Ikaw at ikaw pa rin talaga mahal kahit gaano pa katagal, Lumipas man ang mga araw na bigay ng Maykapal, Sa'yo pa rin ang pag-ibig na wagas mahal. Kahit malayo sa isa't isa, asahan mong walang halong pagdududa Ang ibibigay ko sa'yong tiwala na parang sa una nating pagkikita. Gwapo ka pa rin mahal. Ikaw pa rin pala yung dati kong nakilala. Ikaw pa rin pala yung taong tanging nagpapasaya sa puso ko. Ikaw pa rin pala yung nagpapakilig sa akin sa bawat araw na nagdaraan. Ikaw pa rin pala talaga ang babalikan. Ikaw pa rin pala yung taong nakasama ko habang inaalam ko kung saan ba talaga ako dapat na patungo. Ikaw pa rin pala yung taong ihahatid ako sa kung anong nararapat sa akin at sa kung anong talagang nagpapasaya sa'kin. Mas madaming taon pa ang kailangan nating gugulin ng magkalayo para na rin sa ikatitiyak ng ating mga puso. Hayaan muna nating maglakbay ang isa't isa mahal ko. Nang sa ganon ay mas madami pa tayong mga kwento sa araw ng muli nating pagkikita. "Tiwala" at "Tiyaga". Bukod sa pagmamahal, yan lang ang kakailanganin natin mahal ko. Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam. 😚















