Reflection Part 2
Hindi ko alam kung quarterlife crisis 'to or parte lang ng buhay pero I feel lost. Other than spend time with family, parang wala nang meaning 'yung goals ko sa buhay na mag-ipon nang mag-ipon, mag-exercise, at mag-skincare.
Dati, wala naman akong pakialam kung tumanda akong mag-isa (at maging cat lady), pero nakakaramdam ako ngayon ng anxiety sa pagiging alone. Parang hindi na rin ganu'n ka-interesting sa 'kin mag-travel kasi andami ko nang napuntahang bundok, building, dagat... 'yung ibang pwedeng gawin o iexperience naman, napaka-"mahal" sa tingin ko.
I like it pag nalululong ako sa kakanood ng palabas na gusto ko, kakapakinig ng music na maganda, kakalaro ng larong masaya... wala akong time mag-ruminate kasi I'm focusing on something. But then, may katapusan din ang mga distraction.
Kuntento naman na ako kahit hindi lumayo o mag-travel kuno. 'Yung hinahanap ko lang talaga ngayon e warmth ng tao. Kung pupunta man sa malayo o saanman, ang nagpapasaya sa 'kin eh the fact na may shared memories kami ng family and friends. Dati, sabi ng roommate ko, naaamaze siya kasi kaya ko raw na "mag-isa". Kung gusto kong kumain, kakain ako. Kung gusto ko mag-shopping, edi pupunta ako at magshoshopping. Hindi raw ako naghahanap ng kasama. I didn't know na iha-haunt ako nyan later on—pagod na akong maging mapag-isa. Gusto ko ng kausap, gusto ko ng kasama.
Siguro kasi naka-survival mode ako dati at nakafocus lang sa specific short-term goals like pumasa sa exam, matapos 'yung requirements, mag-survive for the week. Tapos, lagi naman akong napapaligiran ng tao. Kahit hindi masyado mag-effort, may makakasalamuha ka sa school o sa ospital, may makakausap at makakausap ka. Mayroon dyang magyayaya na lumabas o kumain o pumunta sa kung saan.
Ngayon, wala na. Welcome to the world of adult friendships. Wala namang masama na malayo sila at may kanya-kanya nang buhay. Hanap na lang ng bagong mga makakasama at makakausap.
Pero siguro dati sanay ako na kung may gusto kang makuha, may magagawa ka para makuha 'yon. Gusto mong pumasa, edi mag-aral ka. Gusto mong maging fit, edi mag-exercise ka. Ngayon lang nagsisink in sa akin na hindi talaga lahat kaya mong aksyunan. Hindi sa lahat ng oras may magagawa ka para makuha 'yung gusto mo. Not to say na walang sense kumilos or mag-try, pero even your best can only get you so far, minsan.
Siguro, ngayon, nagsisink in sa akin na mali ako sa mga panghuhusga ko sa iba at sa sarili ko. Naiinis ako kapag parang ipinaparating ng iba na things come easy sa akin, samantalang sa isip ko, kung alam mo lang, anong mga rejection, sakit, pagod ang tiniis ko para marating 'yung narating ko. Pero in the end, I'm tired. Like, bakit ko ba 'to ginagawa? What am I trying so hard for?











