Dalangin
Mahirap daw ang mag-isa
Ngunit aking kakayanin
Kaysa iba ang kasama
At malayo sa ‘yong piling
Marami kang iniisip
“Anong sasabihin nila?”
Ako sa’yo ang sasagip
Sa matalim nilang dila
Sa akin ay sasaya ka
Ngiting ‘di mo pa nagawa
Dalangin ko’y Ikaw nawa
At sa puso mo’y Ako nga
Ginawa mong bago lahat
Sa dibdib ko ay sinulat:
“Kahapon, ngayon, at bukas
Lalagyan Natin ng bakas”












