IMPLASYON: DBCC retains 2-4% inflation target for 2016
Reaksyon ni Sabrina Andrea B. Aragon
1. BUOD NG ARTIKULO: Agcaoili, L. (2015). DBCC retains 2-4% inflation target for 2016. Retrieved from The Philippine Star: http://philstar.com/business/2015/12/31/1537717/dbcc-retains-2-4-inflation-target-2016.
Ang DBCC o Development Budget Coordination Committee ay nagsabi na ang layunin ng 2-4% inflation rate ng 2015 ay itutuloy pagdating ng 2016. Ayon sa BSP, ang mababang inflation rate na ito ay bagay sa ekonomiya ng Pilipinas sa ngayon dahil sa nababagong mga presyo at mga layunin tungkol sa pagsusulong ng ekonomiya. Ang pagkaroon ng mababang implasyon ay maaaring ipagpatuloy dahil ang ibang mga dinamikang implasyon ay sumasang-ayon sa napabuting pagkakaya ng pambansang ekonomiya sa mga nangyayaring supply shocks. Sinasabi ng mga monetary authorities na maaaring tumaas sa 2.4% kaysa sa 2.3% ang inflation rate sa 2016, at 3.2% kaysa sa 2.9% dahil sa pagtaas ng inflation rate sa Nobyembre, ang paghihina ng peso kaysa sa Amerikanong dolyar, at ang mga pangangailangan dahil sa mga kaguluhan sa panahon.
2. OPINYON O PANANAW
Sa tingin ko’y makabubuti ito sa ekonomiya ng Pilipinas sa ngayon dahil ang mababang inflation rate ay gagamitin upang maging mas kompetitibo ang mga negosyo dahil mababa lamang ang mga presyo. Magandang balita rin ito sa mga mamamayan dahil mas kaya na nilang bumili ng kanilang mga pangangailangan at pati na rin ang kanilang mga kagustuhan sa murang presyo lamang. Mabuti rin ito para sa mga pamumuhunan dahil sa katatagan ng ekonomiya dahil sa pagkaroon ng mababang implasyon. Para sa akin ay talagang makabubuti ito sa bansa natin, ngunit makakasama rin dahil sa pagbaba sa halaga ng peso na maaaring magkaroon ng epekto sa paggastos natin at ng pamahalaan sa labas ng bansa.
3. PAYO
Ang maipapayo ko’y kailangang mapanatili ang pagkakaroon ng mababang implasyon dahil mayroong mga oportunidad ang mga negosyo upang lumago dahil sa pagbili ng mga mamamayan. Kailangan ring mag-impok ang mga tao dahil kapag tumaas muli ang halaga ng peso ay maaari nilang gamitin ang kanilang naimpok para sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan. Ipapayo ko rin sa BSP na kailangang tumaas ang halaga ng peso sa dolyar dahil magkakaroon ng suliranin sa paggastos sa labas ng bansa kapag ang halaga ng peso ay bumaba pa. Kailangang tumaas ang implasyon ng kahit kaunti dahil maaaring tumulong rin ito sa pagsulong ng ekonomiya dahil sa pagtatrabaho ng mga tao upang kumita pa ng mas malaking sweldo.














