PAMUMUHUNAN:Â Australian firms eye PPPs, investments in PH
Reaksyon ni Sophia Justine L. Floreto
1. BUOD NG ARTIKULO: Gulla, V. (2016). Australian firms eye PPPs, investments in PH. Retrieved from ABS-CBN News:Â http://news.abs-cbn.com/business/01/20/16/australian-firms-eye-ppps-investments-in-ph.
Ang pamumuhunan ang paglalaan ng kapital para sa proyekto. Batay sa artikulo, nagpapakita ang Australia ng interes na mamuhunan dito sa bansang Pilipinas, gaya na lamang sa mga business process outsourcing o BPO, enerhiya, telekomunikasyon, manupakturing, pagmimina, at maging sa mga pribado at pampublikong mga proyekto. Nakasaad din dito ang mga benepisyo na maaari nating makuha at mga bagay na maaaring makahadlang sa kanila.
2. OPINYON O PANANAW
Para sa akin, mahalaga ang kagustuhan ng Australia na mamuhunan sa mga proyekto ng Pilipinas dahil ito ay makatutulong upang mapataas ang ekonomiya ng ating bansa. Makatutulong din ito at makapagbibigay daan din sa mga walang trabaho. Ang mga proyektong nasimulan rito ay suportado ng Australia, at iba pang pakinabang na makukuha sa pamumuhunan ng Australia.
Ang pamumuhunan ng Australia sa ating bansa ay nangangahulugan lamang na sila’y hindi lamang interesado sa pera, bagkus sila ay naniniwala rin na ang mga proyekto dito sa Pilipinas ay mahalaga at dapat ipagpatuloy.
3. PAYO
Para sa mga walang hanapbuhay, maaari itong maging malaking tulong sa kanila.  Ito ay magsisilbing susi para sa kanilang magandang kinabukasan dahil rtumatanggap sila ng higit tatlumpu’t libong Pilipinong manggagawa. Sa ganitong paraan ay makapagbababa ito ng bilang ng mga walang trabaho dito sa ating bansa.

















