Unang-una sa lahat h'wag mo na itong basahin kung hindi ka interesado sa bayang sinilangan mo.
Minsan napapaisip ako. Ano kaya sa hinaharap ang kahihinatnan ng bansang to? Ano kayang posibleng manyari sa bayang kinamulatan ko kung hindi pa magbabago ang bulok na sistema ng gobyernong to? Saglit, hindi naman purong gobyerno ang may kasalanan sa lahat ng ito. Hindi natin maaring ipasan sa balikat ng gpbyerno ang lahat ng kalunoslunos na nangyayari ngayon. Alalahanin natin, mamamayang pilipino tayo. Bata ka man o matanda, may kapiranggot ka ring sala sa bayang ito.
Kung lilipas ang sampung taon na ganito ng ganito tayo, mapa-gobyerno man o simpleng mamamayan, ano sa tingin mo ang mangyayari dito sa bayan na ito? Ano kaya ang kahihinatnan ng lahat ng ipinaglaban ng mga bayani sa nakaraan? Hindi naman natin sila maaring buhaying muli at utusang ulitin ang kanilang ginawa. Napaka-imposible non at hindi na natin iyon kailangang gawin, anong ginagawa natin rito? Anong ginagawa ng kabataan? Anong silbi ng utak natin kung sa mga subjects lang natin papaganahin?
Sampung taon. Mahaba na kung tutuusin. Isang mahabang panahon upang baguhin at iahon ang papalubog na sistema ng bayang ito. Ang sama lang kasi isiping kung walang gagawin ang mamamamayan at gobyerno ngayon, malamang sampung taon mula ngayon, ang bayang ito'y lalamunin na ng utang, ng kahirapan, ng kasugapaan, ng mga bagay na wala namang kabuluhan.
Sana kahit isang gobyerno makabasa nito, (Nangangarap ako.) Yung mga binubulsa ninyong pera mula sa kaban ng mamamayan, malaking pera na iyon upang ipang tustos o ipanghulog sa mga utang natin s aibang nasyon. Kahit isang elitista, h'wag kang puna ng puna, tao ka baka nalilimutan mo. O kahit isang simpleng tao na makabasa nito, salamat kung binabasa mo ito, sana mamulat kahit papaano yang mga mata mong naniningkit na dahil sa puyat sa walang katapusang araw/gabing pagbababad mo sa internet.
Natatakot akong datnan pa nang magiging anak at apo ang ganitong sistema ng pamamahala. Sabihin mo nang masyado pa akong bata upang mag-isip ng ganito, pero harapin na natin ang katotohanan. Mabilis lang lilipas ang panahon. Ayokong abutan pa ng magiging anak ko ang hindi matatawarang kagaguhang to. Ayokong madatnan nya pa itong kahirapang ito. Ikaw? Nanaisin mo bang maabutan pa ito ng magiging anak mo? Nanaisin mo ba pang puro kagahamanan ang maabutan ng anak mo? Kagahamanang umiiral sa bayang ito?
Ngayon lang ako ng post ng ganito sa rito. Hindi ko ito pinost upang magpapansin. Buong puso't isip ko itong ginawa. Mapapel ako sabi nong anon, mapapel bang matatawag to? Mapapel bang matatawag ang isang kabataang humiling ng pagbabago s agobyerno gayon na rin sa mamamayan ng bayang ito? Mapapel na bang matatawag ang isang tulad kong simpleng kabataang dilat ng mata sa kamalian ng lipunan?
Imulat naman natin ang mga mata nating pikit pa hanggang ngayon. H'wag kayong makuntento s akung anong mayroon kayo sa ngayon, dahil maaring mawala yan sa kinabukasan. Kung pipilosopohin mo ako, wala akong pakielam.