Ang hirap talagang pigilan o i-wala ang nararamdaman mo para sa isang tao. Kahit anong iwas ang gawin, isang masayang araw lang na kasama siya, wala na lahat nung pinaghirapan mong pag-iwas. Ang totoo kasi, iniisip mo lang na wala na. Pero ang totoo, hindi naman talaga nawala. nandyan lang yung nararamdaman mo all along. Nakakafrustrate no? Lumalabas yung pagka-marupok ng puso eh. Sabi ng isip, itigil na, masasaktan lang. Pero napakapasaway ng puso. Hanggang sa aakalain mong wala na kasi hindi na masakit pero ang totoo, nasanay na lang ang puso mo.











