Mula sa distansya
Natanaw ka mula sa malayo.
Umiindayog sa musika
Sumusuyo sa ating mga tenga
Mga saliw ng pag-ibig
Ng pag-asa.
Ang makita kang masaya.
Mula sa distansya.
Hindi ka man kasama.
Sapat nang mata'y magtama.
Upang ipaalala ang ligaya
Ng mga pinagsaluhan laya
Na hindi na maaalis pa
At ang pait ay huhupa.
Mula sa distansya.
Iibigin ka. Yan ang aking pasya.
Nakataas ang mga kamay.
Sa mga munti mong tagumpay
Ako'y magpupunyagi
Matutuwa sa yong pagwawagi.
Mula sa distansya.
Mamahalin ka ng buong puso.
Ng walang pagdududa.
Mula sa ligtas na distansya.










