Sa Aking Mga Kababata
written by: Dr. Jose Rizal
The poem Sa Aking Mga Kababata (or when translated in English, To My Fellow Youth), is written by a young Pepe (he was eight years old)
The poem's theme is about the love for one's native language.
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanlang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian, At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka’t ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y huwad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.
read the poem at the link below:
Sa Aking Mga Kababata. Tagalog poem written by Filipino national hero Jose Rizal when he was eight years old. Translated into English: 'To M


















