Hindi mo ako masisisi sa aking paglayo.
Hindi ko kayang ipilit ang sarili.
Hindi ko alam kung bakit and dating malalim at mahugot na pagtingin ay biglang naglaho na parang bula.
Hindi ko lubos maintindihan.
Hindi ako naging malungkot sa mga oras na kasama kita.
Pero bakit? Bakit biglaang nag-iba ang takbo ng tibok ng aking puso?
Hindi mo ito kasalanan. Sigurado ako.
Hindi ko lang mahanap ang sarili sa mga araw na nagdaan.
At hindi ko ito lubos maintindihan.
Kaya’t ako’y lalayo na lamang.
Ayaw kitang saktan pero mas masasaktan ako dahil masasaktan kita kung magtatagal pa ito.
Gusto kitang pakawalan na kahit alam kung ayaw mo pa.
Pero kailangan kitang iwan at layuan.
Pero bakasakaling mahanap ko ang mga sagot sa mga bagay na hindi ko maintindihan;
Tatanggapin mo kaya ako muli? Aantayin mo ba ako? O iintindihin mo na lang ang paglayo ko at patuloy kang mamumuhay?
29/11/2015 – Untitled Piece