Ang clash of clans ay isang online multiplayer game na kung saan ang mga naglalaro nito ay gagawa ng kanilang sariling âbaseâ, sasanayin ang kanilang mga hukbo at aatake ng iba pang mga manlalaro para kumita ng mga ginto, elixir, at dark elixir na ginagamit para magpatayo ng mga pandepensang gusali, pangsanay ng mga hukbo, at pang upgrade ng iyong mga hukbo. Ang larong itong ay may labing anim na hukbo na sinasanay sa barracks at dalawang heroes. Ang barracks ay isang gusali na kung saan doon mo isinasanay ang iyong mga hukbo. Sa elixir troops mayroong sampung hukbo. Ito ay ang mga barbarian, archer, giant, goblin, wall breaker, balloon, wizard, healer, dragon, at P.E.K.K.A.. Sa dark elixir troops naman ay may anim na hukbo pa lamang. Ito ay ang mga minion, hog, valkyrie, golem, witch, at lava hound. Sa lahat ng hukbo ang healer lamang ang hindi marunong umatake, ang lava hound ang may pinakamalaking hitpoints at ang P.E.K.K.A. ang may pinakamalaking pinsalang magagawa. Barbarian King at Archer Queen ang tawag sa dalawang hero. Sila ay malalaki (mas malaki pa sa lahat ng hukbo), at malalakas.Ang dalawang hero lamang ang mayroong pambihirang abilidad.Mayroon din itong clan war na kung saan naglalaban ang dalawang clan. War base ang tawag sa base nila na ginagamit kapag war. Sa clan war dito madalas lumalabas ang mga magkakaibang attack strategy halimbawa nito ay ang gowipe (golem, wizard, P.E.K.K.A.), gowiwi (golem, wizard, witch), lavalloonion (lava hound, balloon, minion), at marami pang iba. Ang clash of clans ay mayroon ding league kung tawagin nila. Ang pinakamataas ay legend at ang pinakamababa ay ang bronze league para sa mga bagohan. Mayroon din silang animation. Ang pinakasikat nila na animation ay ginampanan ng isang sikat na aktor sa palabas na taken na si Liam John Neeson. Ang clash of clans ay isang magandang laro. Ito ay magandang pang aliw sa mga kabataan at pampalipas oras naman sa mga matatanda. Ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa mga kabataan at matatanda dahil maari kang makipag usap sa iba pang mga manlalaro sa pamamagitan ng global chat o clan chat. Sa clan chat lahat ng mga kakampi mo ay maaring makakita ng inyong pinag uusapan at sa global chat limitadong manlalaro lamang ang iyong pwedeng makausap. Sabi nila may namatay na tao na dahil umano sa clash of clans. Siya ay naglalaro habang naglalakad at nasagasaan. Sa facebook din ay may nagsasabing gawa daw ng demonyo ang larong ito. Pero kahit ano pa ang kanilang sabihin ang clash of clans ay isang magandang laro na maari tayong malibang. At lagi lang nating tatandaan na huwag nating kalimutan ang ating mga responsibilidad bilang isang estudyante at isang miyembro ng pamilya.