Korona
Ang simpleng babae ay maaaring maging prinsesa, hindi na kailangan ng prinsipe o korona, ang magandang buhok ay saktong sakto na! Upang kilalanin kang prinsesa. Lahat ng mga babae ay naghahangad ng magandang buhok, kaya sila'y laging naglalaan ng pera para dito. Ito kasi ay nagdadagdag sa kanila ng self confidence at kagandahan. Nararapat lamang na paglaanan ito ng budget at oras. Ang magandang buhok ay isa ring senyales sa iyong overall health at mga habits. Pagdating sa magandang buhok, hindi lamang ang shampoo o mga produkto ang nagpapabuti nito, kundi ikaw! Ito ay iilan sa mga Hair tips na kailangang malaman ng bawat babae:
1. Huwag suklayin ang basang buhok dahil maaring magdulot ng hair fall/hair breakage.
2. Ugaliin ang pag inom ng tubig sapagkat nakakatulong ito sa pagpapalusog ng iyong buhok.
3. Huwag abusohin ang buhok. Iwasan ang pagpapakulay, bleach at mga hair treatments.
4. Iwasan ang pagtali ng napakahigpit at napakataas.
5. Para maiwasan ang split ends, ugaliing i trim ang buhok every 6-8 weeks.
Alagaan ang iyong buhok, alagaan ang iyong korona💕
Reblog plss. and I’ll do the same💕💕
LAST HANGYO PAKI LIKE UG REBLOG. I’LL DO THE SAME












