Ang Hukom
Ang mundo ay isang malaking Hukoman. Hindi iisa ang taga-hukom kundi lahat ng tao. Lahat sila huhusga sa'yo. Ikaw huhusga din sa iba. Lahat ng lugar sa mundo ay hukoman. Wala kang pagtataguan. Wala kang takas. Wala kang pupuntahan. May gawin ka mang mabuti o masama, may sasabihin pa rin silang hindi maganda sa'yo. Para magmukhang 'neutral' ulit. Kakahusga nila sa'yo. Manghuhusga ka din. "Revenge is repeating what they did to you." sabi ng bida na napanood ko noon. Huhusga ka din para maibaba ang tao sa paligid mo, para hindi lang ikaw ang mababa. Pero ang tanong, handa ka na ba? Handa ka na ba sa huling hukom? Huling Hukom na ang Diyos na mismo ang makakaharap mo? Handa ka na ba?
















