GNP at GDP
Reaksyon ni Elisha Marie F. Dagala
GROSS NATIONAL PRODUCT (GNP): Philippines Gross National Product (Development Chart from 1998 to 2015)
1. BUOD NG ARTIKULO: N.A. (2015). Philippines Gross National Product. Retrieved from Trading Economics: http://tradingeconomics.com/philippines/gross-national-product.
Ang Gross National Product o GNP ay tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa sa loob at labas ng bansa sa isang taon. Habang tumatagal, pataas nang pataas ang GNP ng ating bansa. Tinatayang tumaas ang halaga ng mga produktong gawa sa loob at labas ng bansa nang halos Php. 1,476,240.99 noong 1998 hanggang 2015 ayon sa ulat ng Philippine National Statistical Coordination Board.
2. OPINYON O PANANAW
Nagiging mabuti ang ganitong uri ng pagbabago pagdating sa GNP ng ating bansa dahil nasisigurado ng tao na nagkakaroon ng hakbang ang ating ekonomiya tungo sa kaunlaran. Nauunawaan rin ng tao kung sa paanong paraan niya mapaninindigan ang kanyang tungkulin sa pagpapanatili ng isang maayos at maunlad na daloy ng ekonomiya.
3. PAYO
Balansehin ang pagkonsumo sa mga produkto galing sa loob at labas ng bansa. Siguraduhin rin na magbayad ng tamang buwis upang maiwasan ang mga problema na maaaring harapin hindi lamang ng iyong sarili, kundi pati na rin ng iyong bansa.
GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP): NEDA keeps 7% growth forecast for 2016
1. BUOD NG ARTIKULO: Torres, T. P. (2015). NEDA keeps 7% growth forecast for 2016. Retrieved from The Philippine Star: http://philstar.com/business/2015/12/18/1533689/neda-keeps-7-growth-forecast-2016.
Ang Gross Domestic Product o GDP ay tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng isang bansa sa isang taon. Inaasahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na tataas ng anim na porsiyento ang GDP ng Pilipinas pagdating ng 2016 at 2017. Ayon sa kanila, tumutugma naman ang presyo ng mga domestic at external na produkto kaya naman naniniwala sila na posibleng magiging maayos na ang takbo ng ekonomiya ng bansa.
2. OPINYON O PANANAW
Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng pagbabago sa ekonomiya ng ating bansa ay nakabubuti sa mga tao dahil nakagagawa tayo ng mga paraan upang makaahon laban sa mga napapanahunang isyu na nararanasan natin sa ating ekonomiya. Nakabubuti rin para sa mga mamamayan ang pagkakaroon ng positibong pananaw pagdating sa kalagayan ng ating ekonomiya dahil ngayon pa lamang, hindi na lingid sa ating mga isipan na hindi pa huli ang lahat; may pag-asa pang uunlad pa rin ang ating ekonomiya.
3. PAYO
Ayon sa mga eksperto, dapat tumaas ang konsumo ng mga domestic o mga produkto na gawa sa ating bansa nang sa gayon ay matamo at mapanatili na rin ng ating bansa ang pagkakaroon ng isang middle-income status.
















