Tama na Siguro
May mga oras na mawawalan ka ng gana gumawa ng kahit na ano.. Hindi ko alam kung anong mali sakin, O maaring alam ko pero nakakapagod nang harapin. Sapagkat halos parang paulit-ulit ang tadhana. Nakakapagod nang sumabay sa agos ng mundong ito. Nakakawalang gana ang mga tagpong laging nagtatapos na masasaktan ka, At muling iipunin mo ang lakas ng loob na magparaya. Kahit gaano kabigat, ay wala kang ibang magagawa Kundi ang tanggapin na kailangan mo nang bumitaw at umasang muling Patutulugin ang damdaming uhaw, sa aruga at pagkalinga, Mula sa taong akala mo’y bubuo ng araw mo hanggang sa dulo, Na sasamahan ka sa hirap at ginhawa. Ngunit tama na nga siguro, Ang pag-asa mula sa mga taong kahit gustong-gusto mo, Ay hindi naman para sa’yo. Sapagkat sa huli ay lalo lamang masasaktan, Kapag nasilayan na siya’y masaya na sa piling ng iba, Na kailan ma’y ikaw ay hindi na magiging sapat para sa kanya. Tama na nga siguro. Pipilitin nalang pigilan ang damdaming pangalan mo ang laging ibinibigkas. Sapagkat sa totoo lang eh wala naman akong magagawa. Kaysa patuloy na umasa ay hahayaan ka na lamang. Pero sana ay hayaan mo rin akong patuloy na magmahal sayo Kahit mula sa malayo, Dahil pangako, mapapagod rin ang puso ko. Hindi man ngayon, o bukas, ay baka hindi rin sa susunod pang mga araw. Pero naniniwala akong balang araw, Ay matatapos rin ang damdamin ko para sa’yo, At doon ko tuluyang masasabi na masaya na ako Sa kung anong meron tayo noon At masaya na ako kahit na hindi na ako Ang dahilan ng bawat pagngiti at pagtawa mo. - ME














