Ako lang
at ang kalungkutang
pilit na binabalot
ang isipan at
unti-unting kumakain
sa bawat hibla
ng aking katinuan.
-The Idiosyncratic
All rights reserved.
Copyright 2019.
art blog(derogatory)
Claire Keane

gracie abrams

Origami Around

Discoholic 🪩
The Stonewall Inn
EXPECTATIONS
Game of Thrones Daily
Sade Olutola
One Nice Bug Per Day
Monterey Bay Aquarium
hello vonnie

YOU ARE THE REASON
official daine visual archive
RMH

Jar Jar Binks Fan Club
seen from France
seen from United Kingdom

seen from Canada
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from India

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Brazil

seen from United States
seen from China
seen from Brazil
seen from Egypt
@idiosinkratiko
Ako lang
at ang kalungkutang
pilit na binabalot
ang isipan at
unti-unting kumakain
sa bawat hibla
ng aking katinuan.
-The Idiosyncratic
All rights reserved.
Copyright 2019.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Alak at Ikaw
Sa bawat pagkakataon na tayo ay magkasama, magkaharap, magkausap ng tulad nito, walang pinagkaiba sa tuwing nag-iinuman tayo.
Yung tagpo nating maayos at masaya sa simula ng umaga na nauuwi sa away pagsapit ng gabi. O yung malungkot na humahantong sa mas lalong malungkot, yung tipong iiyak at maglulupasay. At maghihiwalay.
Maghihiwalay ng kulang at nakatunganga. Minsan nama'y pagod pero umuuwing nakatawa.
Baliw bawat eksena.
Para ka din kasing alak.
Kelangan timplahin ng maayos para swak. Pag nasobrahan, matapang. Pag napadami ng yelo, malamig at matabang. Pag sagana sa chaser, matamis. Kaya kelangan tama ang halo, pramis.
May tagpo kang maalaga, iniaabot mo pa sakin ang baso. Meron din malambing, kapag inilalapit mo ang pulutan, at kapag nanghingi ako ng kwento, agad mong pinagbibigyan. Gusto ko yung mga tagpong nakasandal ka sa balikat ko, habang nakikinig sa banda. Pati yung pumapayag ka na hawakan ko ang kamay mo sa ilalim ng lamesa.
May tagpo kang ding puro pagdududa, na para bang dinadaya ko ang tagay mo. Badtrip yung tagpong di ka kikibo. At pag di ka pinansin, daig mo pa ang lango. May amats ka, may amats din ako pero parang kasalanan ko ang kalasingan nating pareho.
Pero sabi nga ni Chito, "Tama na yan, inuman na." Hayaan na lang nating hugasan ng alak ang bawat bahid ng masasakit na salitang binitiwan, sumugat, tumatak at siguradong mag pepeklat.
Lalanguyin natin ang gabi sa isang dosenang bote ng alak.
At alam ko na kahit gaano ako kalasing pag natapos na, pag gising ko bukas, sigurado akong mahal pa din kita.
-The Idiosyncratic Copyright 2018 All rights reserved
Shooting Star
You sneaked in the middle of a dark and sorrowful night, when clouds of pain and doubts loom my sky. Like a phantom of light, a shooting star that brought a thousand degree fire. You drove all the shadows on my wall away, along with the monsters that are under my bed. You are the shooting star of hope. Of faith. Of love. Of love. That carried me through every moonless night. That keeps me going. But all stars fade. And you left me in the middle of a dark and sorrowful night, when clouds of pain and doubts loom my sky. And I have to live with the shadows on my wall and the monsters under my bed, in pain and sadness. -The Idiosyncratic All rights reserved. Copyright 2018
Isinulat Kita
Isinulat kita. Isinulat ko ang pagmamahal ko sayo. Isinulat kita sa paraang tanging ako lang ang nakaka-alam. Isinulat ko ang tagpo kung saan, kailan, at paano tayo unang nagkakilala. Inilarawan kita sa pamamagitan ng mga pang-uring ako lang ang makaka-angkin.
Dahil makasarili ako.
Isinulat kita dahil gusto kong sa akin ka.
Isinulat ko ang lahat ng mga pangyayaring kasama kita. Ang bawat araw, bawat oras, bawat minuto, at maging ang pinaka-maliliit na mga segundo. Isinulat ko ang lahat gamit ang tinta na hindi nabubura.
Isinulat ko ang bawat saya. Ang bawat tawa. Ang bawat pintig ng puso kasabay ang bawat kumpas ng orasan. Kasabay ang pag-ikot ng mundo sa araw. Kasabay ng pag-ikot ng mundo ko sa iyo.
Isinulat ko ang bawat lungkot.
Ang bawat lungkot.
Ang bawat luha. Isinulat ko din ang bawat luha. At ang makailang ulit kong pagkakamatay sa mga panahong hindi kita kasama. At isinulat ko ang lungkot na dulot ng pagkakagunaw ng mundo dahil sa katotohanang hindi pala kita maaaring makasama.
Dahil makasarili ako.
Isinusulat ang pagmamahal sa isang bago at malinis na papel. Doon dapat nagsisimula ang lahat.
Hindi ka pwedeng maging akin.
Dahil isinulat kita sa isang papel na marami nang nakasulat. Sa papel na luma at madumi. Isunulat kita sa maling papel. Sa maling oras. Sa maling lugar.
Isa kang sining na hindi nararapat sa maduming papel. Isa kang sining na nakatakdang mailagay sa pinka-malinis at pinaka-magandang papel.
Hindi ka nararapat sa kung ano lang ang mayroon ako.
Ngayon, paano kita mabubura? Paano ko buburahin ang pangalan mo sa lumang papel na hawak ko? Nandoon ka na. Naka-tatak gamit ang tintang hindi na mabubura.
Hindi ko mabura. Putang ina.
Ititigil ko na ang isulat ka.
Hanggang sa magkaroon ako ng bago at malinis na papel kung saan pwedeng tanging ikaw lang ang nakasulat.
-The Idiosyncratic
Copyright 2017
All rights reserved.
Minsan Naglinis Ako Ng Bahay
Naiwan akong kasama ang nalalabing amoy ng iyong pabango.
Natapos na.
Kailangan ko nang ipunin ang mga alaala mong nakatatak pa hindi lamang sa loob ng bahay kung hindi pati na rin sa loob ng aking isipan. Sa loob ng aking dibdib. Sa loob ng aking pantalon. Iipunin ko ang lahat ng iyong mga alaala.
At ilalagay sa isang supot.
Kasama ang mga damit mong naiwan kagabi. Kasama ang iyong sipilyo. Kasama ang mga salitang sinabi mo, na pinaniwalaan ko sa kabuuan ng panahon na inakala ko.
Itatapon ko na din ang mga litrato natin. At ang mga litrato mo. Hindi ko alam kung bakit kinailangan ko pa ang mga ito, gayong nakatatak sa pagkatao ko ang bawat hugis mo. Ang mga ngiti mo. Ang mga mata mo. Ang mga yakap at haplos mo. Ang mga katawan nating magkadikit. Ang mga gabi.
Itatapon ko na ang mga gabing nagsilbing daan upang maniwala ako. Maniwala ako na darating ang panahon na tayo ang magkakasama sa lahat ng mga nalalabi pang gabi.
Itatapon ko na ang mga naiwan mong gamit. Wawalisin ko ang mga hibla ng buhok mong naiwan sa sahig. Lilinisin kong mabuti ang bahay. Lilinisin ko ang bahay hanggang sa tuluyang mawala ang alingawngaw ng mga tawa nating dalawa. Lilinisin ko ang bahay sa pamamagitan ng mga luhang hindi na yata titigil pa. Huhugasan ko ang pangalan mong naka-mantsa sa kahit saan ako tumingin. Lilinisin ko ang bahay at wawalisin ang agiw ng mga pangarap na hinabi ko para sa ating dalawa.
Bubuksan ko na din ang mga bintana. Papalayain ko na ang lahat ng pagmamahal na ipinunla ko sa puso ko para sa iyo. Papalayain na kita. Bibitaw na ako. At hahayaan ko nang tangayin ng hangin ang nalalabing amoy ng iyong pabango.
-The Idiosyncratic Copyright 2016 All rights reserved.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Ang tuntunin ng makata ay hindi ang tumalima sa agos ng tadhana,
bagkus ay ang sumalubong sa nag-a-alburotong hampas ng daluyong.
-The Idiosyncratic Copyright 2011 All rights reserved.
Dexter Nights
You are the pillow at my nightbed. Pillows actually. And blankets. Those we share. Yes, we share. We share nights together, thousands of them. Aye, thousands. Just like them stars. Them stars that lit our endless skies.
We wonder how the sky can be endless, we’ve been there countless times back and forth. Back and forth. Back and forth. We have touched it. Endless. Yet we did. And the moon I always aim at. We’ve been there. To the moon and back.
I have always been torn. Between you and the moon. And I always choose the stars. That are your eyes. and I always ended up. Up in the milky way. Lost to infinity. To infinity and beyond. Immeasurable, the Intergalactic nights. But you have always been the pillow at my nightbed.
-The Idiosyncratic Copyright 2016 All rights reserved.
At tangan ng isang daan at dalawampu't isang bagwis ang bawat hibla ng aking kaluluwa.Â
Patungo sa mga bathalang humabi sa tadhanang nag-ugnay sa puso nating dalawa.
-The Idiosyncratic Copyright 2015 All rights reserved.
Sabado de Glorya
Binabaran ng ulap ang namamagang langit ng dapit-hapon. Nagpipigil sa muling pag-iyak o tila pagod na sa walang sawang pagdaloy ng luha. Bukas ang itinakda mong pagbalik. Babantayan ko ang bawat kumpas ng segundo, gaya ng ginagawa ko sa loob ng dalawang taon. Sapagkat nais kong ako ang una mong matanaw. Habambuhay ang katumbas ng iyong paglisan, at kasama sa aking mga dasal ang hindi mo paglimot sa isang abang naghihintay. Binago ka ba ng distansya? Binago ka ba ng panahon? Sana'y hindi. At kung magka-ganun man, nais kong ako pa rin ang unang sumalubong sa bagong ikaw. Kinakain na ng dilim ang mga ulap. Pinapapak na ng mga lamok ang aking mga binti. Di ko naman iyon alintana. Sapagkat bukas, mapapawi na ang mga ulap at tuluyang tatahan ang langit. **Tula ng isang inang naghihintay sa paguwi ng nawalay na anak. -The Idiosyncratic Hango sa "Kuwaresma" Copyright 2012. All rights reserved.
Kalbaryo
Sagad sa buto ang lamig ng hamog na pilit nakikipag-tagisan sa mga lamok na dumadaan sa awang ng ubaning bubungan. Kalong ang uhuging kakarampot sa buwang ika-pito, umuunga at pilit inaarok ang utong na mas tuyot pa sa tigang na lalamunan. Labag na inaaruga ang supling na maka-ilang ulit ding tinangkang ihulog at pabitawin sa pagka-kapit sa loob ng sinapupunan. Nakatingala't nakanganga na tila umaantabay sa napipintong pagkalaglag ng ulam mula sa kisameng tadtad ng timpladong kalawang. Minamasdan ang pila ng mga antik na nag-uunahan sa tuktok ng pedestal at mistulang naunawaan ang bigat na wari'y kanilang pinapasan. Inararo ng luha ang tigyawating pisngi habang ginugunita ang mga laswa't palamarang iniukit sa batong lubog sa kamunduhan. Pautal na binigkas, Ako'y nauuhaw. -The Idosyncratic Hango sa "Kuwaresma" Copyright 2012. All rights reserved.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Dreamcatcher
Last night, I saw us you and I in the middle of a feast. A feast for the year of the green pumpkins, along with the gathering crowd of purple-bearded squatting mandarins. In the air are the smell of daisies and lavanders and of chuckling salmons and fins, singing in the grill. And we ran to the riverbed, lighted a candle for each and floated with it flowing with the stream that led us to the ocean. At first I thought it was the Pacific but with an Atlantic twist. We back-rode the giant crab who can outswim any beast. It brought us to the cliff overlooking the moon. And the lanterns started flying and swaying with a tune and you grabbed one and it took you to the pack of Aztec maroons. I thought I lost you then but the dreamcatcher caught you, and I woke up with you under the cover. -The Idiosyncratic Copyright 2015. All rights reserved.
Babala Ng Isang Makata
Iwasan mo ang umibig sa isang makata. Dahil dadalhin ka niya sa mga lugar kung saan mabibihag ang iyong puso. Sa tuktok ng mga bundok kung saan maabot mo ang mga ulap. Sa dalampasigan kung saan mabibilang mo ang mga bituin sa langit. Sa mga hardin ng bulaklak, sa simboryo ng mga simbahan. Sa lilim ng buwan. At doon ay hahalikan ka niya ng buong alab. Halik na naguumapaw sa pagmamahal at pananabik. Halik na magtatalo ang sakit at langit. At kapag nawala na siya ay maiiwan sa iyong bibig ang lasa ng kanyang labi. At palagi kang babalikan ng mga alaala sa tuwing mapapadpad ka sa mga lugar kung saan ka niya hinalikan. At siya lamang ang maaalala mo sa bawat lugar na ito. Mga alaalang hindi ka lulubayan. At doon mo malalaman ang dahilan kung bakit kayang simulan ng isang tula ang himagsikan. At kung bakit tula din ang ginamit sa huling paalam. -The Idiosyncratic Copyright 2015 All rights reserved.
Black
When you turn off the lights, When all that's left are doubts Sadness starting to crawl From the shadows to your eyes. All you see is black. But black is what you are. From your eyes to your hair. To the darkness you're in And even in the morning after. Let me be there. And watch how our silhouette Forms the shape of the night Dancing with easy stealth. We will surrender to the dark And let it cover our worlds. Let it keep our secrets And hide within its walls. I will be with you every night. Black is what we'll see. And that is we are. -The Idiosyncratic Copyright 2015. All rights reserved.
For writers are dreamers
We often ask if we are holding the pen or is the pen holding our hands, or is it not really a blank paper but an epic already told just waiting for our thoughts to expose those hidden words.
We often wonder if things really happen for a reason or are they the children of a writers deepest imagination, For dejavus happen as they do not, but is still recollections.
We dream, and dreaming is what most of us are good at and we can see and feel whats out there in the farthest stars and hear what the tiniest organisms shout, and hold them closely to our heart,
For writers are dreamers while awake, while asleep while speaking, while walking while stargazing and while making the pen weep.
-The Idiosyncratic Copyright 2015. All rights reserved.
Siklo ng Alaala
Sa bawat pagsikat ng araw ay bumubuo tayo ng mga bagong sandali na magiging piraso ng ating kasaysayan. Ang iba ay sadya, at ang iba naman ay bunga nang paglalaro ng tadhana. May mga inaasahan at meron din namang pinaka iiwasan. May mga pagkakataong agad na nabubura sa isipan at mayroon din namang tumatatak sa kaibuturan. May maaring panghawakan at mayroon din pilit nang binibitiwan. Sa bawat paglubog ng araw, tinatangay ng hangin ang mga masasaya at malulungkot na pangyayari patungo sa imbakan ng mga alaala. Mga alaalang hindi na akma sa kasalukuyan. Mga alaalang maaring balikan pag dating ng panahon o tuluyan ng kalilimutan. Tulad ng unang pagsakay ng bisikleta, o nung unang pagkakataon na makakita ng tren. Noong pagsalanta ng nakaraang bagyo. At noong unang natikman ang tamis ng halik. Dito tayo mapupunta balang araw, Sa imbakan ng mga alaala. Mga sandali sa pagitan ng pagsikat at paglubog ng araw. Dito ay maari tayong dumapo sa gunita ng bukas. O tuluyan ng mabaon sa nilimot na kahapon. -The Idiosyncratic Copyright 2014. All rights reserved.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Beige and Stars
It was one beige Saturday when we first met. Yes, we met on that one beige Saturday. As beige as my then baseball cap, And as beige as the stripes in your shoes. We belong with the beige tiles on the floor. The air was humid like it always does. Yes, it is always humid during this season. You acted cool and I acted hot. I found you defying the weather cool. And you said that me obliging with it hot. The movie that we first saw, I didn't understand. I know that we both didn't understand that first movie. Who cares because you're busy knowing me. And I love how you search my every inch. It connected, and that is what we understood. The first day, you sang and I danced. I danced and you sang that very first day. The symphony you made, I love to the core. To your core, I danced like never before. Noone else knows, but I love how the art formed. Since then, I started writing stories of stars. Those stories of stars that I've written since then. Beige, cap, shoes, movie, sing, dance, core, art, and stars. We used to think that we were just counting stars. Until we realized that we are now counting years. -The Idiosyncratic Copyright 2014. All rights reserved.
Ang Huling Sulatin Para Sa Kanya
Simula na ng tag-init. Mahapdi sa balat ang sinag ng araw at idagdag pa ang mga bumabagabag sa kalooban. Malaking tulong ang pagpasok niya sa simbahan kanina. At lalong nabawasan ang bigat nang dahil sa masarap na halu-halong kinain niya. Buti na lang at may nabibiling pansamantalang ligaya. Habang nakasakay sa bus, inalala niya sa huling pagkakataon ang isang bagay na dapat na niyang wakasan. Masaya sila noon. Batid man nilang mali ang ginagawa nila, hindi nila maiwasang mahalin ang isa't-isa. Ang alam nila, hindi maling magmahal. Mayroon lamang maling mga pagkakataon. Hanggang sa dumating sa puntong nagkamali siya at kinailangan nang putulin ang kaligayahan. Pero ayaw niyang mawala ang ugnayan kaya't sa pangalawang pagkakataon, mas pinili niyang gawin ang bawal. Paano mo nga naman pipigilan ang isang bagay na nagbibigay sayo ng kakaibang saya. Pero napansin niyang maraming bagay na ang nag-iba. Naguluhan ang damdamin niyang ang tanging hangad lang ay ang makasama ang taong iyon. Nagsimula siyang balewalain, hindi pansinin, at alisan ng halaga. Kahit masakit, kinumbinsi niya ang sarili niya na ganun na lang din ang gawin. Piliting umiwas na lang para maisalba pa ang natitirang bagay na mahalaga sa kanya. Ang kanyang puso. Tinatagan niya ang kanyang loob at tinigasan ang kanyang puso. Gusto niyang iparamdam doon sa taong mahal niya na kaya din niya ang mga bagay na ginagawa nito. At nagpatuloy sila sa ganoong tagpo. Habang tumatagal ay lalo nang nagiging bato ang puso niya. Hindi niya alam na sa loob nito ay naroon pang rin ang isang tinig na binibigkas ang pangalan ng taong mahal niya. Nakakapit. Lumalaban. Sa wakas, narinig niya din ang tinig na namamaos na sa kasisigaw. Dahan-dahan niyang binuksan ang puso niya para kapain ang damdaming nagnanais na makalaya. Sinubukan niyang katukin ang puso ng mahal niya upang alamin kung mayroon din bang tinig na nakakulong sa loob nito. Tahimik. Kabaligtaran sa ipinapakita nito sa kanyang ingay at saya. Pinilit niyang silipin ang kaibuturan, pero wala na talaga. At doon niya nalaman na wala na ang kaparehas ng tinig na nasa loob ng puso niya. Masakit. Masakit tanggapin ang katotohanan. Gusto niyang magwala at manakit. Pero alam niyang walang patutunguhan. Dahil hindi na maibabalik ang isang bagay na matagal nang wala. Alam niya ang dapat niyang gawin. Nalaman niya ito doon sa simbahan. Kayang palayain ng katotohanan ang tinig na nakakulong sa puso niya. Sinabi niya dito ang totoo. Nabuksan ang puso niya at tuluyan nang lumipad paalis ang tinig. Dasal niya na sana makahanap ng bagong tahanan ang tinig na galing sa puso niya. Sa puso ng isang taong totoong magmahal. Sa puso ng taong hindi takot sa katotohanan. Ng isang taong maaalagaan ang tinig nang higit pa sa kaya niyang ibigay. Napasandal sa balikat niya ang ulo ng katabing natutulog sa bus at napukaw na ang ala-ala. Bumaba na siya at ngumiti. Paalam tinig. At masaya na siyang lumakad patungo sa sakayan ng traysikel na maghahatid sa kanya pauwi.