Pwede bang huminga?
Diwa na nagwawala, emosyon na nakawala, salamat sa tumblr bawat isa sa atin ay pwedeng makapagsalita. Wala namang punto ang mga salita na binabanggit ko dito, gusto ko lang dumaldal... ilabas ang sarili ko sa kalawakan... sa ganitong paraan ay kahit papaano ay naiibsan, nababawasan ang hindi ko rin naman maipaliwanag na tibok ng isipan, pakiramdam na nandyan... wala ka na ring pakialam kung may makakarinig, kung may tatamaan. Ang mahalaga nakahinga ko...









