisip sa pritong manok, burger, at fries. Sinubukan namin ang iba't-ibang putahe na nakasaad sa bawat menu ng mga Chinese restaurant na sadyang nakapagpasaya sa amin. Ngunit sa lahat ng pagkaing aming kinainan, isa lamang talaga ang tumatak sa aking puso't isipan. Ang pagkain na ito ay hindi ganoon kahirap na ihanda ngunit iba parin talaga kapag doon ka kumain nito. Naglalakad kami at sana ay pauwi na nang nakakita kami ng matandang lalaki na iwinawagayway ang kanyang kalembang. Iginigiya niya kami patungo sa kanyang mumunting tindahan at nagpatianod kami dahil nalaman namin na ice cream pala ang ibinebenta niya. Ngunit hindi ito ang pangkaraniwang ice cream na mabibili mo sa 7-eleven o sa kung saan man, dahil ang ice cream na ito ay nakabalot sa tinapay na napakasarap. Sulit na sulit ang sampong dolyar dahil bawat kagat sa ice cream ay nakatulong sa pagtanggal ng aming pagod. Hindi nangilo ang aking ngipin sa pagkagat sa ice cream dahil nakapaloob ito sa tinapay. Ang ice cream sandwich na ito, para sa akin, ay ang pagkain kung saan naaalala ko ang bansang Singapore.
Kung tutuusin, hindi naman talaga ganoon ka-espesyal ang sandwich ice cream ito. Madali itong gawin at mahahagilap mo kung saan ang mga sangkap para bumuo ng delikasiyang ganito. Ngunit kakaiba ang kombinasyon ng isang bagong konsepto ng pagkain at isang lokasyon kung saan ay hindi pa ako pamilyar. Dahil hindi ko pa nakita kailanman ang ice cream sandwich sa telebisyon, social media, at sa personal, ito ang naiwan sa aking isipan na palatandaan kung bakit ko natutunang mahalin ang bansang Singapore. Dahil hindi lamang ito ice cream na ibinalot sa dalawang piraso ng tinapay. Ito ay ice cream na ininalot sa dalawang piraso ng tinapay sa Singapore.
Kasabay ng kasiyahan ko sa bawat kagat ay ang kalungkutan nang maalala na malapit nang matapos ang aming sandaling paglalagi sa Singapore. Inalala ko ang mga pangyayari sa bansa at napagtanto na hindi lamang pala ang mga tanawin at galaan ang nagpakulay ng aming biyahe, malaking kontribusyon sa aming kasiyahan ang iba't-ibang pagkain na aming natikman. Naging tatak din ito sa aming paglalakbay dahil lahat kami ay may sinubukang bago mula simula hanggang dulo. Sa aking palagay, malaki ang magiging epekto nito sa aking pananaw hanggang sa dulo ng aking buhay.
— Ivan de Lara // 16