Buhay Pamilya
Ako ay isang bata na malayo sa totoong ama . Hindi lumaki sa totoong ama at hindi ito nakapiling . Ako ay lubos nalulungkot sapagkat hindi ako lumaki sa kaniyang piling . Pero ako ay lubos na nagpapasalamat sa pagkat marahil hindi ko man nakapiling ang aking tunay na ama , may pumalit naman sa kanya . Nagpapasalamat ako sa panginoong diyos sapagkat may taong nag aalaga sa akin at nagmamahal ng tunay . Hindi ko man sya totoong ama, itinuring ko sya na tunay na ama sapagkat sa kanyang lubos na ipinakita sa akin ng pag aalaga na minsay aking hinahangad na gawin ng aking tunay na ama . Habang ako ay lumaki sa piling ng aking itinuring na ama , ako ay naging masaya hindi ako magsisisi ni kailan man dahil akoy lubos nagpapasalamat at akoy ginantimpalaan ng taong itinuring kung ama na kailan may hindi ako sinaktan, minalitrato man lang. Hindi ko ipagpapalit ni kanino man ang itinuring kung tunay na ama dahil halos nang mga katulad ko na mayroong ibang ama o hindi tunay na ama , ay sinaktan, ginahasa at minsan ay pinapatay pa . Ako ay taas noong pinagmamalaki ang aking itinuring na tunay na ama at pinapangakong hindi ko kailan man ipagpapalit sa iba . Naging mahirap ang aking sitwasyon noong may ibang lalaki ang aking ina . Naging masakit sa aking kalooban sapagkat ikinaya niyang iwan at ipagpalit sa iba ang aking itinuring na ama . Inisip ko na bakit nya ipinag palit sa 13 years silang magkasama ng aking tinuring na ama sa 1 month na lalaking kanyang pinalit . Naging masakit at nakaapekto ito sa akin ng malaki dahil alam ko ang lahat-lahat na mga kalokohang ipinanggagawa ng aking ina . Nong oras na tumatawag at naghahanap ang aking tinuring na ama , ako ay nagsinungaling . Tinakpan ko lahaūt ng mga kalokohan na pinanggagawa ng aking ina . Ako ay naging bulag sa lahat ng aking pinangagawa . Naging sunodsunuran ako ng aking ina . Hindi ko manlang naisip lahat ng mga mabuting ginawa ng aking itinuring na ama . Ako ay lubos nagsisisi sa aking mga ginawa . Malipas na ilang araw , kahit masakit sa akin at kahit alam kong magagalit ang aking ina , ginawa ko ang tama . Sinabi ko lahat- lahat sa aking itinuring kung ama ang mga kalokohang ipinanggagawa ng aking ina kahit na alam ko na itoy maaaring ikinahihiwalay nila . Masakit pero aking tiniis sapagkat ayaw kong magmukhang tanga ang itinuring kong ama . Dahil alam kong dapat nyang malaman lahat ng yun . Humingi ako ng pasensya sapagkat hindi ko agad sinabi lahat- lahat . Umasa akong magagalit ang aking itinuring na ama sapagkat akoy nagsinungaling sa kanya. Pero ako nabigo . Hindi sya nagalit . Siya ay nagpasalamat dahil sinabi ko ang totoo kahit itoy huli na . At alam kong nasasaktan sya pero kinaya nya . Sinabi ko sa kanya na may pag asa pang maibalik ang dati . Lumipas ang ilang buwan ay pasukan na namin naging mahirap sa akin ang sitwasyong malayo sa aking pamilya . Nag usap kami ng aking ina . Sinabihan ko sya na umuwi na sya at bumalik kay papa pero sinabihan nya ako na wala na syang pagmamahal nito . Masakit isipin pero aking linihim sapagkat hindi ko kayang labanin ang aking ina . Sinabihan ko lang na dapat hindi nya iyon ginawa pero pinagpatuloy nya parin iyon . Sinabi ni papa na naramdaman nyang wala nang pagmamahal kay mama sa kanya kaya pinabayaan nya ito . Kahit na alam niyang hindi dapat yun gawin ginawa nya . Nong oras na sinira ako ni mama kay papa , wala kaming komunikasyon ni papa dahil wala ako celphone no. Niya . Humingi ako kay mama pero hindi nya ako binigyan . Umiyak ako at nawalan ako ng pag asa dahil alam kong kapag hindi na nila ako papaaralin , wala ng pag asa na akoy mag aral . Gumawa ako ng paraan upang mateks ko o makausap ko ang aking tinuring na ama . At akoy nagwagi . Nalaman ko at nakausap ko siya . Akala ko hindi na niya ako papansinin . Pero mali pala . Nag usap kami at sinabihan nya ako na kahit hindi na ako sinususuportahan ng aking ina , nandyan parin sya at handa niya akong tulungan at bigyan kahit anong aking kailangan . Kahit na alam niyang ikakagalit ito ng aking ina ay ginawa niya parin . At kahit sinabihan na sya ng aking ina na kung bakitBakit pa nya ako tutulungan eh hindi naman daw niya ako totoong anak . Pero hindi pinansin ni papa sinabihan nya lang ako na mag aral ng mabuti para masuklian ko ang lahat ng kanyang mabuting pinanggagawa sa akin . Simula noon , mas magpupursige akong mag aaral at gagawin ko ang aking makakaya para makapagtapos ng pag aaral at masuklian ang lahat na pinanggagawa ni papa . Gagawin ko ang paraan upang mabalik ang aming pamilya at mabuo . Dahil alam kong itoy pagsubok lamang at kasali ito sa buhay pamilya












