Hindi pa man isinisilang at nasa loob pa ng tiyan, hirap at sakit, inyo ng naranasan. Hanggang sa ako na'y iniluwal, paghihirap niyo'y lalo lamang nadagdagan. Bumigat man ang dalahin, ngunit hindi kayo sumuko sa akin. Salamat, Inay, sa walang sawang pag-aalaga, Salamat, Itay, nagagalit ma'y dama ko parin ang kalinga. Ako'y di naging mabuting anak, ni hindi ko kayo mabigyang galak. Patawad, sa lahat ng luha at sakit, sa mga naranasan ninyong hapis. Hindi ako sa inyo mangangako, ngunit hindi rin ako susuko, na balang araw akin nang maiguguhit, ang ngiti sa inyong mga labi.