Tara, Umabsent sa Buhay
Noong bata ako, gusto kong tumanda. Ngayong matanda na ako, gusto kong mag-absent sa buhay.
May bills, may deadlines, may expectations.
May tanong na "Ano na'ng ambag mo?" kahit minsan ang gusto ko lang ay matulog nang mahimbing, tulad ng dati.
Akala ko dati, ang pagtanda ay freedom.
Turns out, it's a long-term group project na hindi mo pinirmahan, pero required ka pa ring magpasa ng output.
Walang recess. Walang bell. Walang teacher na magche-check kung okay ka pa.
Ang sarap maging bata… pero hindi pwede uli.
Kasi kahit sa sarili mong kwento, supporting character ka na lang sa dami ng responsibilidad.
At kahit gusto mong mag-absent sa buhay, may pasok pa rin bukas.
Alam ko, alam ko.
Ang dami nang nagpost tungkol dito.
Yung “Larong kalye vs gadget generation”
Yung “Sarap maging bata noon”
Yung “Simpleng buhay, pero masaya”
Oo, ang dami na. Pero sorry, magpopost pa rin ako.
Kasi minsan, masarap balikan. Masarap ulit-ulitin.
Parang paboritong laro na kahit alam mong natalo ka na, gusto mo pa ring ulitin.
Naalala mo pa ba?
Habulan hanggang maubos ang hininga.
Tagu-taguan na parang training sa pagiging ninja.
Tumbang preso na para kang action star.
Langit-lupa, Luksong tinik, Piko, Chinese garter, lahat yan, libre. Basta may kalsada, may tropa, at may lakas ka pang tumakbo.
Yung mga laruan?
Kung may budget: trumpo, yoyo, teks, pogs.
Kapag may konting yaman: Yugioh cards, Beyblade, Tamiya Mini 4WD, Crush Gear.
na parang Holy Grail ng mga batang may tito sa abroad.
Lahat ito, parte ng pagkabata na hindi lang basta saya.
May injury, may iyakan, may away. Pero lahat yun, may kwento. At may aral. Tsaka pinaka importante ay bati tayo.
Iba na ang trip ng mga bata ngayon.
May tagu-taguan parin, pero emotions na yung tinatago.
iPad nalang sa bahay sa halip na mag punta sa computer shop.
Roblox imbes na mag-adventure kung saan mang ilog.
Minecraft kaysa sa bahay-bahayan, na napilitan ka lang laruin dahil sa kababata mong babae. Ayyieeee!!! Kras niya yun!
Me rn: charizz pero legit.
May mga virtual pets, imbes na mang-hunting ng gagamba sa talahiban.
At may AI best friend na hindi na kailangan tawagin sa tapat ng bahay nila at sumigaw ng "Psst, tara laro tayo!"
Hindi ko sinasabing mali o hindi masaya.
Iba lang. Mas high-tech, mas convenient, mas controlled.
Pero minsan, parang kulang sa alikabok.
Kulang sa galos. Kulang sa amoy ng pawis at dungis.
At sa gitna ng lahat ng ito, eto tayo.
Tumatanda. Napapagod. Nagtatrabaho habang iniisip kung kailan puwedeng mag-absent sa buhay.
Kaya nga minsan, sa gitna ng ingay ng mundo,
Gusto ko lang tumakbo uli.
Hindi papalayo sa problema,
Kundi pabalik sa isang lugar na kung saan man sa ala-ala. na laging maaalala, na minsan tayong naging masaya.
Bitin ba? Kaso gabi na.
Ito na yung level sa childhood game na “Tumbang Preso: Final Boss”
Uwi na bago tayo mapresinto sa hukuman ni Mama at ma-sentensyahan ng isang linggong grounded at zero merienda.
Sa susunod na kwentuhan ulit.
Promise, di na ako magtatago nang matagal.
--///--
May kwento ako. Basta sagot mo ang kape ko.
☕ coff.ee/kwentoniblack












