Respeto na lang sana para sa mga taong minsan nang nawasak ang puso dahil sa pag-aakalang mararanasan din nila ang magmahal at mahalin pabalik. Hindi lahat ng puso ay matatag at kayang masaktan nang paulit-ulit. Kaya kung wala kang balak na seryosohin sila kagaya ng pagseseryoso nila sayo, pakiusap lang. Lumayo ka na habang maaga pa. Hindi mo alam kung gaano kahirap na muling buuin ang sarili pagkatapos mong ibigay sa maling tao yung tamang “ikaw”.















