; NCT U. transferee niyong famous agad sa first day.
shotaro. cutie pie. 1/2 soft boi, 1/2 hardcore tiktoker. sa kanyang mo natutunan mag renegade. laging tambay sa sulok ng classroom. yung cellphone nakasandal sa bintana tapos tiktok app open. minsan na siyang na-confiscate dahil kitang-kita sa cctv yung pagsayaw niya. “ba’t sina jeno at jisung hindi nac-confiscate?”
sungchan. junior star ng soccer team with his yuta senpai. ugaling hindi matalino, pero at least madiskarte. “it’s better to cheat than to repeat.” wise words from him. akala mo based from experience. supposed to be nice boy, pero hindi mo na alam ngayon. napabarkada bigla kay chenle e’. masamang impluwensiya ‘yon.
; NCT 127. seniors w/ bad bitch energy.
taeil. kaklase mong late pa rin kahit malapit lang bahay. suki sa guidance office. got his tardiness slip. chill lang sa klase kahit bungi-bungi na yung card. “peram ballpen.” tapos mamaya, wala na. hindi uso review dito. stock knowledge lang, sapat na.
johnny. 1/3 of the foreign swaggers squad. fashion icon. puro pa-pogi, wala naman binatbat sa recitation. “your style is so baduy.” he says while giving you his judgy eyes. madami nagpapa-picture dito. famous sa instagram, over 1k followers. medyo snob, pero keri naman.
taeyong. doesn’t have the bad bitch energy, but friends with a lot of them. class president. yung mga kaibigan niya, sipsip sa kanya. always with him to make sure hindi nakalista sa noisy. “guys, respeto naman.” ang lagi niyang sinasabi tuwing nagw-walk out yung teacher niyo.
yuta. laging wala dahil sa kanyang division meet. star player niyo sa soccer team. senior yuta, with his junior sungchan. minsan lang dumalo ng klase, pero mataas pa rin ang score. “baka yuta ‘to.” mayabang. tapos laging may dalang soccer ball sa room. minsan na rin siyang nakabasag ng bintana, pero hindi naman pwedeng makick-out at star player nga.
doyoung. literal na bad bitch. attitude. maldita. dinaig ka pa sa katarayan. always with his circle, kahit pagwatak-watakin mo pa yung upuan nila. “penge pulbo.” halos isaksak mo sa baga niya yung johnson’s baby powder mo. manghihingi na nga lang ng pulbo, iirapan ka pa. tama ba ‘yon?
jaehyun. 2/3 of the foreign swaggers squad. competitive man sa physical education. tamang kalmado lang habang nagkakagulo ang mga kaklase niya. unbothered king. always flexes his new shoes. “it’s the latest air jordan.” hindi nasunod sa uniform regulations. may sariling pormahan.
jungwoo. funny guy. “feeling ko napapanot na sa atin si ser.” minsan sabog, kadalasan wala lang sa wisyo. ginagaya yung accent ng teacher mo. research sa isang window, y8 sa kabilang window. tropa sila ni alt+tab tuwing nasa library kayo. the type of person kapag may nahuling kababalaghan, “uy, ano yan. pornhub?”
; NCT DREAM. boys at the back type of classmate.
mark. 3/3 of foreign swaggers squad. local boy. “support local mga pare.” laging may dalang gitara, tapos jamming sila ng barkada nila sa likod tuwing free time. skusta clee ang kantahan nan. siya ang gitarista, samatalang taga-kanta naman si haechan. yung infamous intro ng mundo by IVOS ang lagi nilang pinapatugtog.
renjun. isa sa mga matitino, pero kasama sa mga boys at the back. “renjun, pakopya.” ang kadalasan niyang naririnig, pero syempre hindi 'yan napayag. madamot ‘yan magbigay ng sagot e’. leader niyo na laging taga-buhat sa project. kapag may assignment, gawa na agad sa oras ng vacant.
jeno. cod at ml boi. kaya nasa likod ng klase ‘yan, kasi laging nagc-cellphone. “hoy, yung mid natin putang ina.” mapapamura na lang minsan sa kabobohan ni jisung. matapang ‘yan, hindi tago ang cellphone sa bag. he’s actually an honor student, gamer lang talaga.
haechan. pabibo. dakilang buraot. laging nalapit sa’yo para humingi ng five pesos. “pengeng five.” pangbayad niya daw kasi sa class fund. tambay rin ‘yan sa likuran, taga-bato ng crumpled paper tuwing klase niyo. slight bully. tinataguan ka ng gamit minsan. ibabalik niya lang kapag nakita ka nang pa-iyak. “iyak ka na nan?”
jaemin. that one quiet kid at the back. gwapo ‘yan, escort ng klase. minsan mo ng nakalandian, pero hanggang doon lang. madaming girls ang naghahabol. minsan maharot, kadalasan bobo. airhead. lutang. nalipad ang utak tuwing klase. minsan na siyang nakantahan ni mark ng momay. “lumilipad na naman ang isip mo.”
chenle. rich kid. maingay, walang preno bunganga. “tangina niyo, nandito na si ma’am.” taga-announce ni taeyong ng walang pasok. medyo topakin, pero nanlilibre. future abm student, magaling sa negosyo. may sariling thrift shop account sa instagram, suki ay sina johnny at jaehyun. siya din ang galante na nanlilibre ng cake tuwing teacher’s day. “suhol po ‘to ma’am, baka naman.”
jisung. laging si papel. “penge one whole.” “penge 1/4.” “may 1/2 ka?” “y/n, index card daw.” oo na, source ka nan. katabi mo kasi, kaya lagi kang nakikita na kumuha ng papel sa bag. in exchange, hinahatian ka naman niya ng pagkain tuwing klase. “oh, piattos.”
; WAYV. seniors na isip-bata.
kun. secretary niyong napaka-organize. cleaners almost everyday kasama si taeyong dahil hindi naman naglilinis yung iba. “di ka titigil?” badtrip kay chenle dahil ginagawang basketball-an yung basurahan. “for three!” chenle shoot a crumpled paper na tumama sa ulo ni kun. “tangina mong bata ka.”
ten. bffs with johnny. artistic. matalino. pala-sagot sa recit. siya yung tipong tambay sa kabilang classroom habang nakikipaglandian tuwing vacant. nagc-cellphone sa klase. patago syempre. laging naka-open instagram. “oh, sinong may gusto ng saging?” ibibigay sa’yo kapag may libre siya mula sa canteen.
winwin. kaklase mong either tulog or tambay sa chalkboard. “si winwin, nagddrawing ng dick oh!” “tanga ka, rabbit ‘yan.” aksaya sa chalk. minsan pang-drawing, kadalasan pamato sa ulo ng mga kaklase. pinapagpag lagi kung saan-saan yung eraser. siya ang dahilan kung bakit laging magabok ang classroom niyo. hindi naman naglilinis. “bakit ganan ka magdrawing ng rabbit, hyung?”
lucas. kaklase mong tambay sa pintuan. watchout niyo. laging may inaabangan sa corridor. “bukas ang canteen?” abangers kung may meeting ang mga teachers. “taeyong, cr lang ako.” pero ang totoo, nasa canteen na siya at doon na naghahasik ng kanyang pagka-patay gutom.
xiaojun. class treasurer niyo. “hoy mga puta, bayad-bayad ng class fund.” kahit siya mismo, hindi pa nagbabayad. laging naiiwan tuwing clearance dahil hindi pipirmahan yung kanya hangga’t hindi pa bayad ang buong klase. “tang ina mo lucas, utang mo mula june pa.”
hendery. kaklase mong mala-supervisor ang asta. laging nakatayo, hindi makapirmi. akala mo proctor. tuwing seatwork siya madalas naggala-gala sa room, tamang observe lang sa mga sagot ng kanyang kaklase. “paano mo ginawa ‘to?” pero ang totoo, hindi naman talaga siya nakikinig sa explanation mo. pangdistract lang kumbaga.
yangyang. expert sa pagddoktor ng pirma tuwing clearance. “ser, anong hindi kumpleto? eto oh’ may pirma na kayo.” nakakatakot ‘yan pag lumalapit. akala mo laging may masabang balak dahil sa kanyang gilagid. “’ge lang, y/n. tulog ka lang, akong bahala sa’yo.” never trust his words. paggising mo, makikita mo na lang na nakatali yung bag mo sa bag ni jisung. “punyeta ka, yangyang.”