GGWP
Akala ko nung una, tayo hanggang dulo Pero simula lang pala, eto tayo ngayon, talo. Nauwi sa hiwalayan dahil magkaiba ang plano, Sa tinagal-tagal ng panahon, bakit ngayon lang napagtanto?
Gusto mo sa ibang bansa, handa akong sumama. Basta ang gusto ko tayong dalawa ang magkasama. Pero tila ba sa plano mo, gusto mo mag-isa ka lang Gagawin ang lahat maski ako kayang iwanan. Pinalipas ko muna ang ilang buwan, bago muling pinag-usapan. Nagba-baka sakaling nagbao na at maibabaik ang samahan. Pero ako’y bigo dahil buo na ang iyong desisyon Mag-isang aabutin ang pangarap kahit abutin pa ng ilang taon. Ako’y nanghihinayang lang sa mga taong nakalipas. Bumuo tayo ng plano noong una, pero di ka naging patas. Sinikap na maging tapat, sinikap na maging karapat-dapat Pero binalewala mo lang, kaya salamat na lang sa lahat.


















