Nung Friday ko pa dapat ibblog to e, kaso tinamad ako. Plus abnormal yung internet. Kaya ganern. Game!
Nung friday kasi nagpunta ko ng school para kumuha ng bagong password chuva. Tapos nagpasama din yung kapitbahay namin kasi balak nya sa Era din mag college.
Dahil walang jeep na Philcoa, naisipan namin na mag cutting trip nalang. Bale sasakay ng jeep na Cubao tapos bababa sa terminal ng jeep na philcoa na madadaanan.
Tapos may sumakay na Kuya, may kasama syang matanda, so inisip ko malamang lola nya. May dala syang malaking bag, parang naglayas lol. (naglayas kasama lola wut?) Grabe ang gwapo nya as in. lol OA :D pero seryoso ang gwapo nya. Kamukha nya si Hua Zi Lei ng Meteor Garden. LOL :P naisip ko lang. :) Di dahil sa muli akong nababaliw sa drama series na yon. Kasi kahit di mag throwback yung meteor garden, sya at sya pa din yung maiisip kong kamukha ni kuya. :D
So ayun na nga, bat ko ba naisip na magkamukha sila? E kasi, magka mukha sila. :D lol de jk Except lang sa long hair na role nya. malamang. Tapos pareho silang payat. :)) Tsaka kamukha sin nya si Vic Zhou (real name ni Hua Zi Lei) sa movie nyang Love you 10,000 years. Except sa balbas. -_-
Tapos eto pang nakakatuwa sa kanya. Dahil magkatapat kami sa jeep, nakita ko sya, binuksan nya yung bag nyang dala. Tapos, para syang may tinitingnan. At dahil nasa likod na part nila yung araw, pansin lang na nagrereflect yung liwanag dun sa hawak nya sa loob ng bag. So inisip ko nalang na salamamin yun. Taspos nung tiningnan ko sya, nagaayos ng buhok ang lolo mo. Vain naman pala. haha Nakakatuwa lang. Tas naalala ko bigla si Zayn. :) hihi magkasing vain sila. lol
Nung lumipat na kami ng jeep, kasabay namin sila ng lola nya. Akalain mong dun din pala sila bababa. Tapos sa nilipatan naming jeep, magkatabi kami. :) lol lende. haha pero nung unti unting napuno yung jeep, di nako masyadong sumiksik sa kanya, baka kasi mahalata. lol wut? haha Nung nagbayad sya, sa Lung center naman pala ang punta. Baka ipapa check up nya lola nya o kung ano man.
So yun, na kwento ko na. Ang haba neto pero walang kwenta. pagpasensyahan nyo na. Tao lang, lumalandi din. lol hahaha :))