It just need to blog about today.
Sunday, August 04, 2012 - UPCAT 2012
Pinapila kami pasado 12:30 na. Umuulan ulan pa nun. Matagal kaming naghintay bago kami makapasok sa testing room. Mga 1 and a half hours siguro yun. Nakapaghanap pa nga kami ng pogi eh. :P Ā Tapos ayun, sineparate yung mga left handed and right handed. Malayo yung lalakarin namin para makapunta dun sa mismong place tapos nung patawid na kami. Nagpakitang gilas ang langit. Yung payong ko nasa backpack ko kaya walang kwenta. Hahaha! Pinakuha ko sa kaibigan ko tapos ginamit namin kaso wa epek. :P Ilang beses bumaliktad ung payong sa lakas ng hangin at ayun, wala na kaming choice. Basang basa kami sa ulan tapos yung vans ko. HUHUHU. Basang basa. As in dripping wet. Pati ako, dripping wet din. :P Nakita nmin yung mga classmate namin na pang umaga na lumabas na ng testing center so bonggang kaway kame. :P Kala mo hindi nagkikita sa school eh. Lol. =))) Nung nasa pila na kami, nakipagpalit kami dun sa mga nasa harap naming magkakaibigan din kasi bawal daw magkakatabi na school so aun. :) Katabi ko yung pogi nilang friend. Alulu. Talandee. Harhar.Ā
EXAM NA. AYUN NA YUN. Marami akong nakitang taga-tumblr at mga kakilala. Dating schoolmates tsaka dating classmates. 5 hours yung impyernong yun. Sobra pa nga ata eh. Madilim na nung ntapos kami. Pinatuyo nalang namin yung mga sarili namin sa loob ng limang oras na tuyuan ng utak, guluhan ng buhok at kung ano ano pang ginawa ko para hindi ako mabaliw. Actually, hindi sa pagmamayabang, para siyang NCAE or RSAT or yung mga ganung type ng exam. HINDI SIYA MADALI para sabihin ko sainyo pero malaki ang chance ng mga papasa. Pinaka-nahirapan ako syempre, math and science. Sa Science AS IN 10% lang yung alam ko dun. Ganun din sa Math. Sobrang kinamote ako dun.. Nawala yung stock knowledge ko. Out of stock na. Then the rest was neutral. May alam ako, may hindi din naman. Natawa lang ako nung paglingon ko sa katabi kong pogi :P Gamit na gamit niya yung scratch paper. Yung akin ang linis eh :P Sobrang onti lang ng sinolve ko. Haha! Yung tanong sa essay ko, magsulat daw ng isang malaking kasinungalingan tungkol sa sarili mo. Edi nilagay ko, Im the youngest film director that received 10 world records at age 15. :P ohaaaa. :))Ā
Pagkatapos maloka sa limang oras ng impyerno, sumugod kami sa baha ulit. Tapos sobrang saya sa feeling na para bang kung hindi ka pumasa ayos na, basta yung experience andun. Pero syempre, SANA pumasa diba. Ang dami ko nang inimagine na scenarios pag ahead of time ako natatapos eh. Natapos ang exam ng maluwalhati. Hahaha! Dumerecho kami ng SM Molino. Tinanong ni mommy bakit daw, sabi namin magcecelebrate kami kasi nakalabas kami ng buhay. HAHAHAHA! Baha kasi sa bacoor eh kaya sa molino nalang kami. Tapos bumili ako ng tsinelas kasi nga dripping wet yung vans ko. T^T Tapos kumain kami sa KFC. Tapos umuwi na kami. :)Ā
Tapos pag open ko ng twitter, ni-RT pala ako ni Lester Giri. :"> HONGSOYOOOO!Ā
That was my day. Medyo boring kung iisipin pero masaya pramis! Di ko lang ma-explain ng maayos. :DĀ
Sa mga mag eexam bukas, good luck seniors! :DĀ












