May mga tao sa paligid mo na tinatawag ang sarili nilang kaibigan. Pero kapag tinitingnan mo sa liwanag, parang ibang mundo ang kanilang tinitirhan. May ngiti, may tawanan, pero may tinik sa bawat salita at kilos. Ito ang mga klaseng kaibigan na mararanasan mo sa buhay, bawat isa may pangalan, bawat isa may bakas sa sugat mo
Maamong Gago
âAng galing mo pala kapag gusto mo.â Papuri lang sa anyo, pero may parinig na sermon. Babatiin ka habang dinudurog ng marahan. Lason sa anyo ng compliment. Hirap magpasalamat kapag ramdam mong insulto ang laman ng regalo.
Halimbawa: Umupo ka sa tabi niya sa kape. âAng galing mo pala kapag gusto mo,â sabi niya habang hinahawakan ang tasa mo. Ramdam mo ang init ng kape, at kasabay nito, yung malamig na pangungutya na nakasilid sa bawat salita.
Kupal
Lagi silang may kwento, reklamo, lungkot. Ikaw ang basurahan ng lahat ng hindi nila kayang saluhin. Pagkatapos, âthank you ha, gumaan pakiramdam ko.â Oo, kasi saâyo nila binuhos lahat. At pag ikaw naman ang pagod, tahimik silang nagla-log out.
Halimbawa: Nakarating ka sa kanila pagkatapos ng mahabang araw, at binuhos nila lahat ng drama nila. Kapag ikaw naman ang nanghingi ng oras, biglang busy, parang invisible ka sa screen.
Multo
Laging âwe should hang outâ pero kapag kailangan mo sila, biglang busy. Pag may drama, nawawala. Pero pag may beach photo ka, ayun, parang nagbalik sa mundo ng mga buhay. âCatch up tayo soon.â Soon. Yung salitang laging maganda pakinggan pero hindi dumarating.
Halimbawa: Nag-send ka ng text sa oras ng emergency, âTara, kailangan kita.â Read lang. Pero nung nag-post ka ng picture sa beach, bigla siyang nag-react, parang nagbabalik sa mundo ng mga buhay.
Barbero
Ayaw daw ng gulo pero laging may kwento. âI mean, ayoko mag-name drop, peroâŠâ Pagkatapos ng pero, sunog na reputasyon mo. Pag nagalit ka, sila pa ang mabait. âGrabe, di ko naman sinasadya.â Ganyan ang mga pyromaniac: takot sa apoy, pero lagi silang may posporo.
Halimbawa: Sa kwento sa inuman, nabanggit niya yung isang pagkakamali mo sa harap ng iba, habang tawa-tawa. Ramdam mo yung init ng usok sa paligid mo, kahit wala ka sa spotlight.
Palabati Pero Walang Alaala
âKamusta ka na?â Pero hindi nila kayang makinig sa sagot. Gusto lang nilang marinig ang boses nila sa ibabaw ng ingay mo. May mga tanong na hindi talaga gustong marinig ang totoo.
Halimbawa: âKamusta ka na?â tanong niya sa chat. Sagot mo: âAyos lang, medyo busy.â Wala man lang follow-up, agad na bumalik sa kanilang sariling kwento.
Tagapayo ng mga Pagdududa
âSure ka ba dâyan? Baka masaktan ka ulit.â Concern daw, pero sa tono, may halong âayan ka na namang tanga.â Marunong magpanggap na nag-aalala, pero sa totoo lang, natatakot lang silang maunahan mo gumaling.
Halimbawa: Habang nagdadalawang-isip ka sa bagong opportunity, kinakausap ka niya: âBaka masaktan ka ulit, wag ka muna.â Ramdam mo ang proteksyon, pero may patak ng pangungutya sa dulo.
Komedyante
Tahimik kapag kayong dalawa lang, pero pag may audience â boom. Biglang may spotlight, tapos ikaw ang punchline. Lahat tumatawa, ikaw lang ang tahimik. Pag nasaktan ka, âgrabe, joke lang.â Ang sakit daw maliit lang. Pero bakit parang laging sa parehong sugat tumatama?
Halimbawa: Sa party, nagkwento siya ng storya nyo niyo dati, pero binalot sa biro. Lahat natawa, ikaw lang ang tumahimik, ramdam mo ang init ng katahimikan mo sa gitna ng tawa.
Clone
Bigla na lang pareho kayo ng suot, ng caption, ng panaginip. Kala mo coincidence, pero parang ninanakawan ka ng pagkatao mo nang paunti-unti. Hindi dahil idol ka nila. Gusto lang nilang maging ikaw â kasi pag sila lang, wala silang laman.
Halimbawa: Nagpost ka ng mood board ng iyong visual style. Kinabukasan, pareho na rin ang aesthetic niya, parang sinasalo ang originality mo.
The KJâs
âCongrats!â pero may diin sa âsana all.â Sabay tawa na hindi umaabot sa mata. Hindi ka pa man natatapos magpasalamat, parang gusto ka na nilang mapagod. Hindi umaalis, naghihintay lang ng tamang oras para ipaalala na hindi ka dapat masyadong masaya.
Halimbawa: Na-promote ka sa trabaho. Pagbati niya: âCongrats, sana all.â Ramdam mo ang kaunting kirot sa tono, parang may kasamang kondisyon.
Mapagbilang
âNaalala mo noong tinulungan kita?â Araw-araw mong pinaaalala. Ang tulong na may resibo, hindi kabutihan â negosyo. At sa huli, ikaw pa ang utang na loob.
Halimbawa: Nagpadala ka ng report sa deadline niya, tapos kinakausap ka niya sa chat: âUy, remember nung ginawa mo yung report last week? Ang galing mo talaga⊠eh sana next time mas mabilis ka na rin.â Ramdam mo yung pasanin, parang may interest fee sa kabutihan mo.
Politiko
Ang kaibigan mo na parang politiko, nandyan lang kapag may kailangan. Tulad ng isang Politiko sa tuwing halalan.
Halimbawa: Nandiyan siya lang kapag may event na kailangan ang connection mo. Pag nakatulong ka, biglang friendly; kapag wala, di mo na siya maabutan.
Anino
Nawawala kapag madilim ang sitwasyon. Kapag kailangan mo sila, biglang nagiging busy, biglang di mo maabot.
Halimbawa: May emergency ka, nag-text ka sa kanya. Read lang, wala ring sagot. Kinabukasan, normal na ang usapan, parang wala lang nangyari.
Beterano
Palaging inuuna ang sarili at ginagamit ang buhay mo para ipakita ang sarili nila. Ang tagumpay mo, parang sahog sa kanilang palabas.
Halimbawa: Ibinahagi mo ang iyong bagong achievement. Agad niyang ikinuwento ang sarili niyang karanasan, at ikaw lang ang background sa kwento.
Makapili
Laging ikaw ang sisihin. Kapag may gulo, hindi sila nagrereklamo, hindi sila responsable. Ikaw ang target.
Halimbawa: Nagkaroon ng misunderstanding sa grupo. Lahat ng tanong at galit ay nakatuon saâyo, habang siya tahimik, walang kasalanan sa kanilang paningin.
Tsismosa
Kung may balita tungkol sa iba, sila ang unang kumukulong detalye. Siguradong pinag-uusapan din ang buhay mo sa likod mo.
Halimbawa: May nagkwento tungkol saâyo sa social media. Kinabukasan, siya ang unang nag-comment: âAlam mo ba, si Black?â Ramdam mo na may palihim na bintana sa likod mo.
Parasite
Laging humihingi ng oras, effort, at attention. Pero hindi nagbibigay pabalik. Relasyon nila parang utang na hindi mo binabayaran.
Halimbawa: Lagi siyang nagpapahiram ng oras mo sa problema niya. Kapag ikaw naman ang nanghingi, biglang may excuse, lagi kang nagiging secondary.
Negosyante
Mabuti lang kausap kapag may kapalit. Kapag wala kang maibigay, wala rin sila.
Halimbawa: Nag-offer ka ng tulong o resources, biglang super friendly. Kapag wala kang maibigay, nagiging distant.
Most Promising
Paulit-ulit na hindi tumutupad sa pangako. Hindi mo alam kung aasahan mo ba sila o hindi. Pagdating sa oras na kailangan mo, wala sila.
Halimbawa: âTara, tulungan mo ako sa project bukas ha?â sabi nila. Kinabukasan, wala. Text mo, di sinasagot. Tumawag ka, busy raw. Natutunan mo lang mag-adjust mag-isa.
Chameleon
Iba ang mukha sa harap ng iba. Hindi consistent ang asal. Hindi mo sila kilala, at hindi rin nila kilala ang sarili.
Halimbawa: Sa harap ng grupo, friendly at charming. Saâyo, may ibang tono, ibang approach. Kahit sino ang kasama, iba ang hitsura niya.
Dictator
Mahilig mang-utos. Ang pagiging kaibigan nila, parang checklist lang. Hindi mo ginawa ang gusto nila, nagiging malamig sila.
Halimbawa: Sinabi mo na may iba kang plano. Agad siyang nagpakita ng disappointment, para bang may violation ka sa kanilang sistema.
Loaner
Mahilig mangutang. Lagi kang pinagpapahiram at parang obligasyon mo ang magbigay. Kapag panahon na bayaran, biglang naglaho.
Halimbawa: Hiniram ang bagong libro mo. Sinabi na babalik niya agad. Pagkatapos ng linggo, wala pa rin. Tumawag ka, di na maabutan.
Syempre hindi lang ito natatapos sa bente-uno. Ikaw nalang ang magsabi kung sino ang sino. I-comment mo lang kung trip mo.
Minsan dahil naging kaibigan ka nila, mapapaisip ka at masasabing, âKilala ko yun, hindi naman siya ganun.â Tama naman, kilala mo siya. Pero baka kilala mo lang, pero kahit kailan hindi mo siya naging kabisado.
--///--
May kwento ako.
Basta sagot mo ang kape ko.
Click mo lang yung link.
â coff.ee/kwentoniblack
or Support me by
COMMENTING
REBLOGING
& LIKING