PUTAHE NG PAGKABATA
Ang mga bata. Hindi ba’t minsa’y nakiingit ang mga ngiti at halakhak na nakikita natin sa mga bata. Makikita mo sila kasama ang kanilang magulang papunta sa tindahan ng mga laruan o di kaya’t sa kanilang paboritong kainan. Mga ngiting ng tila walang alam sa buhay kundi ang makukulay at masasayayang bahagi nito. Lahat tayo dumaan sa pagkabata. Lahat tayo ay naging tulad nila puno ng kaligayahan at walang iniisip kundi ang ating sariling kalibangan. Nakatatawang isipin na noong tayo’y bata ay gusto nating lumaki agad, pero kung tatanungin mo ang mga matatanda ngayon kung ano ang isang paksa sa kanilang buhay na gusto nilang balikan, yoon ay ang pagiging bata.
Nung bata pa ko lagi kong niyaya ang aking Mommy sa paborito kong kainan, Jollibee. Naaalala ko ang mukha niya na di’ mapinta pag niyaya ko siya sa Jollibee. Martes noon at kakakain lang naming sa Jollibee noong Lunes, Linggo isama mo na rin ang Sabado. Pero kahit umay na umay na ang aking Mommy sa 1 piece chicken o burger steak dadalhin at dadalhin pa rin niya ako doon hangga’t kaya ng bulsa. Lagi kong “order” noon ay yung shanghai o di kaya yung spaghetti samahan mo pa ng laruan kasi kiddie meal yung binili sa akin. Natatandaan ko pa yung sarili noon, sarap na sarap sa kinakain ko na kapag aking babalikan ngayon ay hindi naman espesyal. Isama mo na rin ang laruan na naka plastik na halata basta-basta ang pagkagagawa. Hindi ko nadala sa aking pagtanda ang hilig ko sa mga fast food chain tulad ng Jollibee. Paminsan minsan nalang ako kumakain dito pagkasama ko ang kapatid ko o di’ kaya kapag wala ng ibang mapagpipilian. Pero isa sa mga bagay na hanggang ngayon ay natutuwa pa din ako sa Jollibee ay hindi mawawala ang eksena ng isang bata masayang masaya kasama ang kanyang magulang o lola at lola na makikita mong natutuwa din sa kinakain nila. Kaya nga ngayon napapatanong ako “Anong meron sa Jollibee?”.
Napag-aralan naming sa isa sa mga kurso namin ang psychology, sinasabi dito na para sa mga bata ang mga maliliit na ligaya sa ating matatanda ay napakalaki napara sa kanila sapagkat yun lang ang alam nila at hindi pa nila nararanasan ang ibang aspeto ng buhay. Doon ko napagtanto na wala naman talagang espesyal sa mga fast food chain tulad ng Jollibee. Walang magic o secret ingredient, pawang ang pagiging simple ng bata ang siyang nagbibigay ng malaki kaligayahan sa mga munting bagay na ito.
Sa mundo nating matatanda kinakain ang ating mga oras ng trabaho, pamilya, kaibigan, buhay pag-ibig at marami pang-iba. Marahil kaya tayo naiingit sa mga bata ay sakanila naaalala natin ang masasaya at simpleng panahon ng ating buhay. Hindi man natin nais na tuluyang bumalik sa pagkabata gusto natin ulit madama ang kaligayahan na naidudulot ng mga munting bagay sa buhay. Kaya marahil marami sa atin ngayon ay nagkakaroon ng flashback habang kumakain sa mga fast food chain di’ dahil gusto natin o nasasarapan tayo dito kundi dahil nailalabas ng mga ito ang munting pagkabata na dala-dala natin sa pagtanda.
— Jason Catacutan // 9










