I’m gradually reaching my first year here in college. Sobrang bilis ng pangyayari, parang kanina lang pumipila rin ako para sa pagkuha ng NOA sa OSAS. Very memorable every moment since the start at alam ko mas makakagawa pa ako ng mas maraming memorable moments sa loob ng susunod pang tatlong taon.
At first, to be honest, I regret choosing Cavite State University. Because of its distance to my beloved hometown; siyempre ayokong mapalayo sa family, friends and jowa ko. At that point, when my mom suggested CvSU, I was literally planning what to do and what excuse should I make to escape taking an entrance exam here. Pinagpaplanuhan ko talaga at nag-iisip ako ng alternatibong unibersidad pero wala eh, dinala talaga ako ng mga paa ko sa CvSU.
Life here is very stressful. The first semester was nearly okay. The second? Sobrang nakakadrain, first few weeks palang. Burned out, grabe.
Halos dalawang linggo ako nagsstay sa dorm, mag-isa, kasi umalis na ‘yung dormmates ko, muntik ng mapaalis at mapalipat sa ibang room, ilang beses nang umiyak at naging thankful dahil mag-isa sa kwarto. Burned out talaga to the point na kaharap ko ‘yung laptop at assignments, notebooks at handouts ko tapos umiiyak ako at naka-videocall sa jowa kong very supportive.
Grabe para ‘tong graduation speech.
Very supportive ni Gelli pagdating sa pag-aaral ko. He pushes me to do good. Kahit sobrang hirap ng sitwasyon naming dalawa, hindi siya sumusuko. He never did. Gusto niya, palagi akong nag-aaral. He motivates me to work harder kasi alam namin parehas that it will benefit not only our future selves pero pati narin ang family namin na parehas naming gusto tulungan.
I am really inspired to do better sa studies ko lalo na pag siya ‘yung nag-aadvice sa’kin ng dapat kong gawin pag nagpapanic na ‘yung utak ko. Hindi niya siguro maramdaman pero sobrang nagpapasalamat ako sakaniya sa lahat ng naitulong niya kapag pagod na ako pero may kailangan akong itype na assignment. Siya gumagawa no’n. Kahit minsan, may sarili siyang assignment, tinutulungan niya ako ‘pag alam niyang nahihirapan na ako.
He’s a great man and I can’t bear seeing him walk away from me. Not anymore, please. Kaya kung aagawin niyo siya sakin, try me bitch. Try us. You’ll regret.
But sometimes, I feel so sad. For the both of us. Lalo na sa kaniya. One time, sabi niya sa’kin parang trauma na raw ang pagkikita namin dahil halos lima hanggang anim na oras lang kami magkikita sa loob ng isang linggo. Minsan, sa loob ng dalawang linggo pa ‘yun. Palagi kong nararamdaman ‘yung lungkot niya sa tuwing sasakay na ako ng jeep pauwi sa Pagsanjan pagkatapos naming manood ng sine at kumain sa labas.
Gusto ko siyang yakapin pero nasa terminal kami ng jeep eh, madaming tao at may nagtitinda ng prutas sa likod namin. Haha!
Pero minsan, may mga quick hugs kami sa terminal na ‘yon. Mga 3 seconds, pero pinalalagpas niya ng 6, o 7 seconds. Kahit gusto ko na umalis sa yakap dahil sa tingin ng mga tao, pumipikit lang si Gelli, at doon ko nararamdaman na mahal niya ako; na kahit nahihirapan na siya, nananatili at nangangakong mananatili siya para sa’ming dalawa.
Palagi kong sinasabi at inaassure sa kaniya na magiging okay rin ang lahat, sa takdang panahon,sabi nga nila.
“It will all be worth the wait, I promise.”
‘Yon ang palagi kong sinasabi sa kaniya at thankful ako kay Lord dahil shinashape niya si Gelli sa man na gusto niyang maging. Understanding, caring, respectful at supportive. Hindi ko kinakaya ang overflowing love and support niya sa pagtahak ko sa career na alam namin parehas kung anong consequence: TIME.
Alam namin, ng family ko, ni Gelli, na kapag naging isang ganap na doktor na ako, mawawalan ako ng time para sakanila. Maibubuhos ko ang buhay ko sa pagiging doktor. Pero gagawa at gagawa ako ng paraan para maibigay pa rin ang sarili ko sa kanila.
Hindi ako pinabayaan ng parents ko habang lumalaki ako at unti-unti silang tumatanda, kaya kailangan kong ibalik ang lahat nang iyon. Gustong gusto ko silang alagaan at sabihin na mahal na mahal ko sila; na para sakanila ang pag-abot ko sa pangarap ko.
At kay Gelli naman, alam kong maiintindihan niyang ang lahat ng ginagawa naming dalawa ngayon, na magkahiwalay, ay magiging kapakipakinabang hanggang sa dulo. Tama ang Daddy ko, kung kami talaga ni Gelli, kami talaga.
Hindi ko na makita ang sarili ko na may kasamang iba bukod sa kaniya.