by: Christopher John Ongkiko aka “Shehyee”
May bagong viral daw sa Facebook,
Check ko nga, sino kaya ‘to?
Putang ina, lalaking macho,
Mamba out na ‘ko, dapat, kaso,
Napabasa pa ‘ko ng comments ng tao,
“Grabe naman ‘yan! kasing-laki ng braso.
Kuya, pwede bang buntisin mo na ‘ko?”
“‘Te may BF ka ‘di ba? Anong ginagawa mo?”
“Sorry nadulas, kanina pa kasi basa ‘to.”
Grabe si ateng, game na game,
Paano kaya kung sa kanya gawin?
“Ate okay lang ba sa iyo na buntisin kita?”
Sumagot siya, “Bastos mo, putang ina ka!”
Ang back-up nagsi-dating, nag-explain,
Sama daw nila pero, “It’s not the same!”
Kasi sila daw ay nagbibiruan lang, guys.
Kanya-kanyang trip lang, respeto na lang, guys.
Aba okay din!
‘Pag ako bawal, ikaw, pwede mong gawin?
Pwede kang mang-manyak,
Bawal kang manyakin?
‘Pag ikaw, laugh trip, ako, nakaka-offend?
Galing!
Katatapos lang tumae,
Buti may bakante,
Walang tao, ‘di nakaka-diyahe.
Kahit pururot, ‘eh kampante.
Kaso paglabas ko ng pinto, may janitor na sumulpot,
babae!?
Puta, ‘bat naman ganon?
Yung CR, pang-lalaki, may babaeng nandoon?
Bakit ka andito, wala ka namang talong?
Baligtarin natin, ate, okay lang ba ‘yon?
Ang sagot mo, “Mali ka!”
Wala naman daw malisya.
Pero ‘pag lalaki gumawa ‘non ay mali siya
Kase mas malibog daw lalaki sabay tinanong ako
bakit daw ako nanghusga kanina?
“Huh?”
‘Wag mo na akong kausapin
Akin na 'yan uniform, masubukan natin
Hangarin ay malinis,
Makapag-linis na nga rin,
Ayun, may sumampal sa ‘kin!
Aba okay din!
‘Pag ako bawal, ikaw, pwede mong gawin?
Pwede kang mang-manyak, bawal kang manyakin?
‘Pag ikaw, laugh trip, ako nakaka-offend?
Galing!
Pwede po bang magtanong?
Gusto ko lang malinawan.
Bakit okay lang sa babae
na magpaligaw sa marami
pero sa mga lalaki,
lagi nilang sinasabi,
dapat ay isa lang ang aming ligawan?
Puta, ‘bat naman ganon?
Sila lang ba ang mayrong karapatang mamili?
Kung sino ang may pinaka-malaki na titi?
Kami, bawal alamin kung sino ang may masikip na kiki?
“Huh?”
Ang sarap mong sapakin,
kaso nga lang, tang ina, bawal kong gawin.
Pero kayo pwede,
Kasi meron kayong dede,
‘Pag nanakit kayo, “hehe”,
bawal naming dibdibin.
‘Pag kayo’y umiyak,
lalaki agad ang mali sa mata ng publiko.
Pwedeng-pwede niyong himasin ang dibdib ng lalaki,
pero bawal naming lamasin ang suso niyo.
Okay din!
Harassment agad?
Ang lalaki, maarte, kapag pumalag.
Sasabihin, “Huy bakla ka, wala kang bayag!
‘Pag ikaw ay na-rape wag ka nang magbalak
mag-demanda,
lalo na kung yung babae ay maganda.”
‘Pag umiyak ka, sila ay tatawa.
Lalo na ‘pre dahil wala kang mani,
wala na ring maniniwala.
Okay din!
Bakit kapag nasa tren,
obligado kaming kayo ay paupuin?
May trabaho rin kami, kami ay pagod na rin.
Gusto niyo, kayo na lang ay aming kandungin?
Ayaw niyo? ‘Eh ‘di tumayo kayo.
Wala kayong karapatan na picture-an ako,
at i-post sa internet para ipahiya sa tao.
May sarili ng bagon, meron pa rin kayong reklamo?
“Equality!”
Palaging sinasabi,
pero ‘pag binigay, ay ang dami pa ring arte.
Sa ganitong usapan pwede ka ng makisali,
‘pag payag ka ng kapkapan ng guwardiya na lalaki.
Meron ka pala, eh meron din ako,
pareho lang kaya, walang espesyal sa’yo.
Nice! Kaya mong gawin, ginagawa ko,
Oh, bakit parang gusto mong mag-celebrate ako?
‘Pag babae, breadwinner, “Wow ang galing!”
‘Pag lalaki, wala lang, kailangan niyang gawin.
Ang mga housewife, tila-“hero” ang dating,
‘Pag ang tatay, nasa bahay, sasabihin niyo, “Bading!”
Kumbaga, ayaw niyong mag-banat ng buto,
Ang dami ko pa sanang sasabihin sa inyo.
Kaso ‘pag dinagdagan ko pa ng verse ang rap na ‘to,
tatanungin niyo na ‘ko kung babae ba ako,
kasi ang pwede lang magsalita nang marami,
ay kayo.